Home

Advertisement

Customize

Art

Nov. 5th, 2008 | 08:40 am

Babala: Maraming larawan.

Siguro inaakala mo na puro kagaguhan lang ang matutunan mo sa Kamote Force. Tama ka. Hindi ako nagsasawang magbahagi ng kaalaman sa inyo at ngayon ay ipapamalas ko sa inyo kung gaano ako kahusay na artist.

Ang artist na tinutukoy ko ay hindi yung mga sumasali sa Starstruck. Lingid sa inyong kaalaman, ako po'y isang mahusay na Digital Artist. Kung ano yung digital artist, hindi ko alam. Basta ako yun at marunong ako. Kung ang MMDA nga eh may kasuklam-suklam na MMDA Art na mas masahol pa sa mga glitter graphic comments sa Prenster, bakit mo pipigilan si Kamote na may prestigious art gallery? Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang aking mga work of art gamit ang... Adobe Photoshop CD Burn Edition.

Naisin ko mang i-display ang aking mga obra, mas gusto kong magpakita sa inyo kung ano ang kaya kong gawin sa mga payak at simpleng larawan. Eto ang halimbawa:

Gamit ang aking Adobe Photoshop CD Burn Edition, ipapakita ko sa inyo kung paano ko papagwapuhin ang likas na gwapong model na itatago nalang natin sa pangalang Kamote.

Dito na dumarating yung pinakamahirap na dako sa paggawa ng mga obra. Anong gusto mong gawin? Ang mungkahi ko lamang ay gawin mo kung ano lamang ang kailangan. Ano bang kailangan ng larawan sa itaas? Anong kulang? Anong sobra bukod sa kagwapuhan? Yan ay ilan lamang sa mga katanungan na dapat punan ng kasagutan.

Ayon sa aking masusing pagsusuri, mas maganda kung naka-dilat ang ating modelo. Gamit ang pinagsamang kapangyarihan ng Adobe Photoshop CD Burn Edition (hanep ah, nakakapagod nang itype ng paulit-ulit) at CD-R King USB mouse, papadilatin ko ang mga mata ng ating modelo. At eto na nga...

O diba? Doon sa unang larawan, animo'y naka-titig manyak lang kung saan ang ating modelo. Ngayon, diretso na ang mata niya sa camera. Kewl. Sample palang yan. Halos 1 seconds (actually 1 minutes) ko lang yan ginawa. Pero hindi lang yan ang kaya kong gawin. Nangongolangot pa nga ako nung ginawa ko yan eh.

Gawing cartoon character? Pwede...



Parang nangolangot lang rin ako niyan. Eto mas malupit:


Oha. Astig diba? Napaka-amo ng pagkakaguhit ng mukha. Pwedeng pwedeng isama sa Precious Moments 2009 calendar. Pero madali lang rin yan. Gumuhit ka lang ng mata na gaya ng kay Kapitan Basa (Batibot) tapos yun na yun. Tsk. Napakasimple. Kung gusto mo ng mas cartoon effect, pwde mo ring paghaluin yung dalawang nasa larawan para astig.


Baka iniisip ninyo na puro cartoon lang at pagpapadalit ng mata ang kaya ko. Nagkakamali kayo dun. Pwede ring pang cosplay ang photo editing skillz ko. Kunwari, gawin nating seksi ang bading nating model:


Sadyang napaka-seksi. FHM quality. Kung hindi ko siguro sinabing edited lang ang larawan na yan, malamang ginawa mo nang wallpaper yan. Nakakabilib talaga kung anong kaya kong gawin basta mabigyan mo ako ng Adobe Photosop CD Burn Edition.

Pwede rin nating gawing rock music themed ang larawan kung nanaisin natin. Gusto mong gawing Linkin Park? Pwede. Gusto mong gawing Aerosmith? Pwede. Gusto mong gawing Josh Groban? Hindi pwede kasi hindi naman rock music yun. Walang hangganan ang kaya natin. Kahit gawin pa nating kakambal ni April Boy Regino yan. Pero dahil gusto kong maki-uso, eto sample para sa inyo:


Ang bangs na tumatakip sa mukha na sumisimbulo sa labis na pagdadalamhati at ang kamao ni Judy Ann na nagpapatunay ng labis na pagmamalupit sa isang pusong umiibig--the true essence of emo!

Kapag wala ka nang maisip na gawin, pwede ka ring mag-doodle gaya ng ginagawa mo sa Filipino textbook mo nung elementary ka pa.


Bigote. Balbas. Kulangot. Shades. Nunal. Kapal kilay. Whiskers. Pagpapalaki ng butas ng ilong. Lahat ng mga yan ay ilan lamang sa mga nagpapaalala sayo ng art na ginagawa mo noong bata ka pa na kung tawagin ng mga kontrabida sa buhay mo ay "vandalism." Very refreshing.

Ang mga natunghayan ninyo ay mga sampler lang ng kung anong kaya kong gawin. Kung bibigyan ko ng sapat na panahon ang paggawa kaya kong gawing Mona Lisa na nakalagay sa bente pesos ang larawan na yan. Pero ano bang magagawa ko. Sadyang tinatamad lang ako at baka isipin niyo sorbang yabang ko na.

Tandaan ninyo na sa pamamagitan lang ng konting imahinasyon, pwede nating mapaganda ang primary picture mo sa Prenster. Pero aanhin mo ang imahinasyon kung wala kang Adobe Photoshop CD Burn Edition at CD-R King USB mouse?

Trivia:

  • Kulay dilaw ang CD-R King USB mouse ko.
  • Hindi pwedeng i-burn ang Adobe Photoshop CD Burn Edition.
  • Si Judy Ann talaga ang lumapit kay Kamote (di niya tunay na pangalan) para magpakuha ng litrato. Noong una ay pumapalag pa si Kamote dahil allergic siya sa babae pero napilit rin niya ang binata.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Payong kaibigan

Jun. 22nd, 2006 | 09:42 pm
Music: Coheed and Cambria - Blood Red Summer

Tag-ulan na naman. Mating season na uli ng mga palaka. Maglilitawan na naman ang mga misteryosong kabute. Oras na para isuot ang kapote. Ayus. It's raining. Mas nakakatamad lalo ang lumabas ng bahay dahil sa mas masarap ang magpakasenti sa loob ng bahay tuwing umuulan habang nakikinig ng greatest hits ng Backstreet Boys.

Madalas, di ako nagdadala ng payon kapag umaalis ng bahay. Kung may dala man akong payong, hihintayin ko pa ang signal number 2 para ilabas yun--ilalabas lang ha. Dapat na-announce muna ng PAGASA na signal number 3 na ang bagyo para buksan ko ang payong ko--assuming na may dala nga ako.

Para sa akin, hindi naman baduy ang pagdadala ng payong. Mas nababaduyan ako sa mga papogi na nakatayo ang kwelyo at sa mga mukhang saranggolang naka-suot ng "elephants". Mas lalo namang baduy ang mga kumag na ginagawang pamporma ang jologs na paper bag ng Girbaud (pronounced daw as "Jheerbaouw"). Naniniwala akong ang pagdadala ng payong ay di nakakabawas ng pogi points, lalo na kung wala ka naman talagang ganun.

Sari-sari naman ang mga payong at sigurado akong makakahanap ka ng bagay sa style mo. Masyadong boring ang mga payong na plain lang. Kapag kulay itim ang payong mo, para kang a-attend sa libing ni Charito Solis--dapat iwasan ang kulay itim. Sa halip, piliin ang mga payong na may disenyong Hello Kitty at Kero Kero Kerropi para mas vibrant at youthful ang paglalakad mo sa ulan (Takdang Aralin: Basahin ang Holy Bible at bilugan ang lahat ng makitang salitang "vibrant" at "youthful"). Mas maganda ang Hello Kitty na payong mo kung meron itong pito ("whistle" sa ingles) sa letter "J" nitong handle--lalo na kung nasa Titanic ka. Ang mga payong naman na kulay pink, green, at glow in the dark, ay mabisang pananggalang sa ulan lalo na kapag sinamahan mo ng "African Anti-Rain Dance" (according sa Encarta Encyclopedia 2009).

Kung gusto mo namang maging baduy, magdala ka ng malaking payong na gamit ng mga nagtitinda ng sorbetes. Epektib na epektib ang mga payong na may tatak na "Jollibee", "Metrobank", "SSS" at "Eat Bulaga" bilang tungkod ng mga nakatatanda--pwede rin itong magamit na substitute sa Senior Citizen Card. Ang mga nasabing payong ay masyadong delikado sa seguridad ng mga malls kaya mapipilitan kang iwan yun sa baggage counter para maiwasan ang iba pang sakuna. Hindi makakabuti ang pagdadala ng mga naturang payong sa debut (pronounced as "dibooo") ng bespren mo dahil baka mapilitan kang magbayad ng entrance fee para sa dala mong excess baggage.

Wag kayong mahiya na magdala ng payong. Sa tingin ko mas nakakahiya ang maging uhugin dahil sa sipon na dulot ng ulan. Mas baduy ang mabasa ng ulan kaya lagi kayong magdala ng payong--para makikisukob ako.

*Sniff*

Nakawin | Shred me! [2 na ang tumugtog] | Add to Memories | Tell a Friend

Maligayang bati

Jun. 19th, 2006 | 09:46 pm
Music: The Killers - Somebody Told Me

Ang araw na pinaka-aabangan ng karamihan ay isang ordinaryong araw lang para sakin. Yun ay dahil sa gusto ko, at dahil ayaw kong sumunod sa uso.

Sabi sakin ng Mami ko dati, nagkaroon daw ako ng birthday party noong bata pa ako. Isang taong gulang. Ibig sabihin, wala akong paki-alam sa mga korning clowns at sa mga sablay na magicians na parehong wala sa guest list namin na binubuo ng isang dosenang nilalang--kabilang ang aking mga magulang. Sa sobrang saya ng party na yun, wala akong maalala ukol doon. Yun na siguro ang una't huling birthday party ko.

Pansin ko, kahit noong bata pa ako, laging lugi ang mga birthday celebrant dahil lagi nagugulangan siya ng mga masisibang bata tuwing nagkakaroon ng mga games gaya ng bring me, trip to Jerusalem, stop dance, Beyblade, at strip poker. Sa totoo lang, wala pa talaga akong nakitang celebrant na nanalo sa sarili niyang party. Kung saka-sakali mang nanalo siya, wala naman siyang premyong makukuha. Dahil sa mga kadahilanang yun, ayaw kong magkaroon ng party. Sa halip, ginusto kong maging masibang bata na laging panalo sa games.

Nakakatuwang tignan ang mga bata sa children's party lalo na kapag naglalaro. Lalagyan ng takip ang mata, papa-ikutin ng apat na beses (o kung ilan man ang trip nila) tapos papahampasin ng palayok. Sa dinami-dami ng upuan sa mundo, pinipili nilang mag-agawan sa limang upuan at ang hindi makaka-upo ay mabo-vote off at magiging disqualified sa Survivor Series. Imbis na sumayaw ng maayos, mas trip nilang pahintu-hintuin ang music na parang remix na naririnig sa jeep (dyip). Kapag huminto ang tugtog, dapat titigil din sa pagsayaw. Kung naka-split ka, dapat mong i-hold ang pwesto mo ng 15 seconds (o kung gaano man katagal ang trip nila) dahil kung hindi, ikaw ang magiging "Weakest Link". Kapag napansin na ng host na nakakahalata na ang mga bata na ginagago sila, papakainin nila ang mga ito. Kapag hindi nakuha sa pagkain, mapipilitan silang ilabas ang secret weapon nila: "Special guest".

Ang mga epektib na special guest sa children's party ay si Jollibee, Ronald McDonald, Jaboom Twins, at Gloria Macapagal Arroyo (pwede ring "Arrovo"). Ang mga naturang panauhing pandangal ay may kanya kanyang special attributes. Halimbawa, si Jollibee, magaling sumayaw, si Ronald McDonald naman eh mahusay tumambling, ang Jaboom Twins naman eh bihasa sa pakikipagsuntukan sa mga malalaking oso, at si Gloria naman eh mahusy sa pag-mamagic ng pera. Ngunit gaya ng Justice League at Super Friends, meron silang mga weakness.

Si Jollibee ay hindi makapagsalita kaya lahat ng kanyang mensahe eh sign language gaya ng nasa gilid ng screen kapag nanonood ka ng "Kapwa Ko Mahal Ko". Si Ronald McDonald naman eh pala-away at paborito niyang sapakin si Jollibee dahil hindi siya makakasigaw. Ang Jaboom Twins naman, bukod sa pangit na, korni pa. Si Gloria naman eh laging sablay sa magic kaya nauuwi sa corruption ang perang minagic niya.

Ngayon, paano na magiging masaya ang mga bata? Paano na magiging masaya ang celebrant?

May pag-asa pa. Ang huling pag-asa ay ang mga regalo. Mas masaya nga naman ang pagsira ng gift wrapper kaysa sa pagkain ng hotdog at marsh mallow na nasa stick. Mas masaya ang pagsira ng gift wrapper kaysa sa pag-ihip ng birthday cake. Ngunit hanggang dun lang yun. Nasa gift wrapper lang ang saya dahil tiyak na hindi matutuwa ang birthday celebrant sa regalong Barbie ng magulang niya gayong isang ganap na lalaki siya. Madalas eh wala pang regalo ang mga masisibang bata (tulad ko) at kung meron man eh maswerte ka na kung makatanggap ka ng "Good Morning Towel". Mas maswerte ka kung hindi pa ito nagagamit.

Hindi ako ngkakaroon ng birthday at hindi ko ito isinulat para maging interesado kayo sa kaarawan ko. Hindi niyo ko kailangang batiin ng "HAPI BDAY" tuwing kaarawan ko dahil para lang yun sa mga magde-debut (pronounced as "dibooo") at sa mga member ng fraternity na kilala sa pangalang "18 Roses".

Kung birthday mo ngayong mga oras na ito, paki-sabi nalang agad. Konti nalang ang "Good Morning Towel" na ireregalo ko.

P.S.: Birthday ngayon ni Jose Rizal. Batiin ninyo siya. Halikan ninyo ang mga piso niyo sa bulsa bilang tanda ng pagiging pag-asa ng bayan.

Epal lang ang mag-popost ng birthday ko. Walang gaguhan. Sikret lang natin na September 31, 1987 ang kaarawan ko. Isa pang sikret: "Totoo yun!"

Ngayon malamang eh iniisip niyo na ako'y isang gagong lalaki na materialistic. Di mo kailangang ng birthday party para maging masaya ang kaarawan mo.

Nakawin | Shred me! [12 na ang tumugtog] | Add to Memories | Tell a Friend

The root of all evil

May. 2nd, 2006 | 11:55 pm
Music: David Lee Roth - Yankee Rose

Dahil hindi ko masagot ang tanong na "Why do I exist?", pag-usapan natin ang pera.

Noong unang panahon daw eh asin ang gamit na pera ng mga tao. Sa bandang Europa daw yun. Yun ang ginagamit nila para bumili ng kanilang mga kakailanganin araw-araw gaya ng galunggong. Ang pera na pambili ng galunggong ay ginagamit rin nila para pasarapin ang nasabing isda na binili nila. Asin din ang pinapasweldo kaya tayo nagkaroon ng salitang "salary" (inaasahan kong alam niyo ang katumbas ng salitang "asin" sa wikang ingles). Ang Asin naman sa Pilipinas ay isang matandang band na kasabayan ng Aegis na parehong walang kinalaman sa pera. "Korni" naman ang tawag sa huling sentence na sinabi ko.

Noong unang panahon din, ginamit na pera ang mga baraha. Sa isang lugar yun sa Canada nangyari dahil sa kakulangan ng mga coins dun. Hindi ko alam kung gaano kahalaga ang mga baraha para palitan ang pera. Magkano kaya ang halaga Joker? Medyo nabawasan ang sugarol dahil sa pinampupusta na nila ang kanilang baraha.

Kailan lang, narinig ko sa balita na nahihirapan daw ang Bangko Sentral ng Pilipinas dahil sa kailangan na naman daw nilang mag-produce ng 25 centavo coins. Di raw kasi natin ginagamit ang mga barya na yun kaya hindi nag-cicirculate (pakitagalog nga ang "circulate"). Bukod sa mga pulubi wala na akong pinagbibigyan ng 25 centavo coins--ngunit dahil ipinanganak akong madamot, di rin ako namimigay sa pulubi.

Noong bata ako eh hindi ako binibigyan ng pera para sa baon. Cream-O at orange juice ang recess ko, di gaya ng mga kaklase ko na bumibili sa canteen ng very nutritious na Chippy at Sprite. Kapag nagdadala ako ng pera sa school, naka-stapler pa para hindi mawala. Kung pagdadalhin man ako, yun ay dahil sa kailangan kong magbayad para sa field trip, o kaya naman eh dahil kailangan kong bayaran yung binenta saming buto ng Sunflower/Carrots/Mongo/Rafflesia/Cactus/Poison Ivy nung taong nakilala lang namin sa pangalang "Good Morning Visitor".

Hindi ko parin alam kung paano nagkahalaga ang pera. Sino bang unang nauto na ipagpalit ang kanyang house and lot para sa isang papel na may drawing na mukha at pirma ni Ramos? At bakit kailangan ng exchange rate? At bakit hindi nalang kaya gumawa ang Pilipinas ng maraming pera para hindi na mahirapan ang mga tao?

Nagtataka ako kung bakit kailangang may mukha ang pera. Siguro ito ang nagpapataas ng face value ng bawat halaga na ilalagay mo sa wallet mo. Kung ang mga bata eh giliw na giliw sa mga notebook na may mukha ni Jolina Magdangal at Judy Ann Santos, ang mga katandaan naman eh kilig na kilig sa malaking salamin ni Ninoy Aquino at sa malaking butas ng ilong ng Ilong ni Manuel Quezon. Kung walang mukha ang pera, wala rin itong halaga. Ito ang dahilan kaya itinigil nila ang paggawa ng P 1.00 na ang nakatatak eh Tamaraw, P2.00 na hugis octagon at dinrowingan pa ng Buko Tree, at yung walang halagang P0.25 na sa hindi ko malamang kadahilanan eh nilagyan nila ng paru-paro.

Siguro makakatulong P1.00 Erap Coins sa pag-unlad ng naghihingalong piso natin--sawang sawa na ang mga dayuhang tignan ang mukha ni Rizal sa piso. Kung gagawin nilang April Boy Regino ang mukha ng P5.00 coins, makakatulong din ito dahil mapapa-WOW Philippines ang mga dayuhang investor. Yung mukha mismo ni April Boy ang ihuhulog natin sa videoke machine para kumanta ng "Yeye Vonnel" at "Esperanza". Kung gagawin ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Pikachu ang nakalagay sa P20.00 bill at si Charizard naman sa P50.00, sigurado akong magiging patok ang economy natin dahil pwede rin itong i-trade sa ibang players at gawing parang teks (di ko parin alam ang spelling). Tataas ang demand sa pera natin dahil kailangan ito para makasali sa Piso-per-Pokemon tournament. Yan ang kulang sa Pinoy eh, innovation at imagination--at kagaguhan.

Di ko maintindihan kung bakit sa wikang kastila o ingles parin nating tinatawag ang piso samantalang Pinoy naman tayo. Wala pa talaga akong nakitang tindera na nagsabi ng: "Dalawampung piso lang ho ang computer package namin at dadagdagan niyo lang ho ng labinlimang piso kung gusto niyo ng package na gumagana." Sa halip na "dalawampu", "bente" o kaya "twenty" ang sinasabi natin. Asan ang pagiging makabayan dun? Siguradong sisimangot si Manuel L. Quezon sa tuwing ibabayad mo siya sa wikang banyaga. Pero yun na nga ang nakagawian natin. (Ang mga jologs na pagtawag sa pera ay ang paggamit ng salitang "isang piso" at "benchingko". Dapat nating iwasan ang mga salitang yun lalo na kapag dollar ang pinag-uusapan ninyo.)

Sa Pilipinas, di ko alam kung mahalaga talaga ang pera. Yung iba kasing mga nakukuha ko eh may mga drawing, scotch tape, at "nid txtm8! qt gurlz onli. 0920-XXXX-XXX" (try mo siyang i-text kung "qt gurl[z]" ka). Yung iba naman, ginawang scratch paper ang mukha ni Manuel Quezon--utang na loob naman, 14 + 8 nalang nga eh ginamitan pa ng scratch paper at mali pa ang sagot. Yung mga kawawang salapi ay naguguhitan ng makapangyarihang "ANL".

"The love of money is the root of all evil" ika nga nila. Gayun nalang ang aking pagka-awa sa mga kakilala kong "Manny" ang pangalan dahil ginawa silang root of all evil. Ngunit dahil sobrang korni na nitong post ko, titigil na ako at babalik sa pag-iisip ng "Why do I exist?"

P.S.: Sa mga taga-Bangko Sentral ng Pilipinas, sana po ibalik ninyo yung P100,000.00 bill na kasing laki ng bond paper (kokomban) at sana dumami pa ang P200.00 bill na may mukha ni Madam President dahil sadyang nauubusan na ako ng scratch paper dito sa bahay.

Ang "ANL" na nangangahulugang "Ari Ng Lalaki", ay galing sa "Ang Paboritong Libro Ni Hudas".

Totoo na nangyari nga sa Canada ang paggamit ng baraha pamalit sa pera. Hindi ako nagsisinungaling dahil yun ang sabi ni Wikipedia. All rights reserved.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Minalas si Clarence part 2

May. 2nd, 2006 | 11:08 pm
Music: Eric Johnson - Cliffs Of Dover

Basahin muna ninyo yung part 1 para masaya. Wala nang mas sasaya pa sa itsura ni Clarence habang nagmumukhang tanga.

Very refreshing ang pakiramdam ng makatapak sa lupa matapos ang mahabang pagkaka-squat. Kahit na feeling ko eh na-gang-rape ang hita ko, nakakalakad parin naman ako. Isang tricycle ride nalang at nasa "Asia's First ang Largest IT University" na ako. Pero 8 am na kaya nag-aalala na ako dahil baka nakapagsimula na silang mag-eksam. Mukhang wala na akong makokopyahan. Tsk tsk tsk... Pasakay na ako ng tricycle ng may biglang dumating na bayaning nag-da-drive ng itim na kotse.

Ayos! Mula ng umalis ako sa bahay eh parang eto palang ang unang swerte moment ko--yun lang nga. Libre ang pamasahe ko dahil sinabay ako ng kaklase kong itatago nalang natin sa pangalang "Allan" sa auto niya. Naka-save ako ng P6! Pero hindi lang yun ang swerte. Mas lumuwag ang loob ko dahil may kasabay akong papasok. Likas na responsible na kaklase yun kaya siguradong hindi pa ako late dahil kasabay ko siya. Yehey--huling yehey na yan.

Nung nakasakay ako sa kotse niya, dun ko lang napansin na hindi ko pala dala ang I.D. ko. JUSKO! Lagi pa namang paboritong pasukin nung bading na taga-check ng I.D. ang lugar kung saan kami nag-eexam dahil type nung bading si Allan. No ID no exam kasi samin. Marahil marami parin ang nakakalusot na makapasok sa eskwela kahit walang I.D., ngunit bihira ang makakalusot sa bading na taga-check ng I.D. dahil likas siyang matinik. At ayun na nga, nakapasok ako sa eskwela ng walang aberya dahil sa nakasakay ako sa auto ni Allan.

8:05 am siguro yun nung makarating kami sa eskwela. Habang nasa daan eh sinasabi sakin ni Allan na magagawan daw ng paraan ang I.D. ko at isang malaking katangahan ang umuwi sa Cainta dahil lang naiwan ko ang I.D. ko. Umakyat na kami sa classroom para masiguradong hindi kami late. Pag-akyat ng classroom, naging busy na ang bayani kong kaklase sa pagrereview at pagtatanong sa mga kaklase. Ako naman ay naghahanap ng isang tanga na maaring maging karamay--isa ding nakaiwan ng I.D.

Di successful ang paghahanap ko. Sa halip eh nagtawanan pa sila dahil sa hindi ko nga dala ang I.D. ko sa mga panahong importanteng importante ito. Yung iba eh natatawa at yung mga iba eh naawa na para bang nanonood ng "Maalala Mo Kaya" o di kaya'y "Kapwa Ko Mahal Ko". May isang concerned classmate sakin na nagsabing dapat daw eh kumuha ako ng form kay "Dean" at malamang eh yun ang makakatulong sakin para maituloy ang eksamen ko.

Paakyat na ako sa office ng Dean. Naalala ko pa ang mga pagkakataon na tinawag ko siyang "Rico J. Puno". Kakainin ko rin pala ang kagaguhan ko dahil kay Rico J. din ako hihingi ng tulong. Pero dahil nga Dean siya at wala siyang silbe, ganun din ang office niya--SARADO.

Ayos talaga. Ang ka-isa-isang tutulong sakin ay wala sa opisina niya. Baka nagpeperform siya kasama ang "Manuevers" o "Streetboys". Di kaya kumakanta siya kasama si "April Boy" o si "Renz Verano". Baka naman nakikipag-inuman kay "Victor Wood" o kaya pareng "Dolphy". Sa lahat naman ng panahon para mawala sa opisina, bakit ngayon pa? Ngayong may isang kamote na nangangailangan. Ang drama ko.

Noong pababa na ako sa hagdan, nakasalubong ko ang Professor ko sa Statistics. Tatanungin ko sana kung kailan ang susunod niyang laban o kung na-knock-out niya yung huli niyang nakalaban pero hindi ko na tinanong dahil sa marami akong iniisip... at baka hindi naman niya talaga na-knock-out ang kalaban niya. Sinabi ko sa kanya na hindi muna ako kukuha ng exam dahil sa I.D. ko. Sabi niya, gumawa raw ako ng paraan. Makakatakas daw ako kay bading na I.D. checker a.k.a. Sir William (Charing!).

Noong papunta na ako sa exam room namin para kuhanin ang bag ko dahil nagbabalak na talaga akong umuwi, nakasalubong ko ang Professor ko sa Strength of Materials. Tinanong ko sa kanya kung nasan si Dean dahil baka close sila. Pero hindi nga rin daw niy alam. Sinabi ko sa kanya ang kailangan ko kay Rico J. at medyo naawa siya sa akin. Sa loob lamang ng ilang segundo, bigla siyang naging si Mel Tiangco at ako naman ay nananawagan para pagbigyan ng exam kahit walang I.D. sa lalong madaling panahon. Naawa naman si Mel Tiangco sakin. Pinakiusapan niya ang proctor namin na payagan akong mag-exam kahit walang banal na I.D. na yan. At dahil siya ang batas, pinayagan niya akong kumuha ng eksamen basta sa likod ako uupo para hindi mahalata at mahuli ni Sir William bading na taga-check ng I.D. na yan.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot. Ayaw ko ng ganito eh. Dahil kung mahuli akong walang I.D. eh baka maparusahan pa ang proctor namin. Ayaw kong may isinusugal na ulo--lalo na kung proctor--dahil lamang sa angking katangahan ko. Papunta na ako sa pwesto ko sa likod na upuan na siynag aampon sakin. Nag-dadalawang isip parin ako. Kinuha ko ang scientific calculator ko (na nagbigay sakin ng 10/40 sa isang quiz), at doon ko nalaman kung gaano ako katanga.

#@!&* naman! NASA BAG KO ANG I.D. KO!!!

Lecheng buhay nga naman yan oh. Gusto ko sanang itago nalang ang I.D. ko kaya lang naisip kong gagaguhin ko lang ang sarili ko nun--kaya kaysa gaguhin ko ang sarili ko, hinayaan ko nalang na gaguhin ako ng mga kaklase ko.

Magmumukha pala lalo akong tanga kung nandoon si Rico J. sa office niya. Leche talaga oh. Isipin mo nalang na humingi ako ng tulong para sa wala. Nagmakaawa pa ako. Kakahiya. Minsan na lang nga ako mapapahiya, sa harap pa ng apatnapung mukha na nag-aabang ng kasunod na katangahang gagawin ko.

Nakapag-exam naman ako ng may I.D. ng matiwasay. Kailngan pala ang I.D. sa exam dahil gagamitin itong ruler sa paggawa ng Cartesian Coordinate System at sa pag-underline ng pangalan mo.

Sa lahat ng iyan, isa lang ang masasabi ko: "#@!&*"

P.S.: Sinend ko na yan para sa "Magpakailanman" pero mukhang ilalagay daw nila sa "Bubble Gang".

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Bakit walang gelpren si Clarence?

Apr. 15th, 2006 | 09:07 pm
Music: Liquid Tension Expirement - Acid Rain

Sa bawat pagkakataong kakamustahin ako ng mga kakilala, kaklase, kaibigan, o kaaway na matagal ko nang hindi nakikita, yan ang pambungad na tanong nila sakin. Mas interesado silang malaman ang "love life" ko kaysa sa kung ano ang course ko at kung paano ako ginagago ng AMA Computer University (Asia's First and Largest IT University).

Hindi ko alam kung sadyang kamag-anak sila ni Boy Abunda o pamangkin ni Christy Fermin. Hindi ko rin alam kung ano ang interesante sa buhay ko para usisain nila. Ano naman kayang galak ang mararamdaman nila kung malaman nila ang sagot sa banal na tanong nila? Ganun nalang ba sila ka-espesyal para gawan ko ng blog entry?

'Di naman ako ipinanganak na sinungaling, pero sadyang walang gustong maniwala kapag sinasabi ko ang totoo: "Wala pa eh. Aral lang muna." Siguro nga sinungaling ako dahil sinabi kong "aral lang muna" gayong puro gitara lang ang ginagawa ko. Pero nakakabadtrip parin kapag pinagdudu-dahan ka ng mga taong akala mo eh may tiwala sayo.

Malakas lang siguro ang trip nila. Dahil paulit-ulit na ang tanong nila, iniisip ko na maaring hindi naman talaga nila gustong malaman kung may gelpren na talaga ako. Baka gusto lang nilang malaman kung tunay na lalaki ako, dahil pinagdududahan nila ang kasarian ko ayon sa haba ng buhok ko. Yung mga iba naman eh baka gusto lang malaman kung gaano kahaba ang buhok sa kili-kili ng babaeng tipo ko, kung gaano kakapal ang bigote nito, at kung totoong kumakain siya ng buhay na manok.

Pero sa tingin ko, eto ang mga main factors kung bakit wala parin akong gelpren:

  • Di ako marunong manligaw.
  • Likas na wais ang karamihan sa mga kababaihan ngayon kaya mahirap maka-uto ang mga katulad ko.
  • Masyado pa akong bata para ma-busted.
  • Ayaw kong madagdagan ang drama ko sa buhay.
  • Hindi pa ako handang magkaroon ng bagong ka-text na compulsary ang pagsesend ng: "Good morning! Mishu mishu mwah mwah!".
  • Ayaw ko pang magkaroon ng tatawagin o tatawag sakin ng "Honey", "Sweetheart", "Labiduds", "Gummy Bear", "Gummy Worm", "Puto", "Pastillas", "Pulvoron", "Buko Pie", "Ube Cake", "Pandan Cake", "Mocha Cake" at ang paborito kong "Baby Cakes".
  • Ayaw ko ng may sinusundo sa eskwela.
  • Kung sarili ko nga eh hindi ko maalagaan, gelpren pa kaya?
  • Duwag ako.

Pero sa tingin ko, ang talagang dahilan parin kung bakit wala akong gelpren eh dahil sa wala akong pera. Isipin mo nalang kung paano ko pa matutustusan ang bisyo ko ng pag-gigitara kung buwan-buwan eh may mandatory exchange-gift kayo alang-alang sa banal na "monthsary" na yan. Paano pa ako makakabili ng D'addario string set ko sa gitara kung bawat magkikita kami ni gelpren eh kakailanganin ko siyang ilibre. Naniniwala akong ang mga anak lamang ng drug lord at mga anak sa labas ng congressman ang may karapatang magka-gelpren.

Tama na yung iisa lang ang bisyo ko. Hindi ko pa naman kailangan niyan eh. Di naman ako gaanong naiinggit sa mga naglalampungan sa tren (Uy! Hindi daw siya naiinggit!). Tsaka ko nalang aatupagin ang panliligaw.

May nagtext kanina sakin ng ganitong mensahe:

Ratio of a Good Relationship:

Rich BF : Happy GF
Sexy GF : Contented BF
Smart GF : Under GF
Handsome BF : Problematic GF
Lucky GF : ?

"Engineer" ang BF :-)

Muntik na akong matuwa sa message at sa nagsend ng message sakin.

P.S.: Hindi lalaki ang nag-send nun sakin.

Sabi ni Engr. Joseph Lopez, "HINDING HINDI KAYO MAGIGING ENGINEER DAHIL WALANG BOARD EXAM ANG BS COMPUTER ENGINEERING KAYA WALA KAYONG KARAPATANG TAWAGIN ANG SARILI NIYONG ENGINEER."

Magshi-shift na ako ng course. Civil Engineering--para maging engineer gaya ni Engr. Joseph Lopez.

Sa mga nakaka-alam pala ng bilihan ng gelpren, pakitext niyo nalang ako. Gusto ko sana yung mura lang eh. Hirap tayo sa buhay ngayon kaya kailangang mag-tipid.

Happy viewing nga pala kay "Beybi Keyks".

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

The Purpose Driven Code

Apr. 15th, 2006 | 09:06 pm
Music: Ben Folds Five - Brick

Natutuwa ako dahil marami sa mga kakilala ko ay mga good boy at good gerls. Sa sobrang bait nila, nagiging kontrabida tuloy ako.

Kamakailan lang eh, naibalita na nanalo si Dan Brown sa kaso niya. May mga makakapal ang mukha at mga inggitero na pinagbintangan siyang nag-nakaw ng idea ng isang libro para gamitin sa sikat niyang librong "The Da Vinci Code". At dahil nga nagtagumpay siya sa kaso niya, ibig sabihin eh tuloy na tuloy na ang pag-launch ng film tungkol sa kontrobersyal na libro. Ngunit hindi ganung kadali yun dahil, nagkalat na naman ang mga mensahe, email, at bulletin posts sa Friendster para i-boycot ang nasabing pelikula.

Wala naman sigurong masama kung ilalabas nila ang opinion nila tungkol sa naturang pelikula. Pero para mag-flood ka sa bulletin alang-alang para ipa-abot ang nasabing mensahe... Hmmm... OA na yata yun. May lugar para iparating ang mga opinion natin. At kung gagambalain mo ang nananahimik kong Friendster bulletin para sabihan akong kalimutan ng "The Da Vinci Code", mas lalo akong magiging interesado sa panonood nun.

Totoo yun. Reverse psychology. Hangga't sinasabihan mong bawal, mas lalong nagiging interesado. Kung sasabihin mong nakaka-lason ng utak ang panonood ng pelikula na hango sa libro ni Dan Brown, mas lalo sila maiintriga kung ano ang meron sa naturang palabas, at bandang huli eh papanoorin nila yun. Mas lalo lang nagiging curious ang madla kapag pinagsasabihan.

Ang totoo, gusto kong tanungin ang mga taong pilit na nanghihikayat sa pag-boycot sa pelikulang yun. Ilan kaya sa mga nagsasabing "WAG U PANOORIN DA BENCHI KOWD" ang nakabasa na ng kontrobersyal na libro? Sabi nga nila, "don't judge a book, by its cover". Ilan kaya sa mga taong yun ang nakakita na sa cover ng naturang libro na yun? Sino ba sila para husgahan ang librong hindi pa nila nababasa?

Walang masama sa pag-babasa ng "The Da Vinci Code" at panonood ng pelikula nito--yun eh kung kaya mong i-digest ang malalim na content nito. Walang masama dun. Ang masama lang naman dun--kung sakali--eh yung kung isusuko mo ang pananampalataya mo dahil sa libro/film na yun. Maniwala ka kapag sinabi kong may kakilala akong mas piniling paniwalaan ang sinasabi ni Dan Brown kaysa sa sinasabi ng pastor nila.

Maraming hipokrito sa mundo ngayon. Sa tingin ko, mas mabuti ang taong umaamin na malaki ang interes nila sa pagbabasa ng librong ipinagbabawal kaysa sa mga nagpapanggap na nagbabasa ng "Purpose Driven Life".

Hindi masama ang sinulat ni Dan Brown. Ang mabuti at masama ay ayon lamang sa interpretasyon ng utak mo. Dahil bandang huli, eto lang naman ang mga tanong na kailangan mong sagutin--tanong na magdedesisyon sa mabuti't masama na iniisip mo: "Ano ang paniniwalaan mo? The Da Vinci Code na isinulat lamang ng isang tao? O yung Bibliya na inspired ng Maykapal? Yung fictional na libro ni Dan Brown ba o yung mga Bibliya na naging saligan ng pananampalataya mo?"

Nasa sa'yo ang sagot. Gayunpaman, gusto kong mag-ingat kayo sa panonood/pagbabasa nun dahil sadyang kontrobersyal ang mga bagay na gusto ipahiwatig.

Kung malakas ang loob mong sabihin ang opinion mo tungkol sa pag-boycot nung pelikulang yun, dapat mas malakas ang loob mo na basahin ang libro na yun. Ipinagbabawal mo ang isang bagay dahil takot ka. Hindi garantisadong may purpose sa buhay ang mga taong nagbabasa ng "Purpose Driven Life".

Don't judge a book by its cover ba? Marami parin ang mga mapang-husga.

P.S.: Nabasa ko ang libro. Hindi naman ako naging demonyo (sabi ko lang siguro yun). Hindi naman nabago ang pananampalataya ko dahil mas pinili kong maniwala sa Bibliya. Papanoorin ko ang pelikula nun.

Kung tinamaan ka sa mga sinabi ko, paumanhin po. Alam kong hindi ito nababasa ng mga taong tinutukoy ko kaya dapat hindi ka mag-react dito. At kung gusto mong mag-comment, paumanhin din dahil bawal ang comments ngayon. Ayaw kong makakita ng comment dito ng mga kakilala ko na naghuhugas-kamay, nag-mamalinis, at nagpapaka-hipokrito.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Holy Wikipedia

Apr. 15th, 2006 | 09:05 pm
Music: Seal - Kiss From A Rose

Noong bata ako, ang tingin ko sa Holy Week ay boring, nakakatamad, at nakaka-antok. Ngayong matanda na ako, ang tingin ko sa Holy Week.

Hindi na pala kasing banal ng ang Semana Santa sa Pinas gaya ng nakagawian natin. Noong bata ako, ang mga may cable TV lang ang pwedeng makalasap ng palabas sa telebisyon. Ang mga hindi naman pinalad na makabitan ng Sky Cable eh nagtitiis nalang na panoorin ang six-hour-marathon ng "Kapwa Ko Mahal Ko", "Kapag May Katwiran, Ipaglaban Mo", at "Ang Pangarap Kong Jackpot". Badtrip na badtrip ako nun. Parang naging mandatory ang penitensya dahil kahit ang mga batang hindi interesado sa senakulo ay pinipigilang manood ng "Sesame Street". Ngayon naman, nagulat nalang ako dahil nung umaga eh nanonood ang kapatid ko ng Doraemon. Waw! Banal na pala si Doraemon! Pwede nang ipako sa krus! Kapag natuto na silang magpalabas ng "Talong", "Itlog", "Kangkong" at "Red Diaries" kapag Semana Santa, siguro mas marami ang magiging deboto ng TV station nila--deboto ng demonyo.

Kanina, nag-punta ako sa Wikipedia para alamin ang tungkol sa Holy Week. Naging curious din kasi ako bigla sa mga balitang banal dahil sa paglabas ng "Gospel of Judas". Nalaman kong hindi pala binibilang ang Monday, Tuesday at Wednesday sa Semana Santa. Di ko alam kung ano ang trip nila kung bakit na-vote-out ang Monday, Tuesday at Wednesday. Kung tutuusin, eto pa naman yung mga paborito kong araw ng Holy Week. Sa mga araw na yun, pinapalabas pa ang Eat Bulaga, ngunit drama version nga lang. Naniniwala naman akong wala nang mas lalaswa pa sa umiiyak na Jimmy Santos.

Nabasa ko rin sa Wikipedia na "Holy Thursday" ang mas kilalang tawag sa "Maundy Thursday". Nalaman ko rin na sa Pinas lang merong "Black Saturday" dahil "Holy Saturday" talaga ang tawag dun nung mga taga-ibang bansa. Ayos ang mga Pinoy, dahil mas pinili parin ang salitang "black" kaysa sa "itim". Pero mas okay na siguro ang "Black Saturday" kaysa sa "Sabado de Nognog".

Astig na ang Holy Week ngayon dahil hindi gaanong required magdusa ang mga walang magawa sa pera. Kanina lang kasi eh kausap ko ang kapitbahay kong nasa mall. Oo, bukas ang mall. Iniisip ko nga kung may beach din dun, dahil kung meron, magbebenta sana ako ng Halo-halo--unfortunately, wala.

Nung nanood ako ng news (Oo, may palabas talagang balita sa TV. Kung si Doraemon nga eh pinalabas, siyempre, papayagan din ang kapatid niyang si Mike Enriquez.) nasa balita na may magpapapako raw sa krus na dayuhan. Waw! No match ako dun ah. Hindi lang pala yung mga mukhang holdaper at snatcher ang may karapatang magpapako sa krus. Pwede na ring ngayong makisali yung mga mukhang nangangalakal ng mga Pinay at mga mukhang phedophile fans. "Yow kapuwso. Magpapapawko, akow sa krus."

Kahibangan talaga para sakin ang pag-papapako sa krus na yan. Ganun din ang penitensya. At bakit mo kailangang hampasin ang likod mo para mabawasan ang kasalanan mo? Kung gusto mo talagang saktan ang sarili mo, lagyan mo nalang ng Salonpas® (available at all Mercury Drug branches) ang mga mata mo, suminghot ka na rin ng tatlong dosenang sili, sabay bunutin mo lahat ng buhok mo sa kili-kili.

Sabi nga ng kaklase ko na itatago nalang natin sa pangalang "John Carlo M. Tancueco", hindi na raw natin kailangang hintayin ang Semana Sant para lang mag-sisi. At kung ginagawa mo yun taun-taon, ibig sabihin, wa epek ang penitensya sa kapal ng balat mo. Hindi rugby ang penitensya at pagpapapako sa krus na dapat nating kaadikan.

Pero bakit nga ba ako nagsasalita tungkol sa penitensya at pag-pako sa krus? Alam ko naman sibilisado lahat ng mga nagbabasa ng blog ko kaya hindi ko na kailangan pang ikwento yun.

(Kunwari lang yun. Hindi ko lang talaga madugtungan yung sinimulan ko.)

Bukod sa akin, malamang eh malungkot din si Jollibee at McDonalds tuwing Holy Week. Siguradong naghihinagpis din si Burger King. Sino ba namang hindi malulungkot kapag pina-boycot ang pagkain ng hamburger na itinitinda mo?

Ayon uli kay Wikipedia (close talaga kami), mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng meat (karne ba talaga ang tagalog ng meat?) sa mga Roman Catholic. Ngunit dahil "meat" lang ang pinagbabawal, sa tingin ko eh wala namang masama kung kakain ka ng paborito mong "Dinuguan".

Pero pansin ko eh marami na talaga sa mga katoliko ang suwail sa mga batas na ginawa nila para sa sarili nila. Kanina nung papunta ako sa rehearsals namin sa simbahan (oo, marunong magsimba si Kamote), eh nakita ko ang mini-market sa village namin. Ayos! May naka-display na karne. Nakakagulat dahil may bumibili kay manong. Mas nakakagulat dahil maraming bumibili. Si manong lang yata talaga ang nagbebenta nun kapag Semana Santa. Malaki siguro ang kinita niya dahil sa kanya bumibili lahat. Muntik na yata niyang matalo yung nagtitinda ng lechon sa tabi niya.

Di ko alam kung malakas talaga ang trip ng Mami ko o sadyang gusto lang niyang ipakitang hindi kami Katoliko. Pagdating ko kasi ng bahay eh nag-iihaw siya ng barebecue (bbq). Akala ko eh papagalitan siya ng mga kapitbahay naming Katoliko. Pero proud pa siya sa iniihaw niya dahil mabango. Pero hanggang bango lang pala yun dahil naging lasang pinya ang inihaw niya. Kung inihian man yun ng isang anghel, ewan ko. Gayunpaman, nabusog din ako.

Ngunit dahil yun lang ang nasabi ni Wikipedia, ititigil ko na to.

(Hindi lang talaga alam ni Clarence ang i-dudugtong sa sinulat niya.)

P.S.: Kung boring, nakakatamad, at nakaka-antok ang post na ito, dapat inasahan mo na yun. Nabasa mo naman yung unang sentence ng post na 'to diba Clarence?

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Kantahan mo ako

Apr. 7th, 2006 | 09:04 pm
Music: Angra - Rebirth

Videoke ang tawag dito sa Pinas, at KTV naman sa mga ibang bansa sa silangan. Pero wala paring pinagkaiba yung dalawang yun bukod sa ang kinakanta nung mga iba nating kapitbahay na bansa ay puro mga "Fangshini Quiznxo Sichui Xu"--may katumbas yun na mura sa wikang tagalog.

'Di pala nalalayo ang mga Videoke machines sa mga nakikita natin sa Amusement Centers (kung saan ka naglalaro ng arcade games). Limang piso bawat kanta. P5 per birit. Limampiso ang kailangan mo para sabayan mo ang naglalakad na lyrics sa baba ng screen. Cheap na rin ang limang piso ngayon kung ikukumpara sa P1.50/stick na sigarilyo, P300/gramo ng shabu, P4,000/night na escort service o kaya eh P5,000 na one-way ticket to hell. Kaysa nga naman humithit ka pa ng rugby, i-practice mo na rin ang hidden talent mo--although pinapayuhan kitang itago mo nalang yan.

Hindi ko ito trip dahil trip ito ng mga lasing. Iba talaga ang nagagawa ng alak; nakakapagpa-tapang ng apog at nakakapagpa-kapal ng mukha. Malay nga naman ba nila kung sintonado sila. Ang importante eh ang kinakanta nila ay "My Way", para siguradong ma-leleche ang hating gabi ng kapitbahay nilang alas-dos na ng umaga ay gising pa. Sadyang maraming limang piso ang mga lasenggo kaya kinakaya nila ang 6-hour-marathon na Videoke.

Noong isang taon, nakakita ako ng bumibirit sa banal na Videoke na yan. Dahil sa sablay ang boses niya, sa machine nalang ako napatingin. Waw ayos pala. Hindi lang pala mga naglalakad lyrics na puro "Na na na na na", "La la la la la", at "Oohhh... You touch my tralala..." ang makikita mo dun! Hindi lang puro "Interlude. Have a good time" o "Interlude. Are you having fun?" na parehong hindi totoo. Yung mga kabatak pala ni Marimar eh gumigiling din sa screen. Now, that's what I call Value Added Service!!!

Oo nga naman no? Kaysa naman bumili ka ng P35 na pornographic video sa Raon, mag-limampiso ka nalang na Videoke--tipid pa! At kung nahihiya kang bumili ng porn cds sa Raon dahil baka may makakita sayo, mag-Videoke ka nalang dahil ayos lang kung makita ito ng tatlong taong gulang mong pamangkin dahil iisipin niyang member lang ng Sexbomb Dancers ang nagsasa-sayaw sa TV screen. Sa P35 mo sa Raon, wala kang maririnig na kanta, samantalang ang limampiso mo sa Videoke Machine, may libre pang tunog ringtone na backing track! Saan ka pa? Dun ka na sa wholesome--sa Raon.

Hindi ko talaga trip ang pagkanta. Hindi ko rin trip ang maghulog ng limampiso para kumanta. At ayaw kong kumanta ng "My Way" dahil baka barilin lang ako ng isang pulis na galit kay Frank Sinatra. Kung naririnig ninyo akong kumanta, yun ay dahil sa katuwaan lang yun. Wala akong balak pumindot ng "2597" sa mukhang Tekken arcade machine na may malaking speaker at TV para lang kumanta ng "Quit Playin' Games". Kung may gitara dun, ayaw ko parin. Sayang limampiso--pang Coke sakto.

Kung kakanta man ako, eto ang gusto ko:

"Oohh... You touch my tralala... Mmmm... My Ding ding dong..."

P.S. Di ko alam kung may kanta talagang "Fangshini Quiznxo Sichui Xu". Kung meron man, pakireport ito agad sa Bantay Bata 163. Hindi ko rin alam kung P4,000 nga ang Escort Service dahil hindi pa ako sumusubok nun. Lalong hindi ko alam kung P5,000 talaga ang one-way ticket to hell, dahil may ilang nagsasabing libre lang daw ito--shortcut daw yung paggamit ng kutsilyo.

Totoong may mga napatay sa pagkanta ng "My Way". Last year yun naging laman ng balita. Kaya kung ako sa inyo, kakanta nalang ako ng:  "Oohh... You touch my tralala... Mmmm... My Ding ding dong..."

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Minalas si Clarence Part 1

Apr. 4th, 2006 | 09:03 pm
Music: Urbandub - First Of Summer

Paunawa: Mahabang basahan ito. Actually nagawa ko na ang Part 2 kaya lang kapag hindi ko hinati eh baka lalong walang magbasa nito. Kapag sinimulan mo ito at hindi tinapos, you'll get bad luck for 7 years.

March 17, 2006. Jackpot! Exam sa Statistics. Bale yun na ang araw ng paghihiganti--although mas tamang tawaging "rematch" dahil sa mukhang boksingero ang professor ko. As usual di nag-review dahil naniniwala ako sa divine intervention na maaring mangyari sakin (I'm currently searching "divine intervention" via Google). Ipinangako ko nalang na gigising ako ng maaga para makibuklat ng notebook ng kaklase ko.

Marunong palang tumupad sa pangako ang katawan ko--di gaya ng konsensy ko. Ayos! 6:45 am eh naglalakad na ako sa village namin. Muntik na akong makatapak ng tae ng aso na nasa kalsada. Patunay lang na bukod sa pagtawag ng pansin sa holdaper, pwede ka ring maka-tapak ng poo-poo ng doggy kapag nag-tetext ka habang naglalakad. Noong mga oras na yun kasi eh ginagawa ko ang aking ritual na pagtetext ng "GUDAM PIPOL" (exclusive to Sun Cellular subscribers). May dumating naman na tricycle kaya hindi ko na kailangang mag-jogging papunta sa sakayan ng FX. 7:15 am lang eh kumakaway na sakin ang tren.

Utang ko kay manong FX driver ang pagiging maaga ko. Hell drive ang ginawa niya! At hell din ang FX niya! Umagang-umaga eh pawis na pawis na ako. Daig ko pa ang batang naglaro ng patintero ng ala-una ng hapon. Sa likod kasi ako ng FX pumwesto. Parang exhaust fan yata yung air conditioner niya eh. Sana pinatay niya nalang. Nagpadagdag pa sa impyerno factor ng FX ni manong ang gulong na nasa likod--hindi sa likod ng pintuan ng FX. #@!&* yan oh! Sa lahat naman ng makakatabi ko, BAKIT GULONG PA? Doble badtrip pala kapag may katabi kang gulong, habang nagpupunas ng pawis at namomroblema kung makakarating ka ng buhay sa destinasyon mo. Ayos kasi si manong eh. Pampelikula ang pag-dadrive. Hinihintay ko nga yung rampa na tatalunan namin, o kaya putol na tulay na liliparin namin, o yung isang maswerteng fruit stand na sasagasaan--bidang bida, parang si Bong Revilla. Kahit yata demonyo eh matututong magdasal kapag sumakay kay manong. Parang wala nang bukas kung magdrive. At kung abutan ka man ng bukas, malamang eh comatose ka na, o kung suswertihin ka naman eh malamang nasa morgue ka na ni Fanny Serrano.

Ayos naman ang buhay ko bago ako tumapak ng train station. Naramdaman ko uli ang masarap ng simoy ng hangin na ipinagkait ng huli kong sinakyan, at bukod dun eh parang malas na lahat. Hanep, naiwan ko ang Stored Value ticket ko! Para sa mga kaibigan ko sa Italy (dalawa lang sila at magkapatid pa), Kazakhstan at Mountain Province, mga hindi pa nakakasakay ng LRT at sa mga ignoranteng sumasakay ng LRT pero hindi alam kung ano ang kulay dilaw ng ticket, ang Stored Value ticket ay isang prepaid ticket na mabibili mo sa halagang P100. Bale makakatakas ka na sa mahabang pila ng ticket kung meron ka nun, at kung wala eh malamang eh papayat ka muna sa pagpila.

Hanep, ang daming tao. Ang haba ng pila. Dahil sa naiwang Stored Value eh nasayang ang pag-gising ko ng maaga. Badtrip pa sa pilas dahil puro "Excuse me" at "Makikiraan po"" ang narinig ko mula sa mga taong ginawang pedestrian lane ang pila namin. Actually hinihintay ko nalang yung magsasabi ng "TABI NGA DIYAN GAGO", para lang hindi ako mainip dahil hindi ko na mahintay ang pagkakataon na pumindot sa ticket vending machine. Dahil as usual, absent-minded ako madalas, nasa harap na ako ng vending machine ng malaman kong: WALA PALA AKONG BARYA.

Kailangan ko ng P12. Doble malas. Sakto palang P15 ang binayad ko kay manong FX at saktong P7 naman sa tricycle. Wala na ngang stored value, wala  pang barya. Bumunot ako sa wallet ko at nakitang puro sandaan lang ang laman (hindi ako nag-yayabang). Buti nalang may nakita akong tupi-tuping singkwenta. Nagdasal ako habang nilalagay yun sa may vending machine dahil baka ma-reject dahil sa mukhang si Marcos pa yata ang pirma dun sa binayad ko. Awa ng Diyos eh tinanggap naman. Nakalimutan ko naman palang ipagdasal na sana eh hindi puro tig-pipiso ang isukli sakin ng vending machine. #@!&*! P38 na tigp-pipiso! Nanalo ako sa slot machine! JACKPOT PA!

Hanep nga naman oh. Yan ang ayaw ko sa mga makina eh. Hindi marunong mag-isip ng maayos. Sana man lang eh ginawa niyang combination ng isang bente at isang sampung piso, piso (bawal daw tawagin yun ng "isang piso"), at apat na bente-singko ("benchingko" sabi nung cashier sa Sta. Lucia) na ilalagay mo sa Bantay Bata 163 na can. Pero dahil nga makina yun, wala akong magagawa. Gusto ko sanang murahin ang vending machine kaya lang naisip ko na wala naman talaga yung kasalanan, at saka baka hindi siya nakakaintindi ng mura kapag tagalog. Nilagay ko nalang ang aking winnings sa loob ng aking bag. Ayos. Para akong nanga-ngaroling kapag naglalakad. May kumakalansing. 7:40 am ako nakarating ng Cubao. Badtrip.

Madali naman akong nakahanap ng bus. Yung kulay pula kasi ang sinasakyan ko eh dahil sa mabilis silang magpatakbo. As usual, umiral na naman ang aking pagiging absent-minded. Nung sinisingil na ako ng kundoktor ng bus, nataranta ako. Binunot ko na naman ang wallet ko. Sa sobrang taranta, nakabunot ako ng bente at yun ang binayad ko bilang pamasahe. Ganun pala ako katanga. May bente pala ako kanina, pero singkwenta ang ibinayad ko sa vending machine. Noong mga oras na yun eh iniisip kong napakabobo ko. Pero nung sinuklian ako nung kundoktor, mas lalo kong naisip na bobo ako. P12 na tig-pipiso ang sinukli sakin ni manong.  Nadagdagan na naman ang bigat ng bag ko. #@!&* naman. Dapat pala P8 na tig-pipiso nalang ang ibinayad ko. Ang sarap mag-wala sa bus kaya lang baka isipin nila eh wala akong pera--ang hindi nila alam eh may 50 coins ako sa loob ng bag ko. 7:50 (obviously "am" yun), nasa Muñoz na ako.

Isa sa mga dahilan kung bakit mahilig akong sumakay sa mga bus na kulay pula dahil sa biyaheng langit ang pag-dadrive nila. No match si manong FX sa skills ng driver ng bus na kulay pula. Nagiging rollercoaster ride ang paglalakbay namin. Literally, mararamdaman mong bumabaliktad ang sikmura mo kapag umaakyat at bumababa kayo ng mga Flyover (o Fly-over) kasabay ng libreng blow-dry ng buhok mo ng usok galing sa EDSA. Sa sobrang bilis, parang naiwan ko yung kaluluwa ko sa Cubao.

Pinagsisihan ko ng mabuti ang pagsakay ko sa jeepney. Bukod sa nabawasan ng P6 ang P50 ko sa bag, wala nang dapat ikatuwa sa pagsakay sa jeep. Malay ko ba kung nagsasabi ng totoo yung taga-tawag ng pasahero (barker) nung sinabi niyang "Lima pa! Lima pa!". Bilang uto-uto, at dahil sa badtrip na naman ang umaga ko, sumakay na ako agad. Hanep. Kahit yata tatlong sitaw eh hindi makakaupo ng maayos dun eh--kahit na magkandungan pa. Pero dahil nasa loob na nga ako ng jeep. Siniksik ko nalang ang yung isang lalaki na may space pa kahit papano.

Parang yung ang pinakamahabang parte biyahe ko. Halos hindi talaga ako nakaupo at ang gamit-gamit ko lang talaga eh ang hita ko. Para akong pina-squat ng C.A.T. Officer dahil sa hindi ako nakasuot ng black na medyas. Namamanhid na ang hita ko at wala na akong nararamdamang dugo na dumadaloy dun. #@!&* nga. Nagdadasal ako na sana may matandang babaeng kumandong sakin o kaya may bumaba na pasahero  At may bumaba nga! AKO!!!

To be continued...

Dahil natapos mo ito ng buo, hindi ka na mamalasin ng pitong taon.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Rise

Apr. 1st, 2006 | 09:02 pm
Music: Sonata Arctica - Full Moon

Disclaimer: Para lang sa mga kumakain at naghahanda ng kanin.

Sadyang hindi na maitatanggi na importante ang kanin sa mga Pilipino. Kung sa mga Europeo eh importante ang tinapay, sa mga Pinoy naman eh kanin. Kaya importante na malaman natin kung paano ito ginagawa.

Kung sasali pala ng kapatid ko sa Survivor eh siguradong ma-vo-vote out kaagad kami dahil sa hindi kami marunong mag-saing ng kanin. At dahil nga nagpa-Survivor ang mami ko ngayon--iniwan kaming dalawang magkapatid ng walang kasama--eh naranasan na namin ang pagkagutom.

Kapag sinuswete ka nga naman oh. Kapatid ko ang nag-saing dahil sa hindi rin naman talaga ako marunong mag-saing. Galing pa ako ng practice namin--10am hanggang 5pm eh na nag-gigitara at nag-tuturo ako tungkol sa gitara at sinalubong ako ng horror na kanin ng kapatid ko sa mga oras na gutom na gutom ako. Kala ko nga joke niya lang yun eh. Hinihintay ko pa namang sabihin niya sakin ang, "April Fool's!"

Hindi naman lugaw ang pagkakasaing niya. Pwedeng gawing pudding o kaya i-halo sa semento para tumigas. Dapat nga itatago ko pa sa garapon para magamit ng mga pamangkin ko bilang paste kapag nagsimula na silang mag-aral ng Grade 1. Pero dahil sa isang magiting na tao ang kapatid ko--gaya ng kuya niya--eh kinain parin niya ang nilikha niya. Bale, tatagal pala siya sa Survivor.

Kaya para hindi kayo matulad samin, pag-aralan ninyo kung paano mag-saing.

Ingredients/Equipments:

  • Bigas
  • Kaldero
  • Maliit na kaldero
  • Tubig
  • Kalan
  • Panyo
  • Bible
  • Pera
  • Chopsticks
  • Bowl
  • Telepono

At eto naman ang procedure:

  1. Mag-pray. Kailangan mo to para hindi ka matutong magmura kapag naging lugaw ang ginawa mo. Gamitin ang Bible para mas effective. Ibukas ito sa John 11:35 kapag hindi naging successful ang kanin mo.
  2. Lagyan ng tubig ang kaldero.
  3. Lagyan ng bigas ang kaldero.
  4. Gamitin ang kamay para haluin ang sinaing. Siguraduhing malinis ang kamay bago ilublob sa tubig.
  5. Ilagay sa kalan ang kaldero.
  6. Buksan ang kalan. Kapag ayaw umapoy, maari ring gumamit ng posporo, kahit na wala ito sa ingredients/equipments.
  7. Tignan ang niluluto. Gumamit ng panyo para hindi sumakit ang mata mo kapag nalagyan ito ng maraming usok galing sa niluluto mo.
  8. Kapag 30mins na ang niluluto mo, at mukhang marami paring tubig, patayin mo na ang kalan.
  9. Lumabas ng bahay at bumili ng noodles. Gamitin ang pera.
  10. Gamitin ang maliit na kaldero panluto ng binili mong "Lucky Me".
  11. Ilagay ang noodles sa bowl kapag luto na ito.
  12. Higupin ang sabaw ng noodles gamit ang chopsticks.
  13. Kapag gutom ka pa, tumawag sa McDonald's at magpadeliver. Happy Meal dapat ang kuhanin mo para maging happy ka talaga. Gamitin ang telepono.
  14. Matulog at magsuicide.

Sinunod ko lahat yan. Except sa pagpapadeliver sa McDo. Sumablay ako sa suicide dahil sobrang busog na ako.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Visine

Mar. 24th, 2006 | 08:59 pm
Music: Dream Theater - Pull Me Under

Hindi marunong umiyak si Clarence.

Seryoso ako. Hindi ako umiiyak o iyakin. Hindi din ako mahilig sa drama at lalong hindi ako mahilig sa "emo". Ayaw ko rin ng kwentuhang "She left me", "I'm all alone", "BUSTED ME" at "NA-HURT ME".

Ilang taon na rin ang nakaraan ng huling akong umiyak. Di ko alam kung yun ay dahil hindi ko mahanap ang libro kong "Florante't Laura" o baka dahil nalagyan ko lang ng calamansi ang mata ko. Dahil nakaraan na yun, wala na akong paki-alam dun. Basta matagal na yun, at simula nun, wala nang iyakan.

[Biglang tutugtog ang "Maalala mo kaya 2006 Remix featuring Victor Wood"]

Ang totoo eh negosyo na ngayon ang pag-iyak. Seryoso ako. Kaya yumaman si Judy Ann Santos ay dahil sa pag-iyak niya sa Mara Clara. At ngayong nahaharap siya sa isang tax evasion case, malamang naubusan siya ng luha kaya hindi na siya makabayad ng karampatang buwis. Gayunpaman, marami parin ang gustong gamitin ang paggiging iyakin para maging makwarta--mas madali kasing magpaiyak kaysa sa magpatawa. Balita ko eh gagawa daw ng Eyedrop si Judy Ann na makakatulong sa pag-iyak. May binebenta din yata sa eBay na luha ni Judy Ann galing sa palabas nilang "Tabing Ilog". Pero puro balita ko lang lahat yun.

Isa raw sa mga tanda ng isang matured na tao ay ang kakayahang ma-kontrol ang kanilang emosyon--kasama dun ang pag-iyak. Gayon nalaman pagkasuklam ko sa mga napapanood kong mga interview sa Startalk, S-Files at The Buzz (Bihira lang akong manood nun! Pramis!). #@&!(* naman kasi eh. Naka-dalawandosenang commercial na si Ricky Reyes sa pagpo-promote ng kanyang Palmolive Shampoo and Conditioner with Vitacreme Complex eh puro iyak lang ang ginawa ng guest at mga paulit-ulit na:

Guest: "Sobrang na-hurt ako sa ginawa niya."
Narrator: Magkaiba yung pala "na-hurt" at "nasaktan".
Guest: "Sobrang di niya na-understand ang feelings ko."
Narrator: Hindi ko naintindihan yung ibig sabihin nung "na-understand".
Guest: "Sobrang binagay ko na ang lahat sa kanya."
Narrator: Sobrang wala na akong masabi.
Guest: "Minahal ko siya ng sobra, ngunit sobrang sinaktan niya ako ng sobra."
Narrator: Naliligo na ako sa "sobra".
Guest: "Tapos ngayon, sobrang pinagkakalat niya na may sobrang---"
Narrator: "Sa tingin ko--"
Host: "Mga Kapuso, babalikan po natin ang interview natin kay Madam Auring tungkol sa hiwalayan nila ni Archie matapos lang ang ilang saglit."
Narrator: Bakit nga ba ako nandito? Sobrang ang epal ko.

Para bang binabayaran lang nila ang guest nila para magkalat ng luha sa studio at magpaligo ng "Sobra" sa mikropono. At ano naman nga ba ang paki-alam natin kay Madam Auring? Hindi naman siya si Angel Locsin o si Georgina Wilson para pag-aksayahan ko ng panahon. Kung iiyak ba siya eh may mababago? Pero dapat aminin mong mas gusto mong makakita ng umiiyak na Madam Auring kaysa makakita ng isang kissing scene nila ni Eddie Gil. Utang na loob, wag sanang magkaroon ng MADAM AURING SCANDAL--abangan niyo sa Halloween.

Kung lahat ng bagay eh dadaanin natin sa iyak, walang mang-yayari satin. Pero wala naman akong sinasabing masama ang pag-iyak. May mga oras at panahon para sa mga bagay na yan. Kung iiyakan mo ako para gawan ka ng assignment mo, wa epek yun--except kung ikaw si Georgina Wilson. Nakakalungkot lang kasi dahil iniiyakan natin masyado ang mga bagay na hindi naman dapat. Hindi porket nabanggit ka sa blog ni Clarence eh dapat kang umiyak at sumama ang loob. At sa tingin ko, hindi natin dapat masyadong iyakan ang mga bagay tulad ng red ballpen, nawawalang libro, at photocopy ng lectures. Maging wais tayo--gaya ni Lumen.

Siguro umiyak na rin ako o naluha kamakailan lang. Natural lang naman siguro ang maluha kapag naghihikab o kaya sinisipon. Kung lalagyan mo ng Colgate/Close-Up/Hapee/Kutitap ang mata ko, siguro naman magluluha ito. At sigurado akong magluluha rin ang mata mo kung lalagyan ko ng buhangin o paminta yun (yung paminta sa bahay namin ay parang buhangin dahil hindi maanghang). Bukod doon, wala na akong drama. At kung meron man, siyempre hindi niyo malalaman dahil puro masasaya lang ang kwento na gusto kong ibahagi sa inyo dito sa Kamote Force.

Noong bata ako, akala ko ang mga perlas ay galing sa luha ng sirena. Siyempre uto-uto ako nun kaya naniwala ako. Ngayong matanda na ako, hindi na ako naniniwala dun kasi sabi sakin nung kalaro ko eh hindi naman daw umiiyak ang sirena dahil nasa tubig na sila.

Q: Saan nanggagaling ang perlas?
A: Sa luha ni Judy Ann Santos.

P.S.: Kanina lang eh maiyak-iyak na ako dahil nakita kong may advertisements ang blog ko. Di ko po ginawa yan. Di ko kailanman gustong pagbayarin kaya para lang basahin ang mga sinulat ko. ALAM KONG HINDI KAYO NAGBABAYAD O MAGBABAYAD DAHIL KAHIT MUNTING COMMENT LANG EH HINDI KAYO NAG-IIWAN.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Hermaphrodite

Mar. 22nd, 2006 | 08:57 pm
Music: Gin Blossoms - Hey Jealousy

Disclaimer: Wala akong balak mag-patawa dito.

Kung meron man akong ayaw sa mundo, yun ang mga taong bastos at mapagsamantala. Isama mo na rin yung mga hindi tao--mga "BADING".

Ang alam ko eh dalawa lang ang nilikha ng Diyos: Babae at Lalake. Ngunit wag nating kalimutan na pati ang demonyo ay binigyan ng kapangyarihan para lumikha. Kung isa ka sa mga hindi nilikha ng Diyos, mas mabuting wag mo itong basahin. Baka lalo mo lang akong sumpain.

Sensationalized na ang kabadingan ngayon. Dati rati eh paggiging komedyante at beautician lang ang pwede nilang maging trabaho. Ngayon, pwede na silang maging english teacher, dean ng isang kolehiyo, at... teacher--ng english. Kung bakit english? Dahil yun ang especialty nila.

OA mag-english ang mga bading. Leche. Try mong basahin eto:

  • "I spiiiik inngleiiizsh." (I speak english)
  • "Pleaazze wheaaere yhouuuwrrr ayyydeii inzaayd da univahhsityyy" (Please wear your ID inside the University. @#!&*)
  • "Thuuumaroaaaw." (Tomorrow)

Bakit kaya ganun silang mag-english? Pero kapag nanagalog naman sila eh daig pa nila ang promding galing Visayas. Antetegas ng mga litirs nela. De sila maronung magtagalug. Piro, mahosay selang mag-inglesh. Badeng ba se Meryam Sanchagu?

Nalaman kong di na pala bago ang kabadingan. Hindi pa ipinapanganak si Rizal eh may mga bading na. Nakasulat sa Bible (Naks! Nagbabasa si Clarence ng Bible!) to:

Judges 19:20-22: "You are welcome at my house," the old man said. "Let me supply whatever you need. Only don't spend the night in the square." So he took him into his house and fed his donkeys. After they had washed their feet, they had something to eat and drink. While they were enjoying themselves, some of the wicked men of the city surrounded the house. Pounding on the door, they shouted to the old man who owned the house, "Bring out the man who came to your house so we can have sex with him."

Ayos ba? Mas masama ang Sodom and Gommorah.

Naiirita ako kapag may mga protesta o mga pahayag ang mga hermaphrodites na bigyan sila ng equal rights. Tao rin daw sila. Kung ako ang tatanungin, di ako papayag nun. Ang dahilan naman kasi kung bakit hindi sila tinuturing na normal ay dahil sa pinili nila yun. Kung pinili mong maging bading, dapat maging handa ka sa discrimination ng lahat ng mga taong titingin sa'yo.

Kung titignan natin, sila mismo ang may gustong lumayo sa mga nakagawian ng mga normal na katulad natin (assuming na hindi ka bading). Sila nga ay may sariling lenguwahe na binubuo ng mga "Chuva", "Chenes", "Shala", "Itich", and--my favorite--"Papachuva". Kung gusto mong tanggapin ng lipunan, makibagay ka dapat. Hindi naman yata tamang ang buong Pilipinas ang mag-adjust sa mga pauso nila. Isipin mo nalang kung papagawin ka ng essay gamit ang mga salitang yun. Charing!

May bagong bayani na ang mga bading ngayon. Ewan ko ba kung anong problema ng Rustom Padilla na yan at naging bading siya. Kung gaano katigasin ang kapatid niya eh ganun naman pala siya ka-lamya. At gayon nalang ang sunod-sunod na rebelasyon ng mga iba pang personalidad. Mas lalong nakakagago yung pelikulang "Brokeback Mountain" (di ko pinanood/papanoorin/pinapanood/ipapapanood/pinapapanood). Ang isang pelikula pala tungkol sa dalawang bading eh papatok hanggang sa Oscars.

Isipin mo nalang kung tatanggaping magbuti ng mga Pinoy ang concept ng pagkabading?

  • Bading na Pulis: "FAFA!!! CODING KA!!! Text me para di kita hulihin?"
  • Bading na Sundalo: "Hoy Badeeng! Ba't mo binaril yun! Gwapo pa naman ang papachuvang yon!?"
  • Bading na Jeepney Driver: "Kapag estudyante ang magbabayad dapat may kiss".
  • Bading na Presidente ng Pilipinas: "Ahhymm, declehhhyring isteyt ophfff rebhelioyn. Mabuhay ang mga badeng! VOT 4 D CHAMP!"
  • Bading uli na Presidente ng Pilipinas: "Rustom Padilla is hourrr nyuuuw naauhszyonal heerrowww! Charing lang yun gaga!"

Bawasan nating ang mga salot sa lipunan. Mamatay na ang mga hermaphrodite. Mapupunta kayo sa impyerno.

P.S.: Hindi ako bading. Long hair man ako pero lalaking lalaki ako. Wala mang akong gelpren, wag niyong pagdudahan ang pagkatao ko--kung hiindi jojombagin ko kayo mga chuva. Babush!

Nawa walang maging Rustom sa mga kaibigan ko. Kung meron man, paki-delete ako sa friend list ninyo.

Yung mga salitang bading na yan ay niresearch ko pa sa Google at sa mga test papers ko sa CSCI04 (C++ Programming).

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Rider Kick

Mar. 4th, 2006 | 08:55 pm
Music: Sonata Arctica - The Wind Beneath My Wings

Kung susuntukin kita sa mukha, walang dudang magkakapasa ka sa hita. Pramis. Swerte mo kung hindi dudugo.

Ang sapakan ang pinakamatandang sport (pwede ring "isport") sa mundo. Mula pa noon, uso na sa Athens ang sport na yun--pero di ko naman talaga alam yun. Ipinakikita lang nito na noon pa man eh mahilig na talaga sa basag-ulo ang lolo mo kaya "Rest In Peace" ang nakalagay sa lapida niya.

Ang dating sport noon, pwede na rin sa mga pikon ngayon! O ha!? Sa sobrang sikat ng sapakan, pati jologs eh nakiki-suntok na din. Parang di na nga sport eh. Parang jolens na lang. At sa mga panahong ngayon, pwede ka nang magsimula ng sapakan mula sa mga sumusunod:

  • Ayaw magbayad ng kaibigan/kamag-anak/gelpren/boypren/ ng utang niyang P64.75 na pinambili niya ng make-up kit.
  • Minura ka (e.g. "Gwapo si Clarence").
  • Di ka pinagbilhan ng "Yakult" ng iyong suking tindahan.
  • Kapag "talong" ang ulam niyo sa bahay.
  • Tinawag kang "Ma'am"--lalo na kung lalaking-lalaki ka katulad ko.
  • Tinukso ka na kamukha mo si Bembol Roco/Johnny Bravo/Boy Bawang/anak sa labas ni FPJ/Clarence.
  • Sinabihan ka ng "AMBAHO NG KILI-KILI MO".
  • Sinabihan ka ng "AMBAHO NG KILI-KILI MO" in a nice way.
  • Sinabihan ka ng "AMBAHO NG KILI-KILI MO" kahit hindi naman totoo.
  • Sinabihan ka ng "I LOVE YOU"--NG KAPWA MO LALAKI.
  • Sinabihan ka ng "KORNI NG BLOG MO".
  • Natatalo ka na sa chess.
  • Kinopyahan ka sa exam.
  • Nataasan ka ng kumopya sa'yo sa exam.
  • Niregaluhan ka ng CD ng Linkin Park.
  • Binanggit ka sa blog ni Clarence.
  • Nakabasa ka ng korning blog (e.g. Kamote Force).
  • Wala ka lang magawa.

Ayos! Ngayong alam mo na kung kailan ka dapat manapak, tandaan mo lang ang nag-iisang rule: "NO RULES." Wala na ngang rule pero plural parin. Dahil modern na ang panahon natin ngayon, di mo na kailangan pa ng referee. Kaya kung gusto mong maging mahusay na player/fighter magdala ka na din ng kutsilyo, martilyo, palayok, poste, toy car, ball pen (pwede ring "bolpen"), baseball bat, gitara, baril, laser pointer, pellet gun, nuclear reactor, pit bull, robot (e.g. ASIMO, Aibo and... Space Nine), kaldero, tubo, fly trap, webcam at PVC pipe para mas sigurado ang iyong path to victory. Mas mabuti na yung sigurado. Magadala ka na rin ng CD ng Cueshe at Hale para sigurado na ang pagkatalo mo.

Hindi ako mahilig sa sport at lalong hindi ako mahilig makipagsapakan. Puro salita lang ako. Kunwari lang na matapang ako. Kaya kung hahamunin mo ako, mapapahiya ka lang dahil mabilis akong magsasabi ng sorry kahit ikaw pa ang may kasalanan. Hindi ako umaasa sa joke nilang "Sayonachi" para makatakas sa gulo. Bukod sa korni na yung joke, di pa ako naka-chinelas.

Pero kung kukulitin mo talaga ako, wala akong magagawa. Kung sa sapakan at sapakan lang di naman *ehem* siguradong matatalo ka. Isang sigaw ko lang bahag na agad ang buntoto mo. "MAMI OH! NI-AAWAY AKO! WALA NAMAN AKONG NI-GAGAWA!"

Ano ka ngayon? Sapakan tayo?

P.S.: Bata pa lang ako uso na yung "Sayonachi" na yan. Matagal nang korni ang mga Pilipino.

Kamote: "Di mo ako matatalo! Sayonachi"
Kamias: ???
Narrator: Hinubad ni Kamote ang chinelas niya.
Kamias: ???
Kamote: "Arghhh!"
Narrator: Naging OA si Kamote.
Kamote: " Sayonachi! Sa'yo na Chinelas ko!"
Kamias: ???
Narrator: Tumakbo si Kamote at iniwan ang chinelas.
Kamias: ???
Narrator: Bukod sa di niya alam na korni ang joke niya--kung joke man ang tawag dun--di niya rin alam na hindi siya naiintindihan nung kalaban niyang mascot ni McDonald dahi inglesero ito. Bale epal lang si Kamias dahil wala siyang silbe. Di niya mabasa yung script niya kasi tagalog.

Naalala mo na ang "Sayonachi?" Sapakin natin sa mukha yung nag-joke niyan sa'yo at sigurado akong, magkakapasa yun sa hita.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Tattoo sa noo

Mar. 1st, 2006 | 08:53 pm
Music: Steve Vai - Boston Rain Melody

Eto ang araw na hindi baduy ang pagiging madungis. Mapalad ang mga malalapad ang noo--katulad ko. Mura ang uling kaya okay lang mag-aksaya! Kaysa i-untog mo ang noo mo sa kanto ng pader ninyo, magpatatak ka nalang sa pinakamalapit na himpilan ng simbahan!

Dahil "Ash Wednesday" ngayon, wag ka nang magtaka sa mga maduming noo ng mga tao. Eto ang araw ng paghihiganti ng mga pari sa mga makasalanang Pilipino. Bilang pagpapahayag ng iyong pananampalataya, hayaan mong dungisan ni "Father" ang tinatakpan ng bangs mo.

Ang totoo eh naawa ako sa mga nalagyan ng krus sa noo. Mas gugustuhin ko pang mag-iwan ng malaking kulangot sa noo--except kung galing sayo ang kulangot. Iba-iba ng size ng mga tatak sa noo nila. Pinakikita lang na hindi universal ang size ng mga hintuturo (translation para sa hindi nakaka-alam: index finger) ng mga pari. Yung iba eh parang naging bilog ang tatak. Yung iba parang eye-liner ang ginamit. Yung iba, sadyang pinagtripan dahil imbis na krus ang ilagay, isang malaki at galit na galit na ekis ang iniwan bilang tanda ng pananampalataya nila. Maaring sinabi ni Father sa kanya kaya ekis ang stamp niya: "X MARKS THE SPOT SA'YO MAKASALANANG DEMONYO!"

Sa mundo ng mga Pinoy ngayon na pinatatakbo ng text, Internet, computer, at... text, nakakagulat na ang tradisyon ng pagdudungis ng noo eh buhay na buhay parin. Ipinakikita lang na mahal natin ang ating kultura. Parang "EVERYONE WANTS TO JOIN THE ATI-ATIHAN" na "noo-only version". Aanhin mo nga naman ang noo na yan kung hindi susulatan? Kaysa magpa-tattoo ka ng "POST NO BILL" eh magpa-tatak ka nalang kay Father--libre na, hindi ka pa tatawaging kaaway ng simbahan.

Hindi ako Catholic kaya siguro ang kapal ng mukha kong magsabi ng opinion ko tungkol dito. Alam kong alam ninyo na isa lang ang bagay na bumubuhay sa blog ko: EXAGGERATION. Yun din ang dahilan kaya binabasa niyo ito--depende nalang kung sadyang tsismoso kayo sa mga naiisip ni Clarence. Kung sakali mang na-offend kayo sa mga sinabi ko (at malamang ganun na nga), sorry po. Paumanhin. Patawad. Pero wag niyong lagyan ng krus ang noo ko.

Hindi na ninyo maikakaila kung ano ang tinatago ng mahaba kong bangs. Hanep. Baka lalo akong pag-tripan ni Father (pwede ring "Fafa") kapag nakita niyang malawak at malapad ang noo kong lalagyan niya ng vandalism. Baka maidrowing pa niya ang Malacañang kagaya ng nakalagay sa P20 o baka maiguhit pa niya ang detailed map ng Manila sa noo ko. Magmumukha lang akong siopao na may D-pad ng PS2 sa noo. Kung Catholic man ako, hindi rin siguro ako papayag. Importante sa akin ang hindi sumunod sa uso. Baka gamitin pang crosshair ang noo ko ng mga nagpapraktis na Pari na first time lang maglalaro ng Counter-Strike.

Ang totoo eh tumakas ako sa ekwela kanina dahil "Ash Wednesday" lang naman. Lang naman. Mag-aayos lang siguro kami ng mga upuan sa Chapel. Dalawa kaming tumakas dahil ayaw naming sumama doon--although ako lang talaga ang may ayaw sumama. At ngayon eh nakibalita ako sa kaklase ko kung anong nangyari sa extra-curricular activity nila. Eto ang chat log namin:

Clarence: Anong nangyari kanina?
Narrator: Kunwari concerned si Clarence sa mga tinakasan niya.
Kaklase: Nagka-plus kami!
Narrator: Biglang nalungkot si Clarence dahil nalamangan na naman siya.
Clarence: Ahhh... Ganun... Okay lang yun.
Narrator: Nang-hihinayang si Clarence. Gagawin niya lahat para "PLUS"--pati pag-aayos ng upuan sa Chapel ("CHAPOL" daw sabi ni Dr. Manzano)
Kaklase: PLUS SA NOO!
Narrator: Bagama't korni, tawang-tawa parin si Clarence. Creative ang mga kaklase niya at nakuha pang magpatawa kahit nilagyan na ng banal tatak ang sagradong noo nila.

Narrator: Wala na palang kasunod yung kwento. Puro side-comments lang pala ang ginawa ko. Ang epal ko. Wala na ding P.S. dahil nakakasawa na.

P.S.: Ninakaw ni Narrator ang slot ko. Pagnakita niyo siya, tatakan niyo sa noo. Engineering lettering ha!

Sa mga debotong Katoliko, paumanhin talaga. Tatakan niyo nalang din ako pagnakita ninyo basta wag niyo akong papatayin. Kawawa ang noo ko.

Si Allan nga pala yung nagka-plus sa noo.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Strength Of Materials

Feb. 26th, 2006 | 08:52 pm
Music: Dream Theater - Take Away My Pain

Subject ko ito ngayong college. Bale ikukwento ko to para naman malaman nung ibang mga tao na hindi ko kaklase kung ano ang meron sa mundo ng mga... ehem... Engineer. Yun nga lang, ang alam ko eh mga kaklase ko rin lang naman ang babasa nito. Matinding subject ito kaya ngayon palang eh pinaghahandaan ko na ang sarili ko kung saka-sakali mang mag-Strength of Materials Season 2 ako. Kaya bago pa ako abutin ng Season 2, kukwentuhan ko na kayo.

Kung pupukpukin ko ng hollow-block na may bigat na 55lbs, height na, 5in width na 27in (Oo, parang T.V. na ang mga hollow-blocks ngayon) ang ulo mo na may width na 9in, height na 2in, at length na 7in (assuming lang naman na kuwadrado ang ulo mo), malalaman nating maari ka paring mabuhay dahil may posibilidad na dumating si Captain Barbel para tulungan ka at batuhin ako ng kanyang barbel na may bigat na 95 lbs sa bilis ng 50 miles per hour ang ulo ko na may radius ng 25in (patunay lang yan na malaki na talaga ang ulo ko) at may laman na 36 cubic centimeter na hangin. Ang totoong tanong doon eh kung sino ang tutulungan ni Captain Barbel. Pwede mong sagutin ng essay basta show your solutions, otherwise gumawa ka nalang ng blog entry mo.

Sample problem lang namin yan. Saan ka pa? Pag-nasagot mo yan, pwede mo nang sabihan ang kaklase mong di pa nakakasagot ng: "ANO KA NGAYON!?" Pero kung katulad ka ni Clarence, lalagyan mo nalang yun ng "N/A", "Petrucci", o kaya "KAMOTE FORCE" ang test paper mo tapos gagawa ka na ng blog entry.

Sa naturang subject na yun, malalaman mo kung anu-ano ang mga totoong symbols na gamit ng mga fraternities sa pangalan nila. Maliligo ka sa "Tao", "Delta", "Sigma", "Alpha", "Gamma", "Beta" at ang paborito kong si "Theta"--pronounced as 'Teyta' according to the Greeks yan!!! Mas ma-fee-feel mo ang totoong essence ng pag-vandal kapag alam mo ang ibig sabihin ng mga symbols na ini-ispray paint mo. Pero kung sa frat lang naman eh, sigurado akong no match yan sa frat namin sa school: "SOH CAH TOA". Actually ako pa lang ang member kaya wala pang hazing. Ang requirements lang naman eh calculator at siyempre dapat enrolled ka sa... <TAN*NA*NA*NAN*TANAN!> Strength of Materials!

Iba na talaga sa college eh. Hindi na katulad nung bata ako na ang mga seatwork eh yung kukulayan mo ng kulay dilaw yung babaeng naglalaba sa libro sa pamamagitan ng krayola o laway. Challenging pala ang pagiging engineer. At para makuha ang diploma na ipapahid ko sa pawis ko, kailangan kong dumaan sa Strength of Materials. Pero utang na loob, wag naman sanang umabot ng Season 2.

Gayunpaman, sa tingin ko makakatulong/nakatulong rin sa mga Pilipino ang Strength of Materials:

  • "SUGOD MGA KAPATID! MAS MATIBAY ANG TITANIUM PHOSPORUS BRONZE NATIN KAYSA SA ESPADA NG MGA #@&!*&*'NG MGA KASTILA NA YAN!!!" - Andres Bonifacio habang chini-cheer up ang katipunero.
  • "Bossing, kung itutulak mo ang pader na ito sa lakas ng 100 Kilo Newton, hindi ka na mai-lalagay sa piso." - Concerned citizen na nagbibigay ng advice kay Rizal.
  • "Ang pinagsama-sama naming lakas na aabot sa 768 Kips ay sapat na para makasira sa 164.25 Mega Pascals na stress ng pader! Magiging milyonaryo kami!" - Mga Wowowee fans na nag-eenjoy sa stampede.
  • "Newton!? Ano yun? Isda ba yun?" - Reply ni Lapu-lapu sa text ni Rizal bago siya patayin sa bagumbayan.
  • "Sine!? May bold din ba dun? Baka mas okay pa yung nasa magasin." - Si Padre Damaso na nag-reply sa email ni Magellan tungkol sa Law of Sines and Cosines.
  • "Waw! Calculator! Makakatext na rin ako!" - Sagot ni Tandang Sora matapos niyang makita na may antenna ang calculator ni Manang Fishball.

Gusto mo pa bang maging engineer?

P.S.: The SOH CAH TOA is a secret underground brotherhood of enlightened men. However, speaking of the companions of the unicameral government, nevertheless competing with endeavor and passion for the final atonement of our patriotic chastities, otherwise dealing--HANEP ANG HIRAP MAG-ENGLISH!!!

Mga kaklase ko, utang na loob, sana maging sikreto lang natin to ha. Tama na yung Statistics lang ang nabasa ng guro natin--sana niyo nang isama to. Wala naman yata akong sinulat na masama tungkol dito pero iba parin yung may privacy. Tama na yung kayo lang ang nakakabasa ng kakornihan ni Clarence. Kung ipipilit niyong ipabasa ang entry na to, mapipilitan din ako sa hazing. "PARURUSAHAN KITA! SA NGALAN NG BUWAN!"

Ma'am, dapat hindi niyo ito binabasa ngayon pero kung sakali mang binabasa niyo--na sana hindi--sigurado akong nahirapan lang intindihin ng kaklase ko ang P.S. ko. Gayunpaman, sana wag ninyo akong ibagsak. Sana rin may essay na sa exam para hindi na uli 69% ang grade ko. MABUHAY ANG STRENGTH OF MATERIALS--ang plastik mo Clarence.

Uto-uto lang ang maniniwalang may mobile phone si Rizal. Pero may sense din dahil "Noli ME Tangere" ang libro niya. PEDRING!

Ayaw ko nang maging korni.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Ipasa mo ako

Feb. 20th, 2006 | 08:22 pm
Music: Toto - Lea

Masaya ang araw ng pagbibigay ng test papers. Masarap tignan ang mukha ng mga kaklase mo kapag natanggap yung papel nila. Yung iba eh nakiki-apir pa sa mga teammates nilang nag-contribute ng sagot para maging 74% yung grade nila. Malungkot naman ang ilan kahit na 85% sila dahil 89% ang kailangan nila para maging saktong 75% ang grade nila. Yung mga iba naman eh parang galit sa mundo dahil 10/40 ang nakuha nila sa quiz sa statistics--tamaan na yung matatamaan.

Iba't ibang reaction, iba't ibang tao--o sige, estudyante nga lang. Pero sa mata ni Clarence, pwede natin silang ma-classify.

Type: Hope-is-never-gone-geeks
Description: Mataas ang fighting spirit nila kahit na mas marami ang mali nila kaysa sa tama. Pilit na binibilang ang mga correct answers nila sa pag-aakalang maaring nagkamali lang si Ma'am sa pag-add ng scores nila. anda silang ipaglaban ang mali nilang sagot kahit na wala sa katwiran. Madalas nilang sinisisi ang katabi nilang malakas suminghot ng uhog habang nag-e-exam sa pagkakaroon nila ng mababang grade. The best parin ang mga Hope-is-never-gone-geeks. Kahit tatlong beses silang bumagsak, di parin nawawalan ng pag-asa. Kung may tiyaga, pagsisikap, at pag-asa, may nilaga--tatlong semester na silang di nakakatikim ng nilaga.
Motto: "Nabasa ko na to dati eh. Tama talaga to dapat eh." Wala naman siyang prewuba. Iba talaga ang "instict".

Type: Buwayang COMELEC
Description: Bata pa lang mandurugas na. Kaya nilang gawing "TRUE" ang sagot nilang "N/A" ng hindi nahuhuli. Napapahaba nila ang mga sagot sa essays nila kahit na na-checkan na. Chicken lang ang paglalagay ng negative sign para lang maging tama ang sagot. Naniniwala sila na ang kapangyarihan ng diskarte ay higit na mabisa sa sipag mo sa pag-rereview. Batang demonyo. Sa COMELEC ka dapat.
Motto: "!@#%^ mo Ma'am! DI NAMAN MALI YUNG SAGOT KO DIYAN AH KANINA AH!" Blue ang kulay ng bagong sagot niya gayong black ink ang ginamit niya sa ibang items.

Type: Spot-the-difference-kids
Description: Mas interesado sila sa papel ng iba higit sa sariling papel. Ginagamit niya ang papel mo bilang ebidensya para madagdagan ang score niya. Halos "Crab Mentality Kid" din siya dahil madalas eh siya ang nagiging dahilan ng pagkawala ng 5 points mo. Patuloy nilang uusisain ang papel mo at ang pinagkaiba nito sa mga sagot niya. Hindi siya titigil hangga't di ka natataasan. Mga taong ma-pride (Huh!? Ibig sabihin kasali ako!?) ang Spot-the-difference-kids. Madalas sailng kaaway ni Clarence (Huh!? Kaaway ni Clarence ang sarili niya?). Ang korni nga pala ni Clarence.
Motto: "Eh Ma'am mali naman yung sagot ni Clarence eh! Tignan niyo pa sa papel ko." Kahit na kinopya niya lang kay Clarence ang exam niya.

Type: Bonus-round-players
Description: Naniniwala sila na ang kapangyarihn ng swerte ay sapat na para makapasa sila. Lagi silang nang-hihingi ng consideration. Di sila naniniwala sa "Wrong spelling is never right". Lagi silang naghahanap ng item na pwedeng gawing bonus. Mahalaga sa kanila ang "effort" at sapat na yun para bigyan sila ng "+10%". Kung kinakailangang sumayaw ng "Crazy Frog" eh gagawin nila yun, basta may makapangyarihang "PLUS".
Motto: "Ma'am, +5 po ako! WALANG BURA YUNG PAPEL KO OH!" Habang ipinagmamalaki ang blankong papel niya.

Type: Clarence-clones
Description: Madalng makonesyang tao kaya di nandadaya. Pagkabigay ng papel, itatago na niya agad para hindi makita ang posibleng corrections--tama man o mali. Madalas siyang sinasabihan ng madamot at mayabang dahil tinatago niya ang test paper niya na may grade na 69%. Wala siyang paki-alam sa score ng iba. Madalas wala rin siyang bonus points dahil puro bura ang papel niya.
Motto: "Kamote naman oh." Habang inaagaw ni Spot-the-difference-kid ang papel niya.

Siyempre, nagbuhat na naman ako ng sarili kong bangko sa ginawa ko niyan. Sa susunod, gagaligan ko na talaga sa exam para naman hindi na masama ang loob ko kapag ni-release ang results.

P.S.: Walang tayong P.S. ngayon eh. Out of stock daw sabi nung sales lady.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Factory ng Pera

Feb. 18th, 2006 | 11:51 pm
Music: Goo Goo Dolls - Black Balloon

Nakatikim ka na ba ng Adobo/Kare-kare/Sinigang pearl shake? Eh Luya candy? Kamote Jam? Kung ang sagot mo'y oo, uminom na ka na rin ng cyanide dahil ayaw kong makipag-usap sayo--tama na yung ako lang ang nakatikim nun.

Kamakailan lang eh nag-iisip ang mga magulang ko ng magandang negosyo na gawin. Astig talaga ang aking "peyrents" dahil nagpa-plano sila sa future namin kahit na puro plano lang. Paulit-ulit na kwentuhan at lokohan tungkol sa kung anong magandang gawin para paramihin ang maliit na salapi na meron kami--kahit wala naman talaga.

Ang totoo eh sa tingin ko, wala sa pamilya namin ang pagiging negosyante. Kung magkaroon man kami ng negosyo, magbilang ka ng pitong araw, at pupusta ako sa'yo na sa ikatlong araw eh ititigil namin yun--hindi na nga kami kumita, may utang pa. Sadyang di kami biniyayaan ng kakayahang magpaikot at magparami ng pera. Mas takot ako kaysa sa magulang ko 'pag dating sa negosyo. Ayaw kong magkaroon kami ng negosyo. Hindi dahil sa siguradong magiging "utusan" nila ako--although isa yun--kundi dahil sa magiging "utusan" nila ako--pangalawa yun.

Hirap akong tumanggi sa mga kakilala ko. Kung magkakataon man na mag-negosyo kami ng papaya soap, hindi ako magtataka kung puputi lahat ng kamag-anak at kakilala namin dahil kalahati ng produkto namin ay ginawa naming give-away kahit hindi pasko, o kahit hindi kami kakandi-dato bilang Mayor. Kung mag-nenegosyo man kami ng alahas, malaki ang posibilidad na naholdap ang lahat ng mga pinautang namin ng alahas at nagkapasa na sila sa leeg sa bigat ng freebies na maibibigay namin. Kung bigasan naman ang gagawin namin, malamang eh nai-flush na nila ang kanin na kinain nila kagabi na dapat eh tatlong linggo na nilang nabayaran.

Mahirap tumanggi.

Hindi ka na naman siguro magtataka na ang mga tao eh mas atat na malaman kung sino ang may kakilala para makamura/makatipid sa lahat ng mga gagawin nila. Kung may lalakarin ka man sa LTO maghanap ka ng kakilala mo doon o magsama ka ng may kakilala--wag kang sumama sa kakilala ng kakilala ng kakilala ng nanay mo tulad ko.

Isipin niyo naman ang kawawang negosyong sinasalanta ninyo. Sa labing-limang lechon na inorder niyo sa kaibigan niyo eh tatlo lang ang binayaran niyo dahil may promo sila para sa kakilala nila na: "Buy 1 take 4". Maaring hindi ninyo alam kung gaano kasakit ang sabihan ng "Salamat ha! Sa uulitin ha!" habang binibilang mo kung gaano sana kalaki ang kinita mo kung ginawa mo nalang "Buy 1 take 3" ang promo mo.

Sa tingin ko babalik uli ito sa ugali nating "hospitable" na wala sa lugar. Di bale nang malugi, wag lang sumama ang loob ni kumpare. Di bale nang ibenta ang anak wag lang sumama ang loob ni Mayor.

Kaya ang payo ko sa inyo eh wag kayong mag-negosyo kung 500++ ang kaibigan niyo sa Friendster dahil malamang eh 501 ang taong papatay ng negosyo ninyo. Ako yung butal sa limandaan.

Kung ang negosyo mo naman eh may kinalaman sa Adobo/Kare-kare/Sinigang pearl shake, Luya candy, at Kamote jam, sigurado akong hindi nila papatayin ang negosyo mo. Pupusta akong hindi talaga yan mabubuhay.

P.S.: Eto seryoso. May nakapagsabi sakin na kung gusto mo raw ng negosyong walang lugi, magtayo ka raw ng simbahan. Umaayon naman ako doon. Pero wag kang umasa na gagawa ako ng relihiyong tatawaging "Kamote Force" at sasambahin natin ang Banal Na Kamote at gagawing bibliya ang blog ni Clarence--'di ako atat magkapera.

Habang tumatagal, nagiging mas "kurni" ako.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Ipikit ang mata dahil bawal kumopya

Feb. 18th, 2006 | 09:15 pm
Music: Toto - English Eyes

Astig na araw! Ang pinakamasayang ginagawa sa eskwela ay ang paggawa ng "wala".

Minsan na akong nagkaroon ng guro (pwede ring tawaging "titser") na halos araw-araw kaming binibigyan ng extra-curricular activity: MATULOG.

S.O.P. na sa amin ang pagdukdok ng mukha sa desk o librong mabaho (amoy Ibong Adarna) tuwing oras na ng extra-curricular activity namin. Wala nang tanong-tanong. Ipikit mo nalang mata mo. Maaring gusto niya ng privacy habang nangongolangot o habang nagkakamot ng pwet. Kung ganon nga yon, saludo ako sa kanya dahil hindi niya kami inilantad (salamat Ma'am sa translation ng 'expose') sa mga mahahalay na gawain (e.g. pagkakamot ng pwet, pangongolangot) habang kami'y mga musmos pa lamang.

Naniniwala akong ang pinakamahirap na gawin sa mundo (o sige, kahit hindi na mundo) ay yung magpanggap ka na may ginagawa ka. Kahit na naka-isang libong tupa na ako ang nakatalon sa ulo ko (tinaehan pa nga ako nung isa eh) di parin ako makatulog. Hindi ko alam kung ganun kabaho librong dinudukdukan ko para panatiilihing buhay ang diwa ko sa mga panahong dapat eh nanaginip ako at nangongolangot naman ang guro (pwede ring tawaging "titser") ko. Para akong batang nilasing sa kape na binabaran ng Ibong Adarna.

Siguro, kaya di ako makatulog, dahil sa hindi naman talaga kami dapat pinapatulog sa mga ganung oras. Noong bata pa ako, sapilitan din ang pagpapatulog ng Mami ko samin. Kailangan daw namin yun para tumangkad--well, tignan niyo naman ang height ko. Pagkatapos ng tanghalian, tulog na. Dahil sa pagtulog na yan eh hindi ko na-enjoy ang panonood ng Eat Bulaga at Valiente. Buti nalang hindi na ganun ang sistema dito sa bahay kaya may oras na ako para manood ng Daisy Siete. Ayaw ko ng Wowowee.

Bilang bata, hindi ko alam na ganun pala kaimportante ang pagtulog. Ilang jail warden na ba ang nasesante dahil sa nakatakas ang mga preso habang natutulog sila? Sino na ba ang lumampas sa dapat niyang babaan habang nasa jeep dahil sa nakatulog siya sa biyahe? Napagalitan ka na ba ng guro (pwede ring tawaging "titser") mo dahil natulog ka sa klase niya? Naranasan mo na bang ma-litratuhan ng mga kakilala mo habang natutulog ka? Oo, walang koneksyon yung huli.

Gayunpaman, sigurado akong masaya paring gumawa ng "wala" tulad nito. Pero kung tatanungin mo ang guro ("titser" uli) ko dati, sigurado akong mas masayang gawin ang trip niya tuwing tulog ang mga estudyante niya.

P.S.: Hanep na araw. Di na uli ako magsusulat ng drafts sa classroom dahil maari lang akong mapahamak lalo na kapag madaldal mga kaklase ko. Binasa na yan ng guro (siyempre "titser" yun) ko bago ko pa natapos.

So far, di pa naman ako nakahuli ng guro ("titser" parin) na gumagawa ng ganung kahalayan habang nananaginip ang estudyante niya. Bale, kwentong barbero yan.

(Habang tumatagal dumadami ang aking parenthesis at lalong humahaba ang PS. Lalo akong nagiging epal.)

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Halikan mo ako babaeng bigotilyo

Feb. 15th, 2006 | 10:31 pm
Music: Dream Theater - You Not Me

Noong bata pa ako, di pa uso ang lecheng Counter-Strike at #@&#)* na Ragnarok na yan. Bukod kay Mickey Mouse at Doddie'ng Daga, wala na akong kilalang ibang mouse--lalo na yung pagpinindot mo eh pwedeng bumaril ng terorista.

Kwento samin ng mami ko dati, may bata daw na namatay dahil sa tumalon siya sa 2nd storey ng kanilang bahay at sumigaw ng "PAWERRR REEEYNJEEER!!!" sa pagaakalang may powers siya at makakalipad siya. Ganun kasi ang activity naming mga taga-Toledo St. noong kabataan namin--ang alam ko hindi kasali si Kath dun. Kaya yun kinwento ng mami ko samin ay para sa hindi na kami maglaro ng "PAWERRR REEEYNJEEER!!!" at tumalon sa mga hollow-blocks at bundok ng buhangin ng kapitbahay namin. Sa kasamaang palad, di namin yun pinaniwalaan gaya ng mga kwento niya tungkol sa mga batang walang makain sa Cambodia/Bangladesh/O sa kahit anong bansang alam niyang di namin alam, para lang ubusin namin ang ulam naming "Toge". Napahaba yata ang sentence ko dun ah.

Siguro nga 'the best' parin ang libangan ng mga batang babae kung ikukumpara sa mga bayolenteng "PAWERRR REEEYNJEEER!!!" ng mga kalalakihan. Sa tingin ko naman eh peaceful ang paglalaro ng Barbie, Paper Dolls, at Bahay-bahayan (ngunit maari itong maging delikado kung may manyak kang kalarong lalaki na gaganap bilang tatay). Gayunpaman, may hindi ako maintindihan sa mga libangan nila.

PAANO BA NILALARO ANG BANAL NA KISSES NA YAN?

Iba yung Hershey's Kisses sa kisses na binabanggit ko. Kung ang mga batang lalaki ay may teks/tex (oo na, mayabang na ako dahil di ako nakapaglaro nun) na kinokolekta, siguro yun ang female version nun. Di tulad ng teks/tex (di ko parin alam ang spelling dahil sa walang sagot si Mr. Google), may added value ito--mabango.

Bagamat di ako nakapaglaro ng teks/tex (wala na akong maisip na pwedeng ilagay sa parenthesis), ang alam ko ay amoy suka o "vinegar" yun. Hindi nalalayo ang amoy ng teks/tex (habang tumatagal, lalong kumokorni ang mga nasa parenthesis) sa amoy ng libro mong "Ibong Adarna" na binubulok mo sa aparador mo.

Pero siyempre, dapat tungkol hindi sa teks/tex (pramis huli na itong parenthesis na to) ang kwento ko. Balik tayo sa kisses. May mystical powers daw ito dahil may kapangyarihang magparami. Ayon sa aking "very reliable source" na itatago nalang natin sa pangalang "Daden" (sikat ka na Daden!), naging tatlo daw ang dalawang kisses na binili niya. Wag mo nang kontrahin si Daden dahil 1.25 ang grade niya sa Integral Calculus kaya sigurado akong alam niya ang pinagkaiba ng tatlo at dalawa. Wag mo na ring itanong ang kasarian ni Daden--malay mo binili niya yung kisses para sa kanyang "sweetheart" na itatago nalang natin sa pangalang... wag na nga lang. Wag mo na ring itanong kung saan siya nakabili ng kisses na dalawang piraso at kung magkano niya nabili ito. Magtiwala kayo kay Daden.

Hindi ko alam kung paano nila nalalaman kung alin ang male at female na kisses. Maaring hermaphrodite ang mga yun kaya hindi na masyadong importante ang gender nun. Hindi yun kasing dali ng pag-identify ng kasarian ni Barbie at G.I. Joe--siyempre, alam naman nating babae pareho yun eh. Pero ang sigurado ko eh dahil sa kisses na yan maaga nilang nalalaman ang tungkol sa process of reproduction at family planning. Kaya siguro yung mga ilang naglaro nun na kakilala ko eh may mga "Junior" na--hindi kasali dun si Daden.

Pero kung totoong dumadami ang kisses, masaya siguro yun. Pwede na siguro ang mga sumusunod:

  • Bibili ako ng dalawampirasong kisses at paparamihin ko ng isang milyong piraso. Ibebenta ko naman yun ng piso bawat piraso para hindi na kayo magtanong kung saan at magkano ang bili ni Daden sa kisses niya.
  • Maari yung ilagay sa loob ng handsets ng mga public telephones! Dalawa lang ilalagay mo tapos nun, mananatili nang mabango ang telepono mo! O ha? Dadami na ang naninigarilyo sa phone booth.
  • Maglalagay rin ako nun sa loob ng air-conditioning units ng mga sasakyan. Para kahit habang-buhay nang mabango ang biyahe mo. Kahit may magsuka, okay lang.
  • Kung may camping ka ng isang linggo o kaya sasali sa Extra Challenge, maglagay ka lang ng tig-dalawang pirasong kisses sa kili-kili mo. Aabot ka ng limang araw na mabango! Kawawang kisses yan, sa kili-kili ang huling hantungan. Maaring may libag na maiwan sa kili-kili mo.

Pero ngayon nga, laos na ang mga yan. Pag-tetext na ang bagong libangan ng mga bata ngayon. Mas nakakalibang ang PS2 sa 10-20 at sungka. Ganun naman talaga eh--hindi ka laging mananatiling sikat at patok--tulad ng "PAWERRR REEEYNJEEER!!!"

Salamat kay Daden at kay Charlene na nagbigay sakin ng idea para diyan.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Statistics

Feb. 10th, 2006 | 10:11 pm
Music: Exit The Ride - Letters

10/40. Hindi yan blood pressure. Score yan ng quiz ko. Bagsak ako hindi dahil sa nangamote. Okay lang sana kung majority ang bumagsak eh pero tatlo lang kami. Pero on the brighter side, 2nd naman ako sa tatlong bumagsak. O ha? Optimistic yata ako.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero sa tingin ko eh mahusay naman ako sa math. Alam ko ang sagot sa 9x7 lalo na kapag may calculator (kaya mo yon?). Kaya ko ring kumuha ng square-root kahit walang calculator--humaba na naman ang ilong ni Clarence. Isama niyo na rin ang unique kong kakayahang magbilang ng 1-100 at 100-1 ng nakabitin patiwarik--gusto mo gawin ko pang kanta yun eh. No match ka no?

Nakakaloko lang kasi dahil nakarating ako sa Math 08 ng walang problema except sa isang teacher na virtual at walang ibang alam gawin kundi basahin ang lecture na sinulat niya sa board. Nakakaloko lalo dahil ayokong maging dahilan ang Math 03 ko na statistics para mag-aral ako ng mabuti.

Series of solutions kasi ang statistics. Bale, gagamitin mo yung sagot mo sa number 3 para makuha mo ang sagot sa number 4. Pero kung kasing swerte mo ako, gagamitin mo ang maling sagot mo sa number 1 para makuha ang maling sagot mo sa number 2, 3, at 4. Jackpot ako sa domino effect ng katangahan ko at calculator ko. Susumpain mo ang mga daliri mo dahil mali ang pinindot mo sa calculator mo noong sinasagutan mo ang unang tanong. Mag-aaverage na nga lang sablay pa ako.

Sa statistics, mas importante ang skills mo sa pagpindot ng calculator kaysa sa galing mo sa paghanap ng mga polynomial factors. Mas importante din ang kakayahan mong mag-memorize ng formula kaysa sa kahit anong alam mo sa gitara. Mas importante rin na nakikipagbiruan ka sa teacher mong si Johnny Bravo kaysa sa pag-blog mo. At ngayong 10/40 ako, sigurado akong kinain ng calculator ko ang 30 points na sana'y nagpapangiti sakin ngayon.

Kapag ang teacher mo ay mukhang boksingerong maton at ang pinakamaganda niyang joke ay "Okay class, sinong absent? Paki-taas ang kamay. BWAHAHA!", siguradong matututo kang magsulat ng nakakatuwang blog entry tungkol sa subject niya. Kung nalulungkot kayo sa kalagayan ko dahil siya ang teacher ko, mas nalulungkot ako dahil may ilan akong kaklaseng tumawa sa joke niya.

"Malay mo kung yung mga pumasa eh nandaya lang kaya nakapasa. Sa gobyerno nga puro magagaling pero mandurugas din". MALAY MO NGA NAMAN OH. Very inspiring. Para kaming mga nasalanta ng baha na kino-comfort ng GMA Kapuso Foundation. Nasabi kasi niya yun dahil kami ang pinagcheck niya ng sarili naming papel. Bale ako ang nag-ekis ng 30 points ko. Honest daw kaming tatlo dahil hindi kami nandaya. Ayaw niya lang sabihin na "Honest pero tanga."

Anong mapapala mo kung nalaman mo ang standard deviation ng scores ng 39 students na may tatlong bagsak? Gagaling ba ang rayuma mo kung nakuha mo ang mean ng oras ng pagkirot nito? Kapag ba nakuha mo ang mode ng population ng mga tao sa Pilipinas mawawala na ba ang corruption? Ang alam ko lang, ngayong bumagsak ako sa quiz ko statistics, nagkaroon ako ng pagkakataon na gumawa ng blog entry na binabasa mo. Pasalamatan mo ang teacher ko.

P.S.: Di ako magtataka kung meron akong isang kaklase na i-piprint ito at dadalhin sa school sa lunes para gawing hostage at makuha ang baon kong Sky Flakes.

Sir, alam kong di niyo to mababasa pero kung mabasa man ninyo ito, wag kayong magalit. Kunwari joke lang yun. Alam kong magaling kayong boksingero at hindi ako nagdududa dun. At ngayong nababasa niyo na ito, sigurado akong may galit sakin ang taong nag-abot/nagturo sa inyo tungkol sa pinagsusulat ko. Pero hayaan niyo na ring isumbong ko sa inyo na meron akong isang kaklase na dinrowing kayo sa board (humaba uli ang ilong ni Clarence). Natawa naman po talaga ako sa joke niyo kaya ipasa niyo ako.

Sa mga kaklase kong kamote. Wala namang bastusan oh. Wag mo nang iprint yan. Wala ka ring mapapala. Okay lang na maging proud ka sa blog ng kaklase mo pero wag mo namang ipagyabang ang kagaguhang isinulat niya tungkol sa lesson niyo. Sige na, nakikiusap na ako. Kapag pinrint mo yan, sigurado akong ikaw ang susunod na pag-uusapan namin dito sa blog ko.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

LTO (Leche Talaga Oh!) Part 2

Feb. 7th, 2006 | 01:44 pm
Music: John Petrucci - Lost Without You

Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na madarama mo matapos magrestart ang PC mo dahil sa katangahan ng tuhod mo. Lalo na kapag nasa kalahati ka na ng Part 2 na hinihintay ng marami (actually dalawa sila). Gusto kong i-untog ang ulo ko para maalala ko lahat ng mga naisulat ko kanina pero siyempre, dahil hindi ako robot, malamang eh hindi ko magagawa yun. Tama na ang sama ng loob, magsimula na ako sa introduction ko.

Gusto kong magpasalamat sa mga nagbasa nung LTO (Leche Talaga Oh!) Part 1. Ang galing! Ang gusto niyo palang mga kwento ay yung nagmumukha akong tanga o yung napapahiya. Pero siyempre, dapat ikwento yun dahil sa yun talaga ang kwento. Hindi ko naman dinadagdagan ang kwento ko para maging nakakatawa (at biglang humaba ang ilong ni Clarence). Nagpapasalamat din ako sa mga taong minura ako dahil nabitin sila (pero wala pa naman akong nabalitaang gumawa nun).

Hindi ko masisigurong magugustuhan ninyo ang kwentong ito dahil sa nagustuhan ninyo ang Part 1. Kung hindi mo pa nababasa ang Part 1, wag mo muna itong basahin dahil baka murahin mo lang ako kapag hindi mo nakilala sina 3rd at 4th degree--kung sino man sila.

Halata bang napaka-defensive ko? Ganito rin siguro ako mangangatwiran kapag kinulong ako dahil sa mga sinulat ko dito sa blog na to. Pero dahil ang epal ko na, sisimulan ko na ang kwento bago pa kayo mabagot. Hinga ng malalim. Inhale... Exhale...

Ang totoo eh lubos akong natuwa matapos kong malaman na natawag ako bago mag-lunch. Feeling ko kasi eh ahead ako ng 1 hour sa mga halimaw na nakaupo at naghihintay ng pangalan. Feeling ko eh umabot ako sa deadline. Parang nakalimutan ko na napahiya ako sa harap ni bestfriend "photographer"/"taga-tawag ng maling pangalan"/"taga-papirma" sa sobrang tuwa. Feeling ko lang yun.

Nalaman ko na sa LTO pala, hindi tumitigil si bestfriend "photographer"/"taga-tawag ng maling pangalan"/"taga-papirma" para lang mag-lunch. Tuloy-tuloy parin ang pagtawag niya ng mga pangalan. Tuloy-tuloy parin ang paglili-litrato niya. Doon ko lang napatunayan na ang mga demonyo ay hindi talaga nagpapahinga. Masaya parin naman lahat ng mga pangalang natatawag (kung tama man ang pagkakabasa niya sa pangalan nila). Tuloy lang ang graduation ceremony.

Tapos na pala ang moment of glory ko. Kailangan nang bumalik sa upuan ko. ??? San nga ba ulit yun?

Nalaman ko na sa LTO pala eh uso parin ang "Trip to Jerusalem." Kahit na halos impyerno ang lugar na yun eh alam parin pala nila ang Jerusalem. Hindi ko alam kung sino ang sasapakin ko. Sana ba kung may umupo lang sa upuan ko eh, pero hindi. Nawawala ang upuan ko. Pati pala upuan eh binubulsa sa ganung lugar. Importante pala yung ipapako mo sa sahig ang upuan para mahuhuli mo parin kung sino ang lumapastangan dito. Di ko naman maiwasang pagdudahan si kaibigang naka-shorts ng Pinoy Big Brother dahil kanina lang eh nakatayo siya at nagtatrabaho, samantalang ngayon eh nagpapahinga na siya habang umiinom ng "RC Cola". Nalulungkot ako dahil sayang naman ang tatlong oras naming pinagsamahan ng upuan ko sa hirap--walang ginhawa, hirap lang ang pwede. Di lang nila alam kung gaano ko katagal pinainit ang upuan na yun. Gayunpaman, isa lang ang sigurado--tayo ako sa "Trip to Jerusalem."

Gutom na ako pero hindi pa ako kumakain. Bukod sa wala nang upuan sa Cafeteria (Uy! Carenderia na nga lang!), eh pakiramdam ko eh baka mabitin lang ang pagkain ko. May pagka-mabagal din akong kumain minsan eh. Malay ko ba kung habang kumakain ako eh tawagin ako, tapos pagbalik ko eh nawala na ang upuan at pagkain ko. Hindi ako papayag na magpaloko ng dalawang beses sa isang araw. Yan ang mga katwiran kong wala naman sa katwiran. Ang ginawa ko nalang lunch ay yung usok ng sigarilyo ng katabi kong nakatayo.

Habang nakatayo, nagulat nalang ako nung biglang may naramdaman akong kakaiba sa hita ko. Waw! May naka-alala sakin kaya pala nagvibrate ang mobile phone ko. Naalala ng Mami ko ang anak niyang ibinala niya sa kanyon papuntang LTO.

Natural lang naman na ang unang gawin ko ay magsumbong ako na kung kani-kanino ako pinaampon at ngayon eh mag-isa nalang ako. Feeling ko kasangga ko na ang batas at ipapa-baranggay na ng Mami ko sina 3rd at 4th degree. Kaso nga lang eh very diplomatic ang Mami ko at pinayuhan ako na maghintay na lang daw ako at magtiis dahil makakaraos din ako. Gusto ko sana siyang replyan ng "AY LAB YU MAMI!" pero inisip ko na sayang ang aking "pisow." Bago ko pa itago ang cellphone ko sa bulsa ko eh nagvibrate uli ito.

Si Tito naalala ang pamangkin niyang nakikipagsapalaran para sa kanyang lisensya. Kinausap ko ang Tito ko at pinilit kong ngumiti habang nagsusumbong. Inulit ko uli ang tinext ko sa Mami ko. Mas madali palang magsumbong kapag sinasabi nagte-text. Nakinig naman ang Tito ko. Nang matapos ako sa sumbong ko eh nalaman kong less democratic pala ang kapatid ng Mami ko. Gusto niya eh ipabaranggay ang lahat ng nang-iwan sakin--including "Bong" (Hindi ikaw Mr. Keyboardist). Tinanong niya sakin kung nakapagbayad na daw ako. Yehey! Nakanino na nga pala ang pera?

Gutom ako habang nakatayo at iniisip kung nabayaran na ba ni 3rd degree o 4th degree ang fee para sa lisensya na yan. Dagdag problema nga naman. Pero siyempre, hindi yun natatapos diyan. Habang nakatayo eh napansin ko ang nakasulat sa Window 8. "EXAMINEER".

Ayos pala! May eksamen nga pala bago ka maging isang ganap na tsuper. Dagdag problema na naman ito sakin. Hindi ko dala ang miracle pen ko (kahit wala naman talaga ako nun) na siyang dahilan kung bakit ako pumapasa. Ang akala ko sa eskwela lang pwedeng mangamote. Di ko pa naman alam ang pagkaka-sunod-sunod ng kulay sa traffic light. Malay ko ba kung may ROYGBIV na traffic light na ngayon.

Inisip ko agad lahat ng mga possibleng tanong na itanong sa akin. Inisip ko rin na kung yung mga mukhang mag-tataho nga eh nagkakalisensya, ako pa kaya? (Oo ganyan ako kayabang). Inisip ko rin lahat ng mga driving skills na alam ko: Marunong akong mag-fasten ng seatbelt, mag-lock ng pintuan ng kotse... at ang paborito kong pagbubusina. YEHEY! Ang window 8 pala ang sisira sa lahat ng pinagpaguran ko sa araw na yun.

Nasan na si 3rd at 4th degree? Nabayaran na ba ang fee ko? Gaano pa ako kalayo sa @#!^*& na lisensyang yan?

Tinatamad na naman ako. Next time nalang uli.

At dito nagtatapos ang LTO Part 2. Bow.

(Part 2 palang pang-marathon na. Kahit halatang ki-nopy-paste lang.)

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Kwentong Kamote

Feb. 5th, 2006 | 08:43 pm
Music: Steve Vai - Natural Born Boy

Paunawa: Humanda ka na dahil mahabang basahan to. Ganyan talaga ang mga kwento ko. Pagkatapos mong mabasa kahit sobrang haba eh mukhang wala ka paring matututunan.

Nakakita ka na ba ng batang kumakain ng bakal gamit ang straw? Ako rin hindi pa kaya wala akong magagawang kwento tungkol diyan. Kahit na anong daldal ko eh wala kang maririnig na version ko tungkol diyan dahil ang kinukwento ko lang dito ay ang mga bagay na na-experience ko. Depende nalang kung kakain ka ng bakal sa pamamagitan ng straw sa harap ko.

Ang gusto kong ikwento ngayon ay kwentong Clarence. Bale parang kwentong kamote na rin yun. Ibig sabihin, boring ang kwento na to. Pero nagpapasalamat parin ako dahil binabasa mo parin ang post na to. Hindi ako masaya sa pagkukuwento ng mga madramang bagay. Kung gusto mo ng drama manood ka ng Marimar o kaya Daisy Siete. Gusto ko masaya lahat kahit na maraming namatay dahil sa Wowowee. Actually ngayong mga oras na ito may kwentong Wowowee na ako kaya lang baka patayin niyo ako kapag ngayon gumana ang kagaguhan ko.

February na pala. Walang balak si Clarence na humanap ng date dahil ang pagkaka-alam niya eh masyado itong expensive. Traumatic pa ang statement na narinig niya sa kanyang kaibigan dati na itatago nalang natin sa pangalang "Kath". Sabi ni Kath, "Ang definition ko ng date eh yung ililibre ako. Yung kahit anong ituro ko eh bibilhin." Waw. Nakakatakot pala ang maki-sali sa pagde-date. Daig mo pa ang nagdrugs.

Madalas rin akong nanlilibre ng kaibigan ko lalo na yung bihira ko lang nakikita--lalo na kapag babae. Sa kultura kasi natin eh kapag isa kang lalaki at nakasabay mo sa iyong paglalakbay ang kaibigan mong babae, magiging all-expense paid trip <*TAN-NA-NA-NAN-TAN!*> na walang kasamang P100,000.00 pocket money. Bagamat nanalo ang babae ng all-expense paid trip <*TAN-NA-NA-NAN-TAN!*> hindi siya nagtatatalon o tumatambling sa tuwa. Para bang ayaw pa niyang kuhanin ang premyo niya dahil wala naman talaga siyang sinalihang contest.

Nakakatawang isipin na eto ang madalas kong experience:

Clarence: "Sige ako na mag-babayad."
Narrator: Medyo malungkot si Clarence dahil mababawasan ang pambili niya ng strings. Inilabas niya na ang wallet niya.
Gerl: "Hindi! Wag na! Ako na!
Narrator: Pero walang ginagawa si Gerl.
Clarence: "Kaw naman oh. Minsan nalang tayo magkasabay."
Narrator: Pinipilit ni Clarence ngumiti habang sinasabi yun. Bumubunot na rin siya ng pera.
Gerl: "Wag na... Nakakahiya na sayo eh..."
Narrator: Pero wala parin siyang ginagawa.
Clarence: "Manong, bayad ho. Dalawa. Kandong ko yung babae."
Narrator: Nagpatawa pa ng korni si Clarence. Actually, chinee-cheer up niya yung sarili niya. Nakangiti naman siya hanggang sa makarating sa destinasyon nila.
Gerl: Sige. Salamat ha. Babay. Sa susunod uli.

Nakakaloko dahil hindi naman bumubunot ng wallet si Gerl. Natutuwa ako sa mga kaibigan kong babae na kapag nililibre ko ay sasabihan ako ng "Sige!" o kaya "Yehey" o kaya "~TAN~NA~NA~NAN~TAN!~". Pero sana naman eh wag kayong matakot na magpalibre sakin. Wag nalang kayong pumalag. Hindi naman dahil sa nilibre ko kaya sa jeep eh utang niyo na sa akin ang buhay niyo at kailangan niyong magpa-alipin ng limampung taon para lang makabayad sa utang na loob.

Pero kung nagkataon, sabihin kaya natin ang totoo na wala tayong pera:

Narrator: Kakasakay lang ni Clarence.
Gerl: Uy! Clarence!
Narrator: Nakangiti si Gerl. Parang nakita si Jollibee.
Clarence: Kanina ka pa?
Narrator: Hindi naman talaga gustong malaman ni Clarence kung gaano katagal na niya pinaiinit ang upuan niya.
Gerl: Di naman.
Narrator: Nagpapacute si Gerl kay Jollibee.
Clarence: Nagbayad ka na?
Gerl: Hindi pa.
Narrator: Sa sobrang bilis ng sagot ni Gerl, naunahan pa niyang magsalita si Narrator.
Clarence: O sige. Magbayad ka na.
Gerl: ???
Narrator: Kahit hindi naman talaga niya sinabi ang "Question mark question mark question mark".

Kung sa panlilibre lang ng pamasahe eh minsan nahihirapan na ako, sa tingin ko mas nakakatakot ang makipag-date lalo na kapag gusto niyang kumain sa mamahaling restaurant. Malay ko ba kung hindi naman talaga niya ako sasamahang maghugas ng pinggan sa restaurant kapag hindi kami nakabayad.

Hindi ba mas nakakapagtaka kung bakit yung mga batang mukhang hindi pa tuli eh mas malakas ang loob na mag-date kaysa sakin? Hmmm... Matatapang talaga ang mga bata ngayong mga panahong ito. Di ako magtataka kung makakakita ka ng batang kumakain ng bakal gamit ang straw.

<*TAN-NA-NA-NAN-TAN!*>

P.S.: Hindi ko ito pinost dahil lang sa gusto kong makahanap ng ka-date na manlilibre sakin sa Valentine's (balentayms). Tandaan niyo lang na malaki ang galit ko sa bading.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Ang crush ko ay si...

Feb. 2nd, 2006 | 05:41 pm
Music: Eric Johnson - Manhattan

Ilang beses na akong nabigyan ng pagaakataon na magsulat sa mga lecheng "islambuk" na yan. Ngayon ko lang naisip na ilang beses na rin pala akong nag-aksaya ng tinta ng "Panda" pen ko mabango--yung may glitters.

Dati ang tawag doon ay "autograph". Hanggang ngayon di ko parin alam kung bakit ganun ang tawag sa munting libro na punong-puno ng impormasyon. Para ka lang gumagawa ng Prenster account pero walang "prens" na magbibigay sayo ng banal "testi." Para ka ring nag-aaply sa trabaho dahil pati nationality mo eh tinatanong ni "islambuk". Pero kung akala mo eh ganun lang yun, NAGKAKAMALI KA.

Tinatanong din dito ang ilan sa mga tanong na maaring magpagpabago ng buhay ng bawat taong makakabasa nito tulad ng, "What is your favorite color?", "Who's your first kiss?" at "What is the essence of being a woman?". Sa sobrang challenging ng mga tanong na yan, napipilitan tuloy akong iwanan silang blank o kaya lagyan ng "N/A".

Hindi naman lahat ng "islambuk" eh nagtatanong. Merong ilang mga demanding. Para bang mapupunta ka sa impyerno kapag hindi mo sinagutan. Sa sobrang demanding eh hindi naglagay ng question mark tulad ng: "Dedication:", "Describe yourself:" at "Define love:". Demanding talaga ang mga parts na yan--parang si Clarence na nanghihingi ng comment sa munting blog niya.

Paborito kong binabasa ang "Describe yourself". Dito mo kasi makikita kung gaano kayabang ang mga kakilala mo. May mga malalakas ang loob na naglalagay ng "cute", "lovely" at "humble" at "heartrob" (Paunawa: di ko alam ang tamang ispeling nun dahil hindi ako ganun). Sabi nila, kapag sinabi mong humble ka hindi ka na daw humble. Hmmm... Pero ayos lang yun sa mga nagfill-up ng ganun dahil may pambawi naman silang nilalagay sa dulo ng description nila sa sarili nila eh: "JUDGE ME!!!".

Bakit kailangang ilagay ang "JUDGE ME!!!" sa dulo ng mahabang description mo sa sarili mo? Bakit kailangang husgahan ang taong nagbigay ng mahabang husga sa sarili niya? Bakit kailangang kailangang i-judge ang hindi book? Bakit ka nakornihan sa huli kong joke?

Bilang isang responsableng tao eh maglalagay ka ng dedication. Parang letter mo sa taong may ari nung "islambuk" na sinulatan mo. Halos requirement dito ang paglalagay ng pasasalamat sa pagbibigay niya sayo ng pagkakataon na magsulat ng personal information mo sa pag-aari niyang "islambuk". Requirement din dito ang paglalagay ng acronyms.

JAPAN - Just Always Pray At Night
TCCIC - Take Care 'Coz I Care
ITALY - I Treasure And Love You
KAMOTE - Kaw Ay Masyadong Ogag Talaga Eh
JOLOGS - Just Olways Love Our God Savior
KADENA - Korni Ang Dedication Eh Napahiya Ako
WAKOKOD - WAlang KOwenta KOng Dedication
KANGKONG - Kaw Ang Nag-iisa Garapata Kaya Onti Nalang Garapata

Noong mga panahon namin di pa uso ang ASL, at GTG kaya hindi pa yun isinusulat sa "islambuk". Pero nawa naman eh walang magsulat ng "WTF!?" sa dedication.

Ngayon hindi na yata uso yan. Dahil sa tulong ng prenster, ginagawang isang malaking "islambuk" ang bulletin natin--ang mga #@$@#^ na "SURVEY". Ang kaganadahan sa mga makabagong survey na yan eh may value added services sila. Dapat i-repost mo yun sa bulletin mo dahil kung hindi mamamatay ang nanay mo. Ang galing no? Sana may ganun din ang blog ko kapag hindi ka naglagay ng comment.

Pero bago ang lahat, may gusto sana akong itanong sa'yo.

"Who is your crush?"

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

LTO (Leche Talaga Oh!) Part 1

Jan. 22nd, 2006 | 12:37 pm
Music: Liquid Tension Experiment - Kindred Spirits

Disclaimer: Masyadong mahaba ang post na ito. Sa sobrang haba eh baka hindi mo mabasa ng buo.

Naalala ko pa yung araw na yun. Yun pa nga ang araw ng alis ni kapitbahay Kath eh--December 21, 2005 (Oha!!! Alam ko pa!). Nagpunta ako ng di sinasadya sa LTO--kailangan ko daw gawing 'non-pro' ang student's permit ko. Waw! Kala ko pa naman may surprise na kotse sakin ang mga magulang ko. Naalala ko lang na ang expiration nga pala ng student's permit ko sa darating na January 6.

May kinuhang kakilala ang mami ko para samahan ako sa pagkuha ng lisenya. Ang husay! Pero mas mahusay yung kakilala ng mami ko dahil ikinuha niya ako ng isa niyang kakilala para samahan ako. Ang galing. Parang prenster! Bale 3rd degree "fwend" ko siya. Wala akong nagawa kundi sumama sa 'di kilalang mukha na yun.

Unang stop namin: Drug Testing. Medyo natakot ako sa drug test kahit na hindi ako adik. Kasi baka naman mamaya mapagtripan ako nung nag-tetest. Baka gawing positive ang results ko dahil mukha akong adik. Matapos akong magbayad (actually yung kakilala ng kakilala ni mami ang nagbayad dahil sa kanya ipinagkatiwala ang salapi na dapat hawak ko), binigyan ako ng maliit na container. Sabi nung babaeng nag-abot nun sakin, punuin ko daw. Pumantig sa tenga ko yung huling binitawan niyang salita: "PUNUIN MO HA".

Hindi ko alam kung matatawa ako o magwawala dahil sa challenge na ibinigay niya sakin. Umagang-umaga, at kakatapos ko lang jumingle tapos kailangan ko daw punuin ang container na yun. Hindi buko ang iniinom ko tuwing umaga para maihi ako. Gusto ko nga eh bumili nalang ng "Extra Joss" para kunwari yun ang jingle ko. Pero bandang huli, wala din akong nagawa. Daig ko pa ang inabutan ng LBM sa bahay ng crush niya. Ayun, ipinasa ko ang container sa nag-tetest! Mainit pa ang container! Matapos ang ilang saglit, may resulta na. Negative daw. "DAW". Di ko alam kung tinest nila. Kung kulay green ang ihi ko baka nag-positive ako.

Second stop namin: Andon na kami sa LTO Office--Land Transportation Office Office. Fill-up lang ng form tapos, tunganga na. Ang daming tao. Andon din ang dalawang kasamahan ko sa simbahan na kumukha din ng lisensya. Sa wakas, mula ng umalis ako sa bahay, napangiti din ako. Nakakita din ako ng kakilala. Kung umalis ka sa bahay kasama ang kakilala ng kakilala ng mami mo eh matututo ka rin na ngumiti kapag nakakita ka ng kakilala. Bale, parang canteen ang lugar na yun. Maingay pero walang radyo. Mausok dahil puro sigarilyo. Pero ayos lang. Umupo na rin ako dahil may kakilala ako dun.

Pero siyempre, hindi nagtatagal ang masasayang tagpo sa isang telenobela. Sandali lang sila dahil tapos na sila. Nakuha na nila ang kanilang mga banal na lisensya (oo, 'mga' dahil dalawa ang hinintay nilang lisensya). Naiwan uli ako na kaharap si 'brand new 3rd degree fwend'. Maya-maya lang may bago na uling challenge. Inihabilin niya ako sa kakilala niya. Hmmm... Nakakarami na ako. 4th degree friend na ito kaya simangot na ang mukha ko.

Tulala kami ng bagong kaibigan ko. Nung iniwan na kami, tsaka ko lang napansin na mukha palang magsasaka ang pinaghabilinan sakin na tinatawag niyang "BONG" (Oops, nabastos ang pangalan ng kaibigan ko). Di rin nagtagal ang aming relasyon. Pero siya ang dabest. Iniwan niya ako pero hindi ako ni-refer sa kahit kanino. Hintayin ko nalang daw ang pangalan ko.

Very good. Para akong pusang iniligaw. At uto-uto naman ako dahil sumama ako sa mga hindi ko kakilala. Nagsisisi na ako kung bakit ako kumuha ng student's permit na yan. Wala akong nagawa kundi umupo at maghintay na tawagin ang pangalan ko.

Sa pag-upo ko, nagmamasid lang ako. Wala naman akong dalang gitara o gripmaster. Nakakatakot naman maglabas ng cellphone dahil baka mapahamak lang ako. Napansin ko na bago lang pala ang opisina na yun. May mga construction workers pa nga na naninigarilyo habang naglalagari ng plywood. Doble usok tuloy. Isa nga sa mga trabahador dun eh nakasuot ng shorts na "PINOY BIG BROTHER." Hindi ko matanto kung bakit ginawang shorts ang "PINOY BIG BROTHER". Sino ba si Big Brother para ilagay sa salawal? Andami kong naisip tungkol diyan noong mga panahong yun dahil batong-bato na ako. Pero kapag natutulala na ako, pinipilit kong gumising dahil baka tinatawag na ang pangalan ko.

Para kaming nasa graduation ceremony. Pagkatawag ng pangalan eh todo ngiti. Yun nga lang walang pumapalak-pak at walang sampaguita sa leeg. Tulad din nila ako nung tinawag ang pangalan ko. Yun nga lang eh pinagtripan ang pangalan ko. "JOHN CEDRICK GARSHA!!!" Naka-ilang tawag din siya bago ako natauhang maaring natanga lang ang lalaking yun kaya ako natawag na "Cedrick" at "Garsha".

GAR-SI-YA. GAR-SHA.
SED-RIK. KLA-RENS.

Walang sense. Ang alam ko inayos ko naman ang sulat ko. Pero ayun na nga. Pumunta ako para tanungin kung ako yun. Galit pa si manong nung tanungin ko kung baka "Clarence" at hindi "Cedrick" ang kailangan niya. "EH ANLABO NG SULAT MO EH". Hmmm... Mainit ulo. Baka natatae. Pero pinilit ko paring ngumiti dahil kailangan akong kuhanan ng litrato.

CLICK!

Nag-flash na. Tapos na. Tapos sabi niya sakin. "PIRMA". Blackboard ang nasa likuran ko nung kinuhanan ako ng litrato. Akala ko doon ako pipirma. Naglabas na ako ng bolpen at tumalikod. Sabi niya: "DITO". Habang tumuturo sa window na walang papel. Naka-limang beses din siya bago ko naisip na digital na rin pala ang LTO. May "Signature Gem" doon. Bale pipirma ako sa hangin. Imbisibol ink. Tipid nga naman. Matapos pumirma. Nanliit ako. Feeling ko antanga ko dahil sa blackboard ako pipirma. Hindi pala mali ang feeling ko.

Inabutan na ako ng lunch break. YEHEY! Isang oras na naman sa paghihintay ko. Hanep nga naman oh. Pero hindi ako naglunch. Naalala ko tuloy na nag-iisa nalang ako. Naalala ko rin na kailangan ko pala uling hintayin ang pagtawag kay "John Cedrick Garsha".

Hanggang dito nlang muna. Tsaka ko na ikukuwento yung iba. Ewan ko kung maalala ko pang ikwento. O kaya tanungin niyo nalang ako kung magkita tayo.

At dito nagtatapos ang LTO Part 1. Bow.

(Part 1 palang pang-marathon na)

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Nars

Jan. 18th, 2006 | 11:36 pm
Music: Train - Drops Of Jupiter

Nung bata ako, babae lang dapat ang mga nurse. Ngayon, pati kapatid kong si Patrick Garcia eh nangangarap na ring maging isang ganap na nurse. Naniniwala akong ang dahilan parin nito ay dahil sa makapangyarihang "USO" na siyang nagdidikta kung alin ang jologs at hindi.

Pano mo malalaman kung ikaw ay isang ganap na nars? Eto ang checklist ni Clarence:

  • Hindi masakit ang injection. Para mabawasan ang sakit ng injection (kung meron man), dapat kang mag-injection ng anesthesia. Para mabawasan ang sakit ng injection dulot ng paglalagay ng anesthesia, dapat kang magturok ng injection. Para di maging masakit ang pagturok ng injection na yun, dapat magturok ka uli ng isa pang injection. Dapat alam mo na ang gagawin para di maging masakit ang huling injection na yun. Kung may naging problema, balik ka uli sa step 1. Kung naniniwala ka dito, nars ka nga.
  • Mas mahalagang malaman ang blood pressure, body temperature, at pulse rate, kaysa malaman kung ano ang "Law of Sine and Cosines", "Integration by parts", at derivative ng f(x)=x+3y+2. Kung yan ang paniniwala mo, nars ka nga.
  • Hindi jargon ang mga salitang "pneumonuetra microscopic chuchugamusi", at "otorhinolaryngologic". Canis Familiaris ang tawag mo sa aso. Kung tumutukoy sayo ang mga nabanggit ko, nars ka nga.
  • Ang LRT2A ay isang malaking school service na nasa riles. Kung yan ang paniniwala mo--wala lang.
  • Puti ay isang sagradong kulay at dapat hindi ginagamit na pang-vandal sa mga pintuan ng kubeta. Sa halip, dapat ginagawa itong uniform o kaya pantakip sa kama. Kung yan ang paniniwala mo, nars ka nga.
  • Mas mataas ang dolyar kesa sa piso. Malaki ang kikitain mo sa ibang bansa. Maliit ang kikitain mo dito kahit na mag-escort service ka pa. Kung yan ang paniniwala mo, nars ka nga.
  • Ang calculator ay ginagamit para pang-bilang ng blood pressure at pang-check kung tama nga ang computation mo sa F.L.A.M.E.S.. Kung ikaw yun, nars ka nga.
  • Ang tao ay galing sa unggoy. May buntot ka pero tinatago mo lang. Marunong kang kumain ng kuto, at ang pag-akyat ng puno ay hindi mahirap para sayo kahit naka-high-heels ka. Kung naniniwala ka dun, unggoy ka at hindi nars.

Di naman ako galit sa nars. Okay nga ang mga nars eh. Ang gaganda lalo na pag nasa LRT2. Hehehe. Ayaw ko lang talaga ng injection. Na-o-OP kasi ako sa mga kwentuhan ng mga nars na kakilala ko. Kaya eto, gumawa ako ng sarili kong kwento para hindi na ma-OP.

Sa mga nars na papatay sakin, pakigamot nalang po ako. Maraming salamat.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

New Year's Resolution

Jan. 18th, 2006 | 11:02 pm
Music: Van Halen - Jump

Eh ano naman ngayon kung late ang New Year's Resolution ko? Basta ito ang gusto ko ngayong taon:

  • Babawasan ko ng konting-konting-konting-konti ang aking katamaran.
  • Magbabasa pa ako ng maraming libro.
  • Magdodobol time sa pagpapractice ng gitara.
  • Mag-iipon ng todo.
  • Babawasan ang pagkain dahil sabi nila eh tumataba na daw ako.
  • Babawasan ko na ang panlalait.
  • Susumpain ko pa lalo ang mga "Yo nigga".
  • Kakabisaduhin ko na ang panatang makabayan.
  • Gagawa pa ng mas maraming blog entries.
  • Hinding hindi na uli ako magbabasa ng Horoscope.
  • Magcocomment na ako sa mga blog ng mga kaibigan ko.
  • Hindi ko na iwawala ang ballpen ko.
  • Minsan na lang ako manghihiram ng ballpen
  • Iingatan ko na ang binder ko.
  • Hindi na ako magpapaiyak ng mga nilalang na may damdamin sa mundo.
  • Kokopya na ako ng notes KAPAG KAILANGAN.
  • Tuturuan ko daw si Kath sa gitara at sa physics--kahit na physics lang talaga ang kailangan niya.
  • Tutuparin ang New Year's Resolution na ginawa.
  • Aagahan ang paggawa ng New Year's Resolution para sa susunod na taon.

Sakto sana sa Chinese New Year eh. Pero naatat na akong magpost dahil kawawa naman ako.

Naniniwala ako na hindi naman talaga kailangan na gumawa niyan eh. Kailangan mo pa bang hintayin ang pagdating ng bagong taon para ingatan ang ballpen mo? Ngayon sigurado, iniisip mo kung bakit pa ako gumawa niyan. Ang sagot doon ay dahil: "USO". Alam mo naman tayo, laging nakiki-uso--at dahil uso ang kanta ni Manny Pacquiao, dapat ka ring maki-uso.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Pelikulahan

Nov. 22nd, 2005 | 09:31 pm
Music: Allan Holdsworth - Metal Fatigue

Bihira akong pumunta sa sinehan. Di ko maalala kung Beauty and the Beast o Lion King ang huli kong napanood. Ngayon ko lang nalaman na ang dami na palang nagbago sa mga movie house ng Pinas ngayon.

Eto ang ilan sa mga dapat nating tandaan kapag nasa sinehan:

  • Kahit na "X-Men" ang palabas, wag mong isiping ikaw si "Cyclops." Tanggalin mo ang shades mo dahil madilim doon.
  • Hindi nangangahulugang 15 mins. lang ang pelikulang "2 Fast 2 Furious".
  • Hindi welcome ang mga alaga mo sa sinehan kahit na "Lion King" ang palabas.
  • Ang "Restroom" ay nasa labas, pero walang magagalit kung sa "Fire Exit" ka ji-jingle basta walang makakakita.
  • Ang ticket ay hindi libre.
  • Dalawang klase ang ticket: Premiere at Deluxe
  • Hindi lang tuwing premiere night available ang premiere tickets.
  • Hindi pwedeng kandungin mo ang kasama mo para isang ticket lang kayo.
  • Sa lahat ng sinehan ay may mga #@$%& na mga taong tatlong beses ng inulit ang pelikula at kinukuwento ang mga susunod na pangyayari para masira ang thrill mo.
  • Wag magsama ng kaibigang bulag sa sinehan. Mauubos lang ang oras mo kakakwento sa kanya ng mga nakikita mo sa pelikula. Bukod pa dun, baka di niya makita ang lalakaran niya dahil madilim.
  • Hindi libre ang popcorn.
  • Jologs lang ang nagbabaon sa sinehan ng mga home-made foods.
  • Mas jologs ang magbabaon ng kanin.
  • Pinakajologs ang magbabaon ng kanin at may ulam na sinigang.
  • Mas mahal ang pagkain sa snack bar na malapit sa sinehan.
  • Walang discount ang estudyante kapag bibili ng ticket o snacks.
  • Kapag cheese popcorn ang kinakain mo, magiging kulay orange ang puting t-shirt mo.
  • Tandaan mo kung saan mo nilagay ang soda (sopdrinx) mo. Hindi makakabuti kung maiinom mo ang adobo juice ng katabi mo.
  • Bukod sa mga security guard, wala nang dapat magdala ng flash light sa loob ng sinehan.
  • Hindi mo magagamit sa sinehan ang kandila mo.
  • Huwag ka nang umasa sa lighter. Hindi ito concert.
  • Hindi pwede sa lahat ng sinehan ang take 2 sa pelikula. Wag kang magagalit kung papaalisin ka dahil good for one screening lang ang ticket mo.
  • Wag magpumilit na manood ng "Gamitan" at "Patikim ng Pinya" kung hindi ka pa daisy otso.
  • Hindi romantic film ang tawag sa dalawang palabas na nabanggit kanina.
  • Walang remote control sa sinehan. Pasensyahan nalang kung di mo marinig.
  • Hindi ka makakakuha ng refund kahit na hindi mo napanood ang pelikula dahil sa malaki ang ulo ng tao sa harap mo.
  • Walang refund kung di mo narinig ang mga dialouge dahil nasira ang hearing aide mo.
  • Walang refund kung nakatayo ka lang buong pelikula.
  • Wala talagang refund kahit anong mangyari.
  • Hindi sa "Fire Exit" ang labasan kapag tapos na ang pelikula. Ngunit wala namang pipigil sayo kung gagawin mo yun.
  • Hindi mo mapipili ang katabi mo.
  • Pwedeng matulog sa sinehan kahit may kasama ka. Wag kang magtaka kung iba na ang katabi mo pag-gising mo.
  • May inilalagay na stamp ang mga guard sa'yo kung saka-sakaling gusto mo pang bumalik. Parang ticket yan. Hindi yan ang tatak ng 666 o demonyo kahit na pinanonood mo ang "The Devil's Advocate".
  • Iwasan ang panonood ng comedy sa sinehan kung malakas kang tumawa. Lalo na kung ang tawa mo ay "Wakokoko!"
  • Hindi required na tumayo kapag inaawit ang pambansang awit ng Pilinas. Hindi parte ng Pinas ang lugar na yun. Nasa Middle Earth ka sa loob ng sinehan.
  • Kung ikaw ay matatakutin, ingat ka lang sa brasong hahablutin o kakalmutin mo. Baka braso yan ng katabi mong walang ulo at hinliliit sa paa.
  • Pwedeng panoorin ng mga matatanda ang palabas na Snow White, Robots, at Power Rangers.
  • Iwasan ang pagpunta sa Restroom dahil baka di mo mapanood ang climax at ang mahabang kissing scene.
  • Tandaan na kung may na-miss ka sa pelikula, mapapanood mo rin ito sa TV Premiere nito.
  • Mas nauuna pa ang pekeng DVD (dibidi) kaysa sa sinehan.
  • Walang "Friendster the Movie".

So ngayon, alam mo na. Tayo nang manood ng: Sineskwela The Movie, Batang X 2, at Hari ng Sablay.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Ang gwapo mo

Nov. 16th, 2005 | 02:28 pm
Music: Steve Vai - Ballerina

"Tall, dark, and handsome." Hmmm... Ako naman eh "small, dark, and troublesome." Malas nga naman oh, laos na pala ang "dark" na yan. Sayang, dun lang ako tumama eh.

Sino ba ang bayaning nakaimbento ng makapangyarihang papaya soap? San kaya niya unang ginamit ang sabon na yun? Hmmm... Di ko alam kung ang nag-inspire sa kanya ay ang maitim niyang singit o kili-kili ng kanyang asawa. Di ko alam. Wala akong alam tungkol diyan. Tatanungin ko nalang si Mr. Google mamaya.

Napanood ko ang isang commercial kanina. Pinopromote niya na dapat daw eh maging maputi ang mga kalalakihan para masabing gwapo. Dapat daw dumikit sa mga maiitim na bagay, mag-donate ng dugo, blah blah. Noon palang eh may commercial na ang "Hiyas Papaya" na iniinterview ang isang
lalaki na gumagamit ng produkto nila.Di lang pala mga bading ang interesado sa pagpapakinis at pagpapaputi ng kutis. Malapit na nga talagang magunaw ang mundo. Malapit nang maubos ang mga papaya sa mundo. Malapit na ring malugi ang mga nagbebenta ng astringent.

Ano ba ang mga magagandang produkto na magagawa sa papaya extracts? Sa tingin ko papatok ang mga ito:

  • Papaya shampoo. Para sa mga kalbo ang produktong ito. Para pumuti ang scalp ninyo sa matiwasay na pamamaraan. Kung long hair ka di kita ang scalp mo. Kung maiibento ito, siguradong matatalo ang sikat na shampoo ng kabayo.
  • Papaya toothpaste. Para pumuti ang ngipin mo. Okay to dahil hindi mo na kailangan na magtoothbrush ng twice a day. Garantisado ang pagputi ng mga ngipin mo, yun nga lang, dahil papaya ang ilalagay mo sa ngipin, kailangan mo ring magcolgate agad. Kung maiibento ito, siguradong may bagong commercial na si Dingdong Dantes. Mas patok yun sa "I'm such a chocoholic".
  • Papaya mouthwash. Ito ang magandang complement para sa papaya toothpaste mo. Lasang papaya talaga. Di lang yun, puputi pa ang mga labi at ngipin mo. Kung maiimbento ito, siguradong mas papatok to kesa sa "Listerine" dahil sa pwede rin itong inumin pagkatapos gamitin.
  • Papaya deodorant. Di ka na mag-aamoy durian sa tulong ng Papaya deodorant. 100% confidence talaga. At dahil may makapangyarihang papaya extracts ito, di ka na mahihiyang magsuot ng sleeveless--kapag nagtaas ka ng kamay para magrecite, siguradong masisilaw ang mga kaklase mo. Kung maiibento ito, siguradong confident ka sa "First Day Funk".
  • Papaya shaving cream. Ito ay para sa lahat ng mga machong bigotilyo at mga babaeng di maipaliwanag kung bakit may bigote. Bukod sa masarap ipang-ahit, siguradong maputi ang iiwan nitong balat. Mr. Suave ka pagkatapos mong gamitin ito. Kung maiibento ito, di siguradong magiging mabenta ito dahil bihira lang naman talaga ang gumagamit ng shaving cream. Pero dahil gawa sa papaya ito, papatok din.

Hindi na kaya ng powers at konsensya ko ang gumawa ng write-up tungkol sa Papaya weight reduction pills, Papaya feminine wash at Papaya rubbing alcohol.

So, sa tingin mo gwapo ka? Think again. Iba na ang sukatan ng kagwapuhan ngayon: mayaman, magaling sumayaw, matipuno, mabango, at maputi.

P.S.: Hindi ako insecure sa mga lalaking mapuputi. Hindi rin ako gumagamit ng papaya soap kahit na meron dito sa bahay noon. Hindi rin ako defensive. Kontento na ako sa itsura ko ngayon kahit na "small, dark, and troublesome" ako. Hindi rin ako gwapo.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Ideal date

Nov. 13th, 2005 | 09:03 pm
Music: Symphony X - Communion And The Oracle

Dito lang yata sa Pilipinas yun eh. Pinaghalong "Anniversary" at "Month".

Ang tanong ng maraming babae ay "Kailan ko ba siya sasagutin?". Malay ko at pakialam ko kay "siya" dahil hindi ko siya kilala. Pero laging tandaan na lahat ay nakadepende sa mga bilang at numero. Hindi numerology ang tinutukoy ko. Kung meron mang mga bilang na isipin, ito ay yung date mismo na sasagutin mo ang manliligaw mo. Dapat mong isipin yun ng mabuti dahil ang number na yun ang ilalagay mo sa email address mo, display name mo sa Friendster, sa pirma mo, badge para sa bag mo, magiging favorite number mo, atbp. Siyempre yun din ang monthsary ninyo.

Ipinapakita lang na empowered talaga ang kababaihan. Nasa kanila lang ang desisyon ng pagkakaroon ng mahiwagang monthsary na yan.

Heto ang ilang tips kung paano ka mamimili ng araw na sasagutin mo ang manliligaw mo:

  • Tandaan lagi na iwasan ang number na 30 at 31. Wala akong pakialam kung malas ang dalawang bilang na yun. Ang dahilan ay simple lang: May ilang buwan na walang 31 at tuwing February naman ay walang 30 at 31. Ibig sabihin, walang monthsary. Simple lang diba?
  • Kung iiwasan mo ang 30 at 31, lalong iwasan mo ang date na February 29. Bagamat may monthsary kayo palagi, every 4 years lang ang anniversary niyo. Malas mo dahil tuwing anniversary nagbibigay ng mga mahiwagang regalo ang mga lalaki.
  • Piliin ang araw na 1,2,14,15,16,17 at 18. Kung nagtatrabaho ang mga boypren ninyo, alam mo na ang ibig sabihin ng mga araw na yan. Diyan binibigay ang sweldo. Kung nataon sa mga araw na yan ang monthsary ninyo, swerte ka dahil wala siyang dahilan para mawalan ng pera. Depende na lang kung nagka-SARS ang buong pamilya niya, nagka-Bird Flu ang bird niya, natalo siya sa Jueteng, nawala niya ang wallet niya, o dahil naubos niya pang-regalo dahil monthsary din ng isang gelpren niya.

Isa pa nga pala, hindi monito monita ang pagbibigay ng regalo sa monthsary. Kaya hindi ka obligadong magbigay ng something sweet, something slimy, at something special sa boypren mo. Santa Claus dapat ang boypren mo. Tama na yung siya lang ang nagbibigay. Ilibre mo na rin siya ng fishball kung may natira kang pera.

Siguro naman medyo nakatulong ang ibinahagi ko sa inyo. Well, sa tingin ko hindi. Ang pagkakaalam ko eh puro mga kalalakihan ang nagbabasa ng blog ko eh. Depende nalang kung... isa kang... nagpapaligaw ka sa mga bading. @#!&*^# ka!!! Lumayas ka sa blog ko!!!

P.S.: Hindi ko sinulat to dahil monthsary namin blah blah, chuvachuchu, chaka doll, etc. Ito'y dahil sa 'wala lang'. Tandaan mo yan. 'Wala lang'. Isa pa: 'Wala lang'.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Viewtiful

Oct. 1st, 2005 | 11:19 pm
Music: Dream Theater - Surrounded

Tinanong ng kaibigan ko dati. Sabi niya, "Ano ang gusto mo? Yung babeng pangit na matalino o yung babaeng maganda pero bobo?"

Ang sabi ko, mas gusto ko yung maganda kahit bobo. Yung pangit na matalino, pwedeng yumaman dahil sa katalinuhan, at sa ngalan ng siyensiya, maari siyang maging maganda. Pero iba parin ang beauty na sadyang natural. Sa kabilang dako naman, ang maganda na bobo, pwede pang turuan para maging matalino. Kung ang aso marunong mag-"roll-over" at "play dead", siguradong matuto rin yung ng 54,994,123 x 15,216,987 at nang Law of Sines and Cosines.

Ako naniniwala na merong 7 na klase ng kagandahan. Ito ay ayon sa mata ni Clarence at ng mga kaklase niya sa section EK. Ito ay tungkol lamang sa mga babae (walang paki-alan si Clarence kung gwapo man o hindi si Jerry Yan). Here it goes:

  • Talikodgenic. Ito yung mga babaeng kapag nakatalikod eh maganda, ngunit kapag humarap mas gwapo pa sa'yo (hindi bakla ang tinutukoy ko). Ang gandang tignan ng mahabang buhok nila at nang pananamit nila kapag nakatalikod. Kapag humarap lang talaga nakaka-disappoint. Sana "likod" nalang sila.
  • Technologenic. Oo, sila yung mga magaganda sa litrato o kaya sa Friendster. Pero iba naman ito sa mga models at artista. Eto yung mga taong mahuhusay gumamit ng Adobe Photoshop na kayang ilagay ang mukha nila sa katawan ng ibang tao (o aso). Pumuputi ang mga maiitim na gilagid, kumikinis ang kutis, nagkaka-korte ang sabog na kilay, pumuputi ang dilaw na ngipin. Pinagpupuyatan nila ang pag-eedit ng picture nila. Minsan pinupuyat nila ang ibang tao para mag-edit ng picture nila. Minsan nagbabayad sila ng ibang tao para pagpuyatan ang pag-eedit ng picture nila. Ginagawa nila ito para magkaroon ng maraming kaibigan sa Friendster na magbibigay sa kanila ng testimonial na: "FWEND KO 2!".
  • Japormagenic. Ito naman ang mga babae na dinadaan sa porma ang kagandahan. Mas importante sa kanila ang pagsusuot ng damit galing sa Girbaud o Guess, bag na United Colors of Benetton o Louis Vuitton, at sapatos na Lacoste o Diesel. Todo make-up sila at laging may perfume. Bawat saglit eh hawak-hawak ang face powder nila para mag-retouch. Maganda naman sila, pero yun eh kapag naka-ayos lang. Subukan mo silang tignan kapag bagong gising at siguradong makikita mo kung ano ang nakatago sa likod ng make-up. Hindi naman lahat ng mga japormagenic eh walang "inner beauty". Yun nga lang, dinadaan nila sa porma ang pagiging maganda. Ang mga konyo lamang na biniyayaan ng kapangyarihan ng piso ang nagiging japormagenic. Ang mga walang pambili na nangangarap na maging japormagenic ay kadalasang nagiging "japormajologs."
  • Tonogenic. Ito ang mga nagkakaroon ng boyfriend dahil sa 24/7 Call and Text Unlimited ng Sun. Boses lang ang maganda. Boses lang ang nakakahalina. Kung anong ganda ng boses niya sa telepono, ganun din katindi ang haunting powers niya. Ipagdarasal mo nalang sana na naging "boses" nalang siya.
  • Tagogenic. Mga magagandang babae pero may mga tinatagong sikreto. Mayroong "Biggest Turn-Off" (Black Underarms) o kaya naman eh "Ultimate Turn-Off" (Di na ako magpapaligoy-ligoy pa--PUTOK). Sinisira ng mga dark secrets nila ang beauty nila--kasama na rin ang reputation nila. Nakakapanghinayang ang mga ganitong tao.
  • Ang-mga-gusto-ni-Clarence-genic. Mga simpleng babae lang. Confident pero hindi mayabang. Tama lang ang complexion. Di naman maporma pero tama lang ang porma. Confident sa beauty nila kaya di laging nag-reretouch. Maganda kapag nakatalikod at maganda kapag nakaharap. Maganda rin sa pictures dahil hindi mukhang aso. Endangered na ang mga katulad nila. Maraming kaaway ang mga may ganitong beauty dahil inaaway sila ng mga ibang babae na hindi biniyayaan nito.
  • Generic. Wala lang. Di naman pangit pero hindi rin naman maganda. Pangkaraniwang tao lang na makikita mo. Halos hindi mo mapansin dahil halos walang unique feature sa kanila.

Maaring merong babae na hindi ma-classify. Meron din sigurong under sa dalawang klase. Pero sa mata ni Clarence (at ng section EK) yan mga ang uri ng kagandahan.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Ang Miss Universe ng buhay ko

Sep. 30th, 2005 | 11:18 am
Music: Joe Satriani - If I Could Fly

Naku, may maipagyayabang na naman pala ang mga pinoy. Nanalo ang isa nating kababayan sa isang beauty pageant sa may Tokyo. Pero hindi lang ito basta basta beauty pageant. Miss International yata yun eh. Ewan ko. Hindi naman ako mahilig doon kaya di ko alam eh.

Hindi ako mahilig dahil wala akong paki-alam sa mga vital statistics ng babae. Hindi ko rin gustong marinig ang isang pinay na ipinanganak sa Manila na nagsasabi ng "Mabuhey!" para sa western accent. Ano naman ngayon kung may evening gown at swimsuit competition? Sadyang di ko lang hilig.

Halos lahat ng mga contestants doon eh isa lang naman lagi ang sagot sa kahit anong tanong. Kung tatanungin sila ng "What is the essence of being a woman?", pupusta ako na may sasagot ng "Uhmm... WORLD PEACE!" Kahit anong tanong laging konektado sa banal na world peace na yan. Kung tatanungin man ang contestant sa isang local pageant ng "Kung mapupunta ka sa ibang bansa, anong 'damo' ka at bakit?", siguradong may magagawa silang paraan para maihalo ang magic word na 'world peace' sa kanilang sagot. Ang mga tao naman eh makarinig lang ng world peace ay papalakpak na agad. Akala mo mga de-susing laruan na bigla-bigla nalang gumagana kapag nakarinig ng magic word na yun.

Q: So kinakabahan ka ba ngayong gabi?
A: Di po. Payapa po ako. Dahil gusto ko po ng world peace.
(Applause)

Nung August may napanood akong beauty pageant. Di ko alam kung beauty pageant talaga yun. Parang Ms. Gay 2005 yung pinanonood ko eh. Paiklian yata ng damit ang labanan nila. Sa mga lalaki naman, pakapalan yata ng make-up at payabangan sa paglalakad.

Noon, nalaman ko na pati pala ang mga lalaki eh gusto na ring rumampa at magpapogi. Kanya kanyang mga gimik ang mga kalahok. May isa nga na nagdala pa ng buhay na manok na nakatali sa kanyang kamay. Well, in lieu with 'Linggo ng Wika' kasi yung mini-pageant nila. Pero hindi ko maintindihan kung bakit may manok pa siyang nakatali. Kawawa ang manok. Nakapatiwarik na nakasabit sa kamay niya gamit ang isang di kahabaan na pisi. Habang naglalakad, parang pendulum naman itong gumagalaw. Minsan tumatama pa ang ulo niya sa tuhod nung contestant. Ang masasabi ko lang ay "Nonsense". Bagay na bagay ba ang porma niya sa theme nilang "Wika: Hiyas na lahi"? Kung kinain niya nalang ng buhay ang manok na yun baka pinalakpakan ko pa siya. Pero yun ay 'baka' lang.

Habang tumatagal eh bumababa na ang value ng entertainment sa Pilipinas. Ngayon eh kahit mga lalaki eh nakikinood sa mga Ms. Gay. Hmm... Pero baka nagkakamali lang ako dahil baka kasali rin sila.

Halos lahat eh handang magpa-sexy para lang makuha ang koronang gawa sa brass, trophy na may dalawang lawin sa gilid, at P200.00 Gift Certificate sa Starbucks (Good for 1 Item only). Yung iba naman eh ang sinasabi nila, gagamitin daw nila ang pera na mapapanalunan para bumili ng: World Peace.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Akin na ang wallet mo

Sep. 29th, 2005 | 10:36 pm
Music: Eric Johnson - When The Sun Meets The Sky

Ito medyo seryosong kwento. Noong ika-11 ng Hunyo nitong taon, naholdap ako at ang bestfriend kong si Fay. Hindi ko makakalimutan ang date dahil "Indepence Day" kinabukasan.

Pupunta kami dapat ng Tomas Morato. Ihahatid ko si Fay sa isa sa mga rehearsals niya dahil may sakit ang mommy niya kaya hindi siya maipag-da-drive. Maaga pa lang eh pumunta na ako sa may Manila East Medical Center sa may Tikling. Malapit lang samin dahil isang sakay lang. 7:20 am andoon na ako kahit na alam kong ang call time nila sa pupuntahan namin ay 9:00 am.

Ayos! Maaga akong dumating. Konting usapan lang kami ng mommy niya at ayun, lumayas na agad kami. Ang target namin ay ang makasakay sa isang FX na biyahe ng Cubao Aurora. Naghintay kami.

1 minuto

3 minuto

7 minuto

Nainip na kami. Hindi na namin gusto pang maghintay. Sinabi ko sa kanya na sumakay nalang kami sa Cubao Ali-Mall na FX dahil yun ang laging dumadaan. Umayon naman siya. Noonnatutunan ko na ang mainip ay isang malaking pagkakamali.

Weird dahil ako ang nagbukas ng pinto ng FX at ako rin ang unang sumakay. Napaka-gentleman ko naman. Kung titignan mo ang pwesto namin, parang pinagbuksan ako ng kaibigan ko ng pinto. Sa harap kasi kami pumwesto. Kami ang unang dalawang pasahero ng FX pero ilang saglit lang eh meron na ding ibang sumakay. 6 na kami sa FX kasama ang driver nito. Masaya naman ang biyahe. Pinag-uusapan pa nga namin ang pagiging gentleman ko eh.

Nagsakay uli ang driver namin ng 2 tao. Tao sila at hindi pasahero. Sa bawal nagsakay si manong driver. Nilapitan pa nga kami ng isang traffic enforcer at sabi "Bossing, bawal hong magsakay diyan. May pila po tayo." Pero parang wala siyang narinig at hinintay na makasakay ang dalawa.

Maya-maya lang action na. "Walang magpapanic! Akin na ang mga gamit niyo. Sa harap lang ang tingin." Pero parang wala kaming narinig. Nagkukuwentuhan parin kami. Pero bigla nalang kaming naalarma nung inulit niya ang announcement niya. Ayos! Harvest time na pala.

Sa may gilid na upuan sa 2nd row nakaupo ang holdaper. Ang teammate niya naman eh naka-pwesto sa likod kung saan wala siyang katabi. Pangit at formation nilang dalawa dahil lugi ang isa.

Hinihingi ang mga gamit namin. Bakit ko nga naman ibibigay? Nagtatapang-tapangan pa nga ako eh. Nakita ko na may baril ang kalaban. Kulay itim. Mukhang totoo. Swerte ko dahil meron akong bag. Doble pa ang swerte ko dahil nakalagay ang cellphone ko sa bag. Triple ang swerte ko dahil hawak-hawak ko ang GripMaster ko. Kailangan kong maging matapang dahil babae ang kasama ko.

Wow, turn na pala naming dalawa sa harap. Na-appreciate ko ang pagiging gentleman ko bigla. May dahilan pala kung bakit ako ang nakaupo katabi nong driver. Ang ulo ng kaibigan ko ay natatakpan ng sandalan ng upuan. Hindi siya ang natutukan ng baril. Ako naman, exposed. Konting kiliti lang eh baka tumutulo na ang dugo sa bumbunan ko.

"Akin na ang cellphone mo" sabi ng holdaper na parang may ipinatagong cellphone sakin.

"Wala akong cellphone eh. Ito nalang kunin mo." Habang sinasabi ko yun, ibinibigay ko ang pinaglalaruan kong GripMaster. Nakaharap na ako sa holdaper.

"Oh tingin sa harap. Tingin sa harap! Wallet. Wallet." Habang pinipilit akong ilingon gamit ang baril niya. Ang kaibigan ko naman eh todo ang kapit sakin. Ligtas na ang cellphone ko. Ang yabang ko.

"Yung laman nalang ng wallet dahil maraming cards dito eh." Nanlamig ako nung sinabi ko yung 'cards' dahil baka isipin niya credit card pa kaya lalong pag-iinteresan ang wallet ko. Kaya ko lang naman yun sinabi dahil sa may mga ID akong importante doon.

Hindi sumagot ang driver hanggang inabot ko yung pera ko. Pero dahil ayaw kong malamangan, nagtago ako ng P100.00 sa loob. "Wag kang magtitira!" Galit niyang sinabi.

Ako naman, lumingon sa kanya at sinabing, "Eh kailangan kong umuwi eh!" Galit din ang boses ko. Parang nanghahamon na barilin niya ako.

Si manong holdaper, ay matalino kaya sinabi nalang niya, "Tingin sa harap" sabay batok sa akin.

Tapos na ang turn ko kaya turn na ni Fay. Sinubukan niya ring wag ibigay ang cellphone niya. Pero huli agad. Itinuro pa nga niya gamit yung baril ang nakabakat na cellphone ng kaibigan ko. Huli. Bigay agad. Wala nang tanong. Actually, inihahanda na nga ni Fay ang pera niya para ibigay sa holdaper pero hindi nito hiningi.

Tapos na ang harvest time. Oras na para bumalik sa headquarters at paghati-hatian ang mga inani. Sinabihan yung driver na, "Wag kayong titigil. Kung hindi papatayin namin kayo." Noong makarating sa may Valley Golf, sinabi noong holdaper na "O yung sawa na sa buhay, bumaba." Bumaba na yung dalawang holdaper. Nalaman ko ring wala kaming kasama sa FX na sawa na sa buhay.

Sinabi ng mga pasehero na magreport kami sa pulis at ang reaksyon ng driver ay: "Ah? O... Oo. Sige..." Sabay U-turn.

Ayun, isang traffic enforcer ang kinausap nila. Konting tanong lang. Wala pa ngang 5-mins eh. Habang yung iba naman ang tinatanong, inilabas ko na ang cellphone kong naligtas. Nagtetext na ako sa mommy ko. Habang nagtetext ako, ang sama ng tingin ng ibang pasahero sa akin. Halos lahat kasi nag-iiyakan eh. Nakuha lahat sa kanila. Pati bag. Yung isa nga eh kakauwi pa lang galing abroad. Hindi ko pa nga nasasabihan ng "Mabuhay! I'm proud to be a Filipino eh."

Hindi pa kami nakakalayo sa hospital. Nagdesisyon kami na bumalik nalang ng hospital at huwag nang tumuloy sa biyahe. Nawalan siya ng cellphone at ako ay nawalan naman ng P300.00. Muntik na din akong mawalan ng buhay.

Sa biyahe namin. Halos lahat ng pangit eh pinagdidiskitahan agad naming holdaper. Noong pauwi na din kami, naramdaman ko bigla ang kaba. Naisip ko, eh paano kung pumutok ang baril? Nasa harap ko mismo ang baril eh. Magiging sikat ako dahil mailalagay ko ang pangalan ko sa dyaryo. "Binata binaril dahil ayaw ibigay ang cellphone!" katabi ng "Scorpio: Makakabasa ka ng panghuhula sa dyaryo ngayon."

Napag-alaman namin na halos lahat ng mga holdapan doon ay ganoon palagi. Sangkot ang driver at bumababa ang holdaper sa may Valley Golf ang drop-off. Nalaman ko din na ang gamit na baril ay .38 Caliber. Si Fay kasi ay marunong kumilatis ng baril dahil sa nag-aral siya nag-gun firing siya dati. Sabi pa nga niya, ang bala noon ay 7. Bale, sakto sa aming lahat sa FX--kasama yung kasama niya at yung driver.

Matagal na itong nangyari. Naalala ko pa lahat. Isinulat ko ito dahil sa, noong isang buwan naman, nakakita ako ng isang babae na karga-karga ang anak habang tinututukan ng baril ng 2 tao sa may Proj. 8 Q.C. Umaga noon. Parang ganong oras din nung naholdap kami. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Actually, ngayon kinakabahan pa rin ako.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Hulaan mo

Sep. 29th, 2005 | 05:08 pm
Music: Paul Gilbert - Scarified

Fortune telling. Paborito ito ng mga pinoy. Sa mga palabas nga sa umaga, may segment pa sila para sa lahat ng Zodiac signs. Parang pinapakabisado sa mga nanonood ang lahat ng 12 na Zodiac signs.

Pero kung papansinin mo yung mga hula na mababasa mo, parang wala namang sense. "Virgo: Maging maingat sa iyong mga sasabihin. Maaring may masaktan ka sa mga salita mo."

Kailangan pa bang maging Virgo ka para gawin mo ang mga bagay na yun? Dapat eh lagi ka naman talagang mag-ingat sa mga sasabihin mo eh. Lalong hindi mo na dapat kailangan ng kumag na palabas sa TV para lang paalalahanan kang kailangan mong mag-ingat sa mga sasabihin.

Gaguhan lang ang panghuhula. Eto mga samples oh:
  • Taurus: Makakabasa ka ngayon ng daryo na may panghuhula tungkol sa'yo. Pero wag kang maniniwala dahil hindi ito matutupad.
  • Capricorn: Makakabasa ka ng bulok ng blog ngayong araw na to.
  • Libra: Gagastos ka ng P7.50 kapag sumakay ka ng jeep.

Kung epektib ang mga panghuhula, dapat wala nang silbi ang PAGASA. Hulaan nalang sana nila ang panahon. Kung epektib ang panghuhula, dapat sila ang may pinakamataas na sagot sa multiple choice na exam. Kung epektib ang panghuhula, dapat hindi na sila magtatanong ng "Sino po sila?" sa telepono. Kung epektib ang panghuhula, dapat tumaya na sila sa lotto. Kung epektib ang panghuhula, dapat hindi ko na ginawa ang post na to.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Text mo naman ako

Sep. 23rd, 2005 | 04:09 pm
Music: Coldplay - Clocks

Matagal na rin akong subscriber ng Sun Cellular. Actually isa nga ako sa mga pioneer subscribers nila noong launch nila last 2003. First 100,000 daw kami. Ibig sabihin nun, kami ang unang 100,000 na pagpapraktisan ng mga delayed na messages, pagkawala ng signal, pagkawala na load atbp. Hanggang ngayon, yun parin ang number ko. Bulok na nga ang sim card ko eh.

Last year, October, nag-launch ang Sun Cellular ng pinakamalaking panira sa telecommunications industry--24/7 Call and Text Unlimited. Para sa mga kaibigan ko sa ibang bansa (si Justine at Bong lang naman talaga yun eh), ang service na yun eh pwede kang mag-text at tumawag ng unlimited sa iba pang Sun subscribers. Bale last year, P100.00 ay katumbas 10 days unlmited, at P250.00 ay 30 days naman. Saya nun diba?

Bago ang sila nag-launch ng ganun promo, halos konti palang ang subscribers nila. Feeling ko nga eh nabawasan yung first 100,000 nila eh. Parang dalawa nalang kami ng kaibigan ko na naka-Sun dahil sa 0.50c per text. Pero ngayon, waw, jologs na ang Sun. Ang daming akong natatanggap na mga msgs na "Can u b my txtm8?", kaya napipilitan tuloy akong magreply ng "Hudis?".

Dati, ang tingin ng mga tao sa nakikipag-telebabad sa mobile phone ay, "Wow ang yaman naman niya! Sana itinext nalang niya!" parang overseas call ang mobile phone calls; pero ngayon, "Wow ang jologs naman niya! Naka-Sun siya!" mas mura pa yata sa text ang per minute ng Sun eh. Dahil sa Sun 24/7, nakaka-benta na sila ngayon ng mga Headsets. Gusto kasi ng mga tao ngayon ang pakikipag-usap sa cellphone habang nasa harap ng pc at nag-uupdate ng blog eh.

Dahil unlimited din ang text, usong-uso ang mga jokes. Basta may marinig sa radyo na joke, isesend agad. Kahit gaano ka-korni, basta maka-send lang at masulit at malugi ang Sun. Minsan 5 times pang i-sesend sa'yo ang message sabay magtetext ng: "Sori wrongsnd"

Ang pinakamalaking kalokohan na umiikot sa Sun network ay ang mga chain messages. "I have no arms, legs and head. Pass this to 10 of your friends or you'll die tomorrow night. Don't ignore this! This is true! May naulila na!" Wow, paki-alam ko naman kung kulang ang bahagi ng katawan mo? Dapat sa "Kapwa ko Mahal ko" ka nagsesend ng ganyan. Pero ang nakakalungkot eh, ilan sa mga kaibigan ko eh nagsesend parin ng ganyan. Sheesh! Kung totoo ang mga messages na yun, bakit kahit isa man lang na case eh wala tayong narinig sa news na namatay dahil hindi nagtext? Ang katwiran naman nila eh dahil sa libre naman daw at walang mawawala. Well, nakaka-wala ng respeto sa sender ang mga ganung messages. Kaya kung mahal mo ang sarili mo at gusto mo ng konting dangal, please... wag kang magsend nun--lalo na sakin.

Nung March, nagulat ako dahil nagkaroon ng increase ang Sun 24/7 service. P100.00 ay 7 days nalang at P350.00 para sa 30 days. Ang laking adjustment nun sa budget. Akala ko kokonti nalang ang subscribers pero wa-epek. Dumami pa nga eh. Mas dumami pa ang nakikipag-usap sa kaibigan nila tungkol sa buhay ni Jolo Revilla habang nakasakay sila sa LRT.

Ngayon, hindi lang Sun ang may unlimited blah blah. Pati ang Smart, Globe, Touch Mobile, at Talk and Text meron na din. Nawawalan na kasi sila ng subscribers eh. Kaya ang panalo, tayong mga users, dahil kahit anong network may freebies! Haha!

Kung gusto mo akong maka-text, mag-Sun ka na rin. Kapag nag-Sun ka, libre konsumisyon, libre late messages, libre ang pagkawala ng signal, libre ang di ka makatext ng ilang araw. Iniisip ko nga kung naghihingalo na ang isa kong kapamilya at tumatawag sakin, eh nawala ang signal? Pano yun? Mamamatay nalang siya? Sinong sisisihin? Kung pwede lang sana eh merong:

text SIGNAL<space>ON and send to 2299

Pero wala naman nun eh. Kaya kung gusto mo ng maayos na buhay, wag kang mag-Sun. Or kung gusto mo ng maayos na buhay, wag mo akong i-text.

(Haayy... Ginawa ko ito habang nagluluto ng fries. Ngayon, kumakain ako ng sunog na fries dahil ginawa ko to. Sheesh!)

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Rakista

Sep. 6th, 2005 | 09:04 pm
Music: Audioslave - Be Yourself

"Rakista"... Hmmm... Masyado nang inabuso ang term na ito ng mga tinatawag "Poser"

Kelan lang naman nauso ang Rakista na yan eh. Parang tagalog version ng "Rocker". Sa bagay, naisip niyo na ba kung ano talaga ang tagalog ng Rocker? Dahil hindi maganda sa image ang tawaging "Mamababato", ginawa nilang Rakista. Gayun pa man, hindi nila sinunod kung paano 'namin' tinagalog ang Drummer--Tambolero.

Movement ang Rakista na ito. Anti-hip-hop sila pero Pro-Hale-Kitchie Nadal-at-Cueshe sila. Parang pareho pala sila. Wannabe bad boys naman kasi ang dalawang movement na yun.

Madaling hanapin ang mga Rakista. Maghanap ka lang ng isang pulutong ng mga naka-itim at ayun, Rakista na yun (Babala: Wag maghahanap sa sementeryo). Pero kung hindi ka ganung kahusay ito ang ilan sa mga palatandaan:

  • T-shirt na hapit na hapit. Kabaliktaran ito ng saranggola shirt ng mga hip-hop. At gaya nga ng sinabi ko kanina, kulay itim yun. Paborito nila yung shirt na may print ni Che Guevarra kahit na hindi nila alam kung sino at ano ang nagawa niya sa mundo.
  • Pants na hapit na hapit. Marahil ito ay isa mga ginagawa nila upang ipakitang anti-hip-hop sila. Kung gaano kaluwag ang pantalon ng hip-hop, ganun naman kasikip ang pantalon ng mga Rakista. Gayunpaman, pareho nilang tinatangkilik ang pag-gamit ng dog-chain na accessory sa pantalon. Nakakaloko lang ang pantalon ng mga Rakista dahil kahit na sobrang hapit eh, naka-law-law parin. Lagpas pwet na ang pantalon nila at ipinagmamalaki ang boxer shorts na suot-suot. Mas nakakapagtaka dahil, bagamat law-law ang pants nila, may suot parin silang belt na may metal studs. Kewl.
  • Chuck Taylor. Ito ang official shoes nila. Compulsary ito. Kasama sa registration fees na binabayaran nila para maging official na rakista. Sa grupo ng mga Rakista, makikita mo ang samo't saring kulay nito--kulang ang mga kulay na transparent, dirty black, ligh white, dark black, dark white etc.. Mas gusto nila na madumi at mukhang luma ang Chucks nila. Sa totoo lang, yung iba eh kinakaskas sa puno ang sapatos para lang magkaroon ng 'vintage-look' ang footwear nila.
  • Borloloy. Marami ito eh, dahil kasama na ang mga hikaw, shades, bracelets at kwintas nila. Napakarami nilang bracelets at kwintas. Akala mo agimat ang suot nila pero pampapogi daw yun. May mga dog leash pa nga sila eh. Kakatakot. Meron pa silang dalawang ultimate na borloloy na hindi nila nagagamit: Gitara (na kulang ang strings) at Skateboard (kahit hindi sila marunong mag-ollie). No comment nalang ako tungkol sa dalawang yun.

Gusto ng mga Rakista na maging madumi kaya siguro trasher ang tawag sa ilan sa kanila--or simply 'trash.'

Masyado nang marami ang mga katulad nila dahil sa kapangyarihan nila Kitchie Nadal, Hale, Spongecola, at Cueshe

Siya nga pala, hindi ako Rakista.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Hif-haf

Sep. 6th, 2005 | 07:56 pm
Music: Tori Amos - A Sorta Fairytale

Sa isang paa pa lang ng pantalon niya eh halos waistline mo na? Malaki ang T-shirt kahit pandak? Naka-shades sa loob ng sinehan? May malaking silver na kwintas? Puting rubber shoes? Jologs?

"Hey Nigga! Yo dawg, hip-hop yun. "

Haayy... Hindi na to uso pero ang mga loyalista ng hip-hop eh hanggang ngayon eh buhay parin. Maraming salamat kila Andrew E., Salbakuta at mga milyong-milyong jologs na todo suporta sa Dickies. Madalas silang makikita sa mga malls, at grupo-grupo sila kung lumakad. Mga negro boys din ang mga batang hip-hop, todo pa-cute, may perfume, at marami pang iba.

Ilan sa mga hip-hop zones ay:

  • Lahat ng outlet ng Dickies
  • CR ng malls kung saan sila nagpapa-pogi at nag-aayos ng buhok
  • Mga record bars at kunwari bibili ng Greatest Hits CD ng mga idolo nila
  • Mga eskwelahan especially tuwing christmas party
  • Sa labas ng Starbucks, may yosi pero walang kape sa kamay
  • Tindahan ng alahas kung saan sila humahanap ng tinatawag na... "Bling-bling"
  • Gigs ng "Salbakuta"
  • Mga rave parties sa Libis

Swerte mo kung kapitbahay mo eh hif-haf dahil sa bukod sa araw-araw mo siyang makikita, kailangan mo ring tiisin ang kanyang malakas na stereo na puro paboritong tunes niya.

Kung di mo alam ang istura ng hip-hop, kawawa ka naman. Pero wag kang mag-alala, madali lang naman silang makilala dahil iisa lang istura nila. Heto ang ilan sa mga palatandaan ng "Urban Wear" nila:

  • Ang sumbrero. Mas madalas eh suot nila ito. Ang paborito nila ay yung may "NY" na nakalagay. Ginagamit nila ito para takpan ang kalbo nilang ulo na walang laman.
  • Shades. Optional ito pero mas madalas eh suot nila ito. Nakakagulat dahil kahit sa loob ng sinehan eh di tinatanggal. Kahit na magkadapa-dapa pa sila, hindi parin dapat isuko ang isa sa mga palatandaan ng pagiging "Nigga".
  • Earrings. Minsan, "earring" lang dahil iisa lang ang suot nila. Ayaw kasi nila ng masyadong symmetrical. Marami sa kanila ang may hikaw. Meron ding "nosering" at "labi-ring" na nilalagay sa ilong, at sa labi, respectively. Sa totoo lang, hangarin ng bawat isang hif-haf na butasan ang tenga nila, ngunit yung iba ay masyado pang bata kaya di wala pang ginto sa tenga--mahirap nang paluin sa pwet ni Mami.
  • T-shirt na malaki. Di ko alam kung dahil ito sa pagtitipid kaya mga ginagamit nila ang mga pinaglumaan ni Kuya at ni Daddy. Required yata sa kanila na dapat lagpas sa siko ang manggas. Kung titignan mo sa malayo, para silang saranggola.
  • Ele-Pants. Siguro, kinuha ito sa sakit na Elephantiasis kung saan lumalaki ng doble ang mga binti ng biktima. Kasya ang ulo mo sa dulo ng isang paa ng pantalon. Halos hindi na makita ang sapatos nila, at minsan eh natatalisod pa sila dahil dito. Ang mga bulsa ng pantalon nila ay sobrang laki. Pwede kang mag-shop-lift ng 1.5 Litre na Coca-Cola sa pagbubulsa nito. Bukod sa napapalamutian ng mga burda, faded-washed-out-bleached, drawing atbp, hiniram din nila mula sa kultura ng mga Rockstars ang pag-gamit ng dog-chain. Yun nga lang, mukha silang chained-dog sa ginawa nila.
  • Sapatos na kulay pootee. Ewan ko ba kung bakit puti ang gusto nilang sapatos gayong "black" ang gusto nilang itawag sa kanila. Pero mas madalas eh puti ang sapatos nila. K-Swiss yata ang paborito o kaya yung Adidas Superstar na pinasikat ng Run DMC. Ang mga kawawang hip-hop ay nakatsinelas ng Duralite.

Madalas eh kaaway nila ang isa pang tribong jologs na tinatawag na "Rakista" na halos kabaliktaran nila, hindi lang sa musikang pinakikinggan kundi pati sa mga pananaw tungkol sa ROTC.

Kapag naging Presidente ako, gagawin kong isang malaking pagkakasala ang pagiging hip-hop. Hindi makakaligtas sa akin si Andrew E.

Sabi ng mga hip-hop: "Mabuhay si Snoop Dog!"

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

FPJ 101

Jul. 8th, 2005 | 11:02 pm
Music: Yngwie Malmsteen - Arpeggios from Hell

Nasubukan mo na bang manood ng mga tagalog movies noong 1990s? Ibahin ko yung tanong para mas madaling intindihin: Minsan mo na bang sinayang ang oras ng buhay mo at dahil sa kabagutan eh nanood ka ng mga movie ni Dolphy at Vic Sotto? Kung "Oo" ang sagot mo pareho tayo.

Kanina lang eh nakapanood ako ng konting-konti na tagalog movie. Comedy pero nakakaiyak dahil, hindi ka matatawa sa kacornihan. Ang mga punch-line lang ay yung may babatukan, magkakauntugan ng ulo. Haaayyy... Kapag nanood ka noon, para mo lang ininis ang sarili mo.

Naalala ko noong bata pa ako, tuwing Wednesday ng gabi, may mga tagalog action movies na ipinalalabas at madalas akong nanonood noon. Ewan ko nga ba kung bakit natutuwa ako sa mga ganoong panoorin noong bata pa ako.

Ang mga napansin ko sa mga tagalog action movies noong 1990s ay eto:

  • May bida na immortal. Tinamaan na ng bala buhay pa. Kapag may nagbato ng granada, masasalo niya at maibabato pa sa kalaban. Magaling sa suntukan at kahit lima pa ang kalaban ay hindi tinatamaan ng isang suntok. Meron yatang agimat ang mga bida sa pinoy movies kaya kahit anong mangyari ay hindi mamatay. Siguro, sila ay 'masamang damo.'
  • Ang kontra-bida ay laging maraming alalay. Laging may cellphone sa tenga. Binabatukan lagi ang mga goons niyang kalbo na pumalpak. Makapangyarihan din ang kontrabida at madalas mayaman talaga dahil nakakabili ng baril. Sa pinoy movies, maaring ang kontra-bida ay ama, anak, kapatid, kapitbahay, bayaw, lolo, o kaibigan ng bida. Ang kontra-bida ay parang demonyo sa sama dahil, pumapatay siya, mahilig mang-kidnap, nanununog ng bahay, nagtatapon ng asido sa mukha at minsan, kumakain ng bakal.
  • Laging may baril ang kalaban. Nakakatawa dahil ang pinag-aawayan lang nila ay kakapirasong lupa sa istorya ngunit mukhang milyon ang ginagastos nila sa bala pa lang. Kahit na babae pa ang kontra-bida may baril pa rin. O kaya may mga gun-man talaga siyang inarkila. Laging nakaipit ang baril sa mga pantalon.
  • May kantahan sa ilalim ng puno. Hindi ko alam kung anong sense. Pero lagi ko itong nakikita. Kung anu-anong korning kanta ang inaawit nila. Kasama dito ang machong bida.
  • Laging may nagpapatwawa kahit korny. Madalas ginagampanan ng mga bading o kaya mga katulong na nagpupunch-line ng napakacorny. Sila yung isa sa mga dapat tanggalin sa pelikula.
  • Ang mga goons sa pelikula ay madalas na, naka-maong na jacket, naka-shades, may-cellphone, white t-shirt, at lulan ng isang kulay silver na owner type jeepney. Kapag tumatawag sila sa cellphone madalas mong maririnig ang: "Ma'am, okey na to. Mamaya lang patay na ito sa amin. Bwahaha." Madalas din ay bigotilyo sila. Hmmm... Mr. Suave.
  • May seksing leading lady na walang ibang ginagawa kundi magpakidnap. Lagi na lang ganun. Di ko alam kung tanga ang leading lady o sadyang nagpapakidnap lang para maging gwapo ang bida.
  • Lahat ng bida ay magaling magpatakbo ng kotse. Kahit walang susi, aandar. Karamihan sa mga kotse na paborito nila ay yung bulok. Madalas nilang sinasagasaan ang mga Fruits and Vegetable Vendors.
  • Ang pinakahuli ay ang PULIS. Lagi silang kasama sa mga action na pelikula. Ano ang trabaho nila? Kapag nanalo na ang mga bida, darating na ang mga sasakyan ng pulis. Ewan ko kung bakit kailangan pa nilang dumating gayong nagapi na ang kontra bida.

Eto naman ang mga dialouge na madalas mong maririnig sa pelikula:

  • Bossing! Nakatakas sila!
    (Sasabihin ng alalay na pagod na pagod)
  • Isang bubwit lang di mo pa napatay!?
    (Sabay batok sa kalbong alalay na pagod na pagod.)
  • Wag kang mag-alala! Ililigtas kita Rosanna!
    (Kahit walang kausap.)
  • Lumabas ka na diyan sa lungga mo!
    (Habang nakasandal ang bida sa pader at nagrereload ng baril.)
  • Katapusan mo na!
    (Sinasabi ng bida kahit dehado siya.)
  • Hindi mo matatakasan ang batas! Bwahaha!
    (Pagnahuli na ang kontrabida ng pulis)

Haaayyy... Pero minsan, mas ok pang manood ng pinoy movies kaysa sa mga mexican telenobela.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

1 Message Received

Jul. 8th, 2005 | 07:53 pm
Music: Dream Theater - Another Day

Sa Pilipinas lang yata nauso ang salitang "text". Ang totoong salitang katumbas ng 'text' ay "SMS" na acronym para sa "Short Messaging Service." Dahil sa tulong ni Sen. John Osmeña, naging sikat ang cellphones sa Pinas at malamang eh sanadali nalang ang kailangan para mailagay sa Makabagong Diksyunaryong Filipino. Ginagamit din ang text na pandiwa, kaya pagnilagyan ng mga panlapi ay mabubuo mo ang mga salitang: nagtext, nagtetext, tinext, tinetext, mag-text, mag-tetext, pa-text, paki-text, i-text, at iba pang mga blah blah blah... Pero dahil hindi ko na maintindihan ang topic na sinimulan ko, iba naman.

Ngayong mga panahong ito, marami nang paraan para sabihin ang tanong na: "Kamusta ka na?" Ilan na sa mga paraan kung pano ito itinetext ng mga pinoy:

  • "Musta na?" Pangkaraniwang isinesend ng mga taong nasa normal pang pag-iisip. May mga respeto pa sila sa sarili nila at sa mga pinadadalhan nila.
  • "How r u?" Minsan ipinapadala ang SMS na yun na all caps, o minsan naman lahat ay naka-lower-case at madalas wala pang question mark. Pero ayos lang dahil katanggap tanggap pa ito.
  • "msta n u?" Medyo hindi na madaling intindihin ang message na ito pero yun parin ang ibig nitong sabihin. Madalas ay mga babaeng high-school students ang nagpapadala ng mensaheng ito. Pero minsan, akala mo babae na ang katext mo at magugulat ka nalang kapag nagkita kayo dahil mas mahaba pa ang buhok niya sa kili-kili kaysa sa'yo.
  • "muztah n u?" Ang pinaka-jologs sa lahat ng paraan ng pagsasabi ng example nating pangungusap. Iwasan ang pagsesend ng ganitong SMS. Nagsasayang ka lang ng piso at baka awayin ka pa ng kinakamusta mo. Na-warningan ka na ha.

Actually marami pang ibang pagsasabi noon kaya lang hindi ko na isinulat. Kung medyo nakakainis sa pandinig/paningin mo dalawang huling halimbawa natin, mas maiinis ka sa i-rereply ng pinadadalhan ng mga naturang mensahe. Ang madalas na reply nila ay:

"K nman me! Kw muzta nman u? Mis m n b me? Mis u na! Mwah mwah!! Yngatz ka palague!"

Wow, ang sarap batukan ng nagsesend ng ganyang message. Para sa kapakanan ng mga kaibigan natin na Reader's Digest lang ang binabasa, ito ang translation:

"Okay naman ako. Ikaw? Kamusta ka naman? Miss mo na ba ako? Miss na kita! Ingat ka palagi." (Note: Yung 'mwah' ay parang kiss sound)

Akala ko dati yung 'mwaaaaahhhh' na yan eh parang umuungol na Godzilla o kaya naglalaban na mga characters sa Dragon Ball.

"Mwaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!! Katapusan mo na!!! Mwahahahahahahaha! Ako ang pinakamakapangyarihan!!! Mwaaaaahhhhhhh!!!!"

Hanep, kailan pa ba nauso ang 'U' and 'Me' na yan. Nakakainis sa mata. Minsan kahit mga kaibigan kong lalaki ay nagsesend gamit ang 'U' and 'Me' na yan. Sakit na yata yan eh. Minsan nakatanggap na ako ng ganito:

"tol wer n u? bat di u pmasok? wla 2loy me asgnment. bukas psok u dhil syang baon u."

Huwaw, tunog macho ba ang mga ganyang message? Ewan ko nga ba kung saan nila napupulot ang mga lakas ng loob para magsend ng ganyan.

Actually, meron pang mas malalang translation nung isa sa mga halimbawa ko. Ito ang mga text na dapat dinedelete agad:

"oK nMan mEh!?!?! Kw muztah nman Ü???!??? MizZ m N b Meh??!?!? MiZz U naH!!!?! MwaH mwaHH!!!!!! Yngatz ka pALague!!?!

Kapag sinendan mo ako niyan, alam mo na kung saan pupulutin ang message mo at huwag ka nang magtataka kung hindi kita replyan. Kapag nagtext ka uli at nagreply ako ng "Sino ka?" alam mo na dapat na binura ko na ang pangalan ko sa phone book ko. Mag-aaway lang tayo kung makakatanggap ako ng ganyang kalaswang message. Parang green joke na rin yan. Hanep. Konting respeto naman sa mga itinitext oh.

"txt u l8r! d2 me sa hrap ng pc! nguupd8 me ng blog q! mis u na!! mwah mwah!!clarenz toh."

haaayyy... ang hirap magpatawa.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Sakay na!

Jul. 2nd, 2005 | 05:43 pm
Music: Jars Of Clay - Fly

P7.50 na talaga ang pamasahe ngayon. Ang mahal mahal. Parang di ka makakarating sa pupuntahan mo kapag iisipin mo kung magkano ang gagastusin mo sa pamasahe pa lang. Di mo rin masisi ang mga driver kung bakit ganun nalang kalaki ang tinaas noon. Masyado na kasing naging mahal ang langis ngayon kaya wala rin silang magagawa.

Araw-araw akong namamasahe. Ang eskwela ko ay sa Proj 8., QC pa samantalang ako naman ay taga-Cainta. Kailangan ko ng 3 sakay para makapunta sa eskwela. Halos isang taon na rin na akong namamasahe kaya pwede mo na ring "beterano" na ako. Hehehe. Ang post na ito ay para sa lahat ng mga natutunan ko sa pamamasahe. Ilan sa mga natutunan ko ay:

  • P7.50 na talaga ang minimum ng pamasahe para sa first four kilometers at P1.25 pero kilometer naman after the first four kilometers. Para sa jeepney yun.
  • Ang mga jeepney ay mahilig sa tagalog na hip-hop na paulit-ulit ni-loo-loop.
  • Ang CD player nila ay ang CD-ROM ng computer. Dito pinatutugtog ang mga kantang may "For lovers only" na boses cookie monster.
  • Ang mga low-class na jeep naman ay walang CD-ROM na nakalagay. Meron silang FM Tuner na walang ibang istasyon na masasagap kundi "Love Radio". "Kadyot lang, kadyot lang. Kuku rukuku..."
  • Ang pinakamababang class ng jeep ay walang kahit anong sound system maliban sa tunog ng mainit at galit na galit na makina.
  • Natutunan ko rin ang umiwas sa pagbabayad ng P100.00 sa Jeep. Kung magbabayad ka noon, dalawa ang pwedeng mangyari: 1.) Makakatanggap ka ng 10pcs na limang piso, 30 pcs na piso, at 8 pcs na bentesinko. Hihintayin mo pa yung kulang na 3 piso sa driver. 2.) Makakababa ka nang walang sukli. Actually may pangatlo pa: MUMURAHIN KA NG DRIVER.
  • Pwede kang humingi ng discount kung ikaw ay estudyante o kaya senior citizen. Kaya magbabayad ka sabihin mo: "Manowng, istudyantey pow..." Sabay abot ng 6 pesos.
  • Sa FX, P10.00 ang ibinabayad na pinakamababa. Ang pinakamalaki ko nang binayad ay P35.00 dahil sobrang layo ng destinasyon ko.
  • May mga FX na parang impyerno dahil sa init. May FX din na parang sa impyerno ang destinasyon mo dahil ayaw gumamit ng manong ng brakes.
  • Sa FX, iwasang sumakay sa gitnang upuan kung ayaw mong masira ang araw mo. Kung apat kayo doon, at may isang mataba, bawal na ang huminga ang tatlong pasahero dahil sa hostage na sila ng sikip. Titigil ang pag-agos ng dugo mo sa hita at binti. Ingat ka sa pagdukot sa wallet mo dahil baka isipin ng katabi mong nusing student ay hinihipuan mo siya.
  • Wala nang mas sasama pa sa FX na mainit at may sakay na tatlong matatabang babae na natutulog, habang heavy ang traffic at umuulan ng malakas.
  • Kapag may katabi kang mataba, parang limang piso nalang ang binayad mo dahil sa hirap na dinaranas mo at P35.00 ang binayad niya dahil sa ginhawang nadarama niya. Pero wag mong kalimutan na P20.00 parin ang bayad ninyong dalawa
  • Sa FX, hindi ka pwedeng magbayad at sabihin mong, "Manowng, istudyantey pow..." dahil hindi uso ang discount doon. Kung nagtitipid ka, hindi FX ang dapat mong sakyan.
  • Medyo okay ang FX dahil mga music na masarap sa tenga ang pinapatugtog nila.
  • Mas madalas na hinoholdap ang FX kaysa sa Jeep kaya good luck nalang sayo.
  • Marami parin ang naninigarilyo sa Jeep at FX.
  • Lahat ng mga sasakyan mo ay dapat dilaw ang plaka (plate number).
  • Kung gusto mong mamerwisyo ng kapwa pasahero, matulog ka sa sasakyan at sumandal ka sa balikat nila.
  • Ang mga babae sa Jeep ay madalas parang upong sirena samantalang ang mga lalaki naman ay upong barako dahil todo bukaka--makakaupo ka sa gitna ng hita nila sa sobrang bukaka.
  • Sa Jeep pwedeng sumabit, samantalang sa FX hindi.
  • Wala nang libre ngayon. Kapag nagtanong ka ng pamasahe, may bayad na din. Kaya kapag tinanong mo kung magkano ang LRT hanggang Sta. Lucia, sasabihin sa'yo P15.00 dahil P5.00 ang bayad sa pagtatanong.
  • Sa LRT2 at MRT ay may mga ticket vending machines. Sa LRT1, di yun uso.
  • Ang LRT2 puro estudyante ang nakasakay. Maraming mga magagandang nursing students ang makakasalamuha mo doon.
  • Sa MRT naman, puro mga nagtatrabaho ang nakasakay. Maraming mga magagandang office employees na bumababa ng Ayala ang makakasakay mo.
  • May Discount na 20% ang senior citized sa MRT, LRT2, at LRT1. Kung estudyante ka, wag ka nang umasa.

Haayy... Isa pa: Laging tandaan na kahit saan ka pupunta basta sa Luzon, one ride lang yun. "Pssst!!! Taxi! Taxi! Taxi!!!" (Ang corny nga naman oh...)

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Pass yer papers

Jun. 6th, 2005 | 10:46 pm
Music: Angra - Bleeding Heart

Haayy... Trimestral ang aming beloved AMA. Hanep. Kaya walang bakasyon, 3 weeks lang halos at yung 1 week doon ay enrollment pa. Tapos kapag papasok ka na sa school, malalaman mo nalang 3rd day na pala dahil: "THE NOTICE IS SUBJECT TO CHANGE WITHOUT PRIOR NOTICE." Yun ang pagkakaintindi ko. Start na ng classes ng mga ibang school at kami naman eh prelim examinations na. Ang sarap ng trisem.

Tuwing mag-eexam, maraming mga kababalaghang nangyayari. Maraming misteryosong nawawalan ng mga notebook at yung iba ay biglang nabibiyayaan ni Robin Hood ng librong pinilas ang pangalan. Finders keepers. Swertihan lang at maswerte ako dahil madalas mapunta sa lost and found ang mga gamit ko. Lost: dahil nawala ko. Found dahil nahanap nila, at itatago nila.

Maraming pagkakaibigan na nabubuo kapag nag-eexam, yung mga taong hindi kumikibo sa classroom eh bigla kang lalapitan para makahiram ng notes mong kulang kulang. Yung mga pala absent ay biglang papasok para lang tanungin kung ano ang coverage ng eksamen. Ang mga taong ang iniisip lang ay kung papaano maglevel-up sa ragnarok ay biglang nagkakainteres sa "anong mangyayari kung i-substitute ang X sa Y?" Biglang nagiging bayani ng classroom ang pinagtatawanang geek dahil sa kumpleto ang mga notes niya at perfect ang mga seatworks niya.

Sa totoo lang, bida ang mga Copy Centers (Xerox daw sabi ng mga teacher ko dati.) kapag malapit na ang examinitations. Magugulat ka dahil ang haba ng pila kay manong xerox, dahil kokopyahin niya ang isang buong binder gamit lamang ang isang makina. Ang kinopya ng isang oras ng kaklase mo ay makukuha mo lang sa loob ng 15 mins at hindi lang yun, MAINIT PA! Kapag nilanghap mo ang papel na phinotocopy, talagang tatamarin kang magreview.

Hindi lang bago mag-exams nabubuo ang pagkakaibigan, dahil mas madalas eh sa mismong araw ng examinations ang totoong challenge at test ng pagkakaibigan. Bago magexam parang nagpupulong ang isang grupo at aakalain mong nanalangin. Pero pinaguusapan na nila ang division of labor para hindi mahirapan kung sino ang sasagot sa "Test I, II at sa True or False." Ang mga matitinding samahan ay nagkokopyahan din sa "Essay." Layo-layo sila kung umupo dahil sa kanilang formation o dahil minsan kailangang nilang humanap ng upuan na may puting parte para masulatan ng code of conduct nila. Kapag nasulat na nila ito, parang naka-"Save As" na yung document at "Open" nalang ang kailangan. Iba-iba ang code na hawak nila dahil sa makapangyarihang division of labor. Kahit na united silang lahat, makikita mo pa rin ang kanilang katalinuhan dahil hindi nila ito ipinapasa agad ng sabay sabay. Ito'y dahil sa "hidden organization" o mga "NPA" sila ng classroom na kalaban ng gobyerong nerd.

Pero gayunpaman, marami paring mga distractions kapag nag-eexam. Kahit ang mga solo-flight examineers (may ganun bang salita?), problema itong mga sumusunod:

  • Psst! Psst! boys, akala mo nagmomorse code, pero nanghihingi ng sagot. Patago nga lang. Kapag sinasamahan ng kalabit, mas effective ito. Effective na panggulo ito sa mga taong nagbibilang kung saktong 100 ang items sa test.
  • Mga test papers na malabo. Astig ito, dahil mas mahirap pa kaysa sa test ang pagbabasa ng mga tanong. Minsan parang papel de hapon ang ginagamit ng mga eskwela pangprint ng exams.
  • Teacher na madaldal. No comment marami talaga niyan. Sampung beses inuulit ang corrections, ang daming side comments. Mamamatay rin ng maaga ang madaldal na yan.
  • Mga TB boys. Kapag nag-eexam, laging umuubo. Ang tindi ng ubo nila, dahil parang may sisiw sa lalamunan. Talagang humahagod. Mas doble ang distracting power kapag iniisip mo kung saan nila nilalagay yung plema pagkatapos umubo.
  • Sumisinghot na kaklase. Sa totoo lang ito yung distraction na pinakamatindi. Habang nagsosolve ka ng math mo eh sumisinghot ang kaklase mo na halos malunok na ang utak. Pero akala mo eh matindi na ang isang sumisinghot na kaklase, nagkakamali ka! Dahil mas matindi ang dalawang sumisinghot na kaklase. Mas gugustuihin ko pang magkaroon ng katabing sumisinghot ng rugby kapag may exam kaysa sa sumisinghot ng uhog. Nakakatorture ang exams kapag merong mga ganito.

Kaya laging maghanda sa exams. Kahit kamote ka na, dapat lagi kang maging alert sa mga nasa paligid mong biyaya.

Ang golden rule kapag nag-eexam: Kapag magpapakopya/kokopya, wag magpapahuli. Kapag nahuli, wag aamin. Kapag umamin, MANDAMAY.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Mamatay na sa Cancer wag lang sa...

Jun. 6th, 2005 | 10:38 pm
Music: Steve Vai - Blue Powder

Maraming mga tao ang natatakot sa sakit na cancer, hepatitis, AIDS, atbp. Totoo ngang medyo nakakatakot yun, pero minsan mas gugustuhin mo pang magka-cancer kaysa maabutan ng LBM.

Napakataksil ng LBM, bigla nalang itong umaatake kung kailang hindi mo inaasahan. "Like a thief in the night" sabi ng iba. Magugulat ka nalang dahil bigla mo nang nararamdaman ang mga sintomas ng LBM tulad ng:

  • Pananakit ng tiyan
  • Hindi maayos na paglalakad
  • Pagkawala ng peace of mind
  • Panlalamig ng mga kamay
  • Pinagpapawisan ng malamig
  • Di mapakali sa pagupo
  • Pagkairita

Kapag nararamdaman mo na ang mga iyan ang swerte mo dahil biktima ka. Magugulat ka nalang dahil iniisip mo na ang lahat ng mga kaibigan mo at kaklase sa elementary na mayroong banyo para makigamit ka. Napakaswerte mo kung pumunta ka sa kaibigan mo at ang sasalubong sa iyo ay ang kanyang gwapo/magandang kapatid at sasabihin "Naliligo si Ate/Kuya ehhh..." Gayong alam mo nang isa lang ang kubeta nila.

Isusumpa mo talaga ang LBM kapag inabutan ka nito sa mga pinakaimportanteng araw ng buhay mo tulad ng:

  • Graduation ka at naging valedictorian kaya mag-speech ka
  • Pagtula ka sa eskwela
  • Pagpepresent ng song number
  • Habang nasa bahay ng nililigawan mo kung lalake ka
  • JS Prom
  • Araw ng kasal
  • Habang nangangatwiran sa korte suprema
  • Nasa talk-show at ini-interview
  • Final Examinations sa eskwela
  • Board Exams
  • Pag-aaply ng trabaho

Pero kahit hindi importanteng araw minsan nakakaiyak din ang LBM lalo na kung ikaw ay nasa:

  • LRT2 at puro magagandang nursing students ang nasa harapan mo.
  • Nasa FX at nakaupo ka sa gitna na may katabi kang tatlong matatabang babae habang traffic na traffic at umuulan.
  • Naabutan ka ng Rush Hour sa edsa at kailangan mo pang akyatin ang pink footbridge.

Kung abutan ka ng LBM sa araw ng kasal mo, talagang maaatat kang magsabi ng "I do." Pagkasabi sigurado nun eh diretso takbo ka na sa banyo. Kung aabutan ka sa JS prom, haayy... Swerte mo lalo, especially kung first dance mo yun.

Pero meron paring mga paraan para maiwasan ito:

  • Paghandaang mabuti ang mga importanteng araw, huwag masyadong kumain ng mga pagkaing alam hindi tama ang kumbinasyon. Halimbawa eh wag kang kakain ng manggang hilaw (green mango), na may bagoong at sasabayan mo ng inom ng Milo at Yakult at isang plato ng Papaya. Pagiging maingat ang sikreto.
  • Uminom ng dulcolax o kaya fibrosine para maayos ang bowel movement. Kung may aalis ka ng bahay ng 7am, wag kang iinom ng dulcolax ng 6:45am kung ayaw mong maabutan ng iyong... uhmm... bowel movement sa daan.
  • Kapag inabutan na ng LBM, maging relax at huwag pahalata. Tandaan na kayang kuntrolin ng utak ang katawan kaya subukan mo na lahat dasal at orasyon na alam mo. Mas mabuti nang magmukhang tanga kakadasal kaysa magmukhang tanga dahil sa LBM. Punasan mo lagi ang pawis mo.
  • Isa pa uli, kapag inabutan ng LBM sa daan, huwag humakbang ng malalaki dahil baka pabilisin lang nito ang traffic sa sikmura mo. Sa halip, maging maingat sa bawat hakbang na tinatahak, at maging alerto sa mga CR/Restroom na makikita. Mas mabuti rin daw gumamit ng mga CR na para sa mga "Disabled" o mga "Physically Challenged" dahil wala raw tao doon. Mas mabuting mag-elevator kaysa mag-stairs.
  • Pang huli naman, mas mabuti na lagi ang sigurado. Hindi naman ganoong kabigat ang tissue.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

P1 Million Time

Apr. 25th, 2005 | 07:32 pm
Music: Mattias IA Eklundh - The Road Less Travelled

Minsan masarap ang sumagot sa mga TV game shows lalo na sa mga "1 Million Peso Jackpot Question!". Kung ang mga tanong sa'yo ay mga "Saang planeta ka nakatira ngayon?", sigurado milyonaryo ka na kung pareho kayo ng planeta ng game show host..

Naisip mo kaya kung bigla kang pagtripan ng TV game show na ito dahil sobrang galing mo tulad ko? Paano kung tanungin ka ng "So What?" sa million peso question mo? Paano mo sasagutin ang tanong na yun? Kung ako sa'yo, iiyak na lang ako.

Heto pa ang ilang tanong na kahit magna cum laude ka eh iiyakan mo:

  • Hello?
  • Saan?
  • Bakit?
  • Paano?
  • Ilan?
  • Magkano?
  • Sino?
  • Weeehhh?
  • Ows?
  • How's my driving?

Haaayyy, para kang pinagmalupitan ng panahon kapag nangyari yun. Paano mo nga naman sasagutin ang tanong na "How's my driving?" at "Hello?".

Kaya kung ako sa'yo, doon ka na lang sa mga Pera o Bayong o kaya Laban o Bawi.

Nakawin | Shred me! | Add to Memories | Tell a Friend

Presidente ng Pilipinas

Apr. 21st, 2005 | 03:02 pm
Music: Sonata Arctica - Reckoning Day, Reckoning Night

Kahapon ng umaga, tinanong ako ng isang kakaibang kaibigan:

"Gusto mo bang maging presidente ng Pilipinas?"

Sabi ko naman, eh ayaw ko. Wala rin namang mababago dahil lahat ng tao eh, parang galit sa pangulo. Kahit anong gagawin mo eh wala rin namang talaga susuporta sayo. Mas marami parin ang kaaway mo kahit mabuti ka.

Pero sabi niya: "Pwede mo namang ibahin yun eh! Pwede mong gawing Rock ang National Anthemn ng Pilipinas at papuntahin lagi si John Petrucci. Habang nasa palasyo si Petrucci eh magpaturo ka na rin. Kapag wala ka nang magawa eh, maglaro ka ng PS2."

Naisip ko tuloy, baka pwede ngang mangyari yun at mukhang masaya nga kung masusunod lahat ng gusto natin. Pero kung ako ang tatanungin, ang gusto ko talagang mangyari eh:

  • Papalitan si Rizal bilang national hero ni Pepe Smith o kaya si Wally Gonzales
  • Ipapakulong ko si/sina Kitchie Nadal, Spongecola, Kjwan, 6 Cycle Mind, Andrew E., Salbakuta, Willie Revillame, John Lapus, Teri Onor, Chocolate, Sexbomb Girls, Lito Camo at yung may-ari ng Love Radio.
  • Makakabili ka na ng guitar pick sa mga sari-sari store. Bababaan ko din ang presyo nito hanggang sa umabot ng P1.00 isang pick. May "Buy 5 take 1 promo" din.
  • Ituturo ang gitara bilang isang compulsary requirement sa mga batang nag-aaral sa private at public school mula grade 4 pataas. Ang mga batang wala pa sa tamang edad/antas ay pag-aaralin muna ng keyboards o kaya bass guitar. Sa mga 1st year students naman eh ituturo ang pagtugtog ng drums.
  • Aalisin na ang mga holidays na hindi kailangan at nagpapahirap lang sa mga estudyante. Kasama na dito ang United Nation's day, Linggo ng Wika, Nutrition Month, English Month, Science Month at iba pa. Ang ipapalit dito ay Christmas Party every week at isang battle of the bands bawat buwan.
  • Tatanggalin na ang lethal injection. Papatayin sa kiliti ang mga mahuhuling nagkasala sa batas.
  • Ang mga botohan para sa susunod na pangulo ay sa pamamagitan ng battle of the bands.
  • Magpapagawa ako ng maraming kalsada. Papasementohan ko ang mga bukid.
  • Ipapalipat ko ang Quiapo Church sa may Masbate dahil masyadong crowded doon.
  • Tulad ni Eddie Gil, gagawa rin ako ng... PHILIPPINE DOLLAR!
  • Gagawing 110V ang kuryente para matipid.
  • Papalitan ko ang kulay ng uniporme ng mga pulis ng kulay pula para madaling makita ito ng mga lumalabag sa batas.
  • Pag-iisahin ko ang MERALCO at COMELEC para hindi na mahirapang hanapin ang mga mandaraya.
  • Papalitan ko ang PUP at gagawin kong Philippine University of the Philippines.
  • Ililipat ko ang UP sa Pandacan para maging University of Pandacan.
  • Ililipat ko ang Mental Hospital sa malapit sa Manila Zoo para may mga extra attractions pa ang zoo.
  • Tatanggalin ko ang mga accident prone areas at gagawa ng "accident only areas". Ang ibig sabihin noon, doon ka lang pwede/dapat maaksidente. Ang paglabag sa batas noon ay paparusahan ng kiliti o pakikinig sa kanta ng Simple Plan.
  • IImbento ako ng gasolinang pwedeng inumin.
  • Ipapaban ko ang Wowowee.
  • Magkakaroon na lang ng konting channels. Net-25, SBN-21, UNTV-37 at GMA7. Para lagi nating mapanood ang debate ng mga tagal Iglesia ni Cristo at Ang Dating Daan.

Kung pwede lang magkatotoo ang lahat ng kalokohang iyan, sigurado, napakasaya ng mundo. Magiging sikat ang Pilipinas at maibabalik na tayo sa mapa. Titigil na ang terorismo dahil matatakot sila sa bagong kaparusahan. Mawawalan na rin ng oras ang mga kriminal sa kapapanood ng TV. Titigil na rin ang mga korning kanta sa Radio dahil nakakulong na ang mga ito.

Sana lang talaga eh... Pumunta dito si Petrucci

Nakawin | Shred me! [2 na ang tumugtog] | Add to Memories | Tell a Friend